CHAPTER 2: SIBLINGS
“Nandito nap o tayo Ma’am Lucy. Pwede na po kayong bumaba” – Driver
“Salamat po manong driver. Ano po ang pangalan niyo?” – Ako
“Roger po ma’am” – Driver
“Sige manong roger. Salamat sa paghatid” – Ako
“Walang ano man Ma’am Lucy” – Manong Roger
Haaaaist. Alone nanaman ako. T_T Namimiss ko na talaga mama ko. Gusto kong bisitahin yung puntod nang mama ko kaya lang nasa probinsiya pa yun. Hindi parin ako sanay na mag-isa. Nandito nanaman ako sa malaki kong bahay. Akala ko pag nandito na ako hindi na ako malulungkot kasi nandito yung mga kapatid ko at si Daddy. Mama bakit mo ko iniwan? Hhuhuhu. Nahihirapan na ako. Bakit ang drama ko? Gusto ko munang mamasyal.
Hindi muna ako tumuloy nang bahay at namasyal muna ako sa town. Umalis din ako sa subd. Namin at lalo na sa bahay namin. Hay naku!
“Miss nag-iisa ka lang yata ah? Sama kana muna sa amin” – Lalaki 1.
“Mukhang mayaman to pare ah. Naka uniform pa nang Heartfilia University” – Lalaki 2.
“Sama ka na samin miss” – Lalaki 1.
“Ayoko. Bitawan niyo nga ako” – Ako
“Hindi ka naming sasaktan miss” – Lalaki 1.
“Ano ba! Bitawan niyo ako” – Ako
“Bitawan niyo siya! Hindi niyo ba siya naririnig? O talagang bingi kayo” – Lalaki 3.
“Sino kaba ha? Bakit ka nangingialam? Maghanap ka nga nang chicks mo” – Lalaki 1.
Booogsh. Booogsh.. Boooogsh. ( Suntukan )
Once upon a time may lumigtas sa akin. Ang gwapoo niya. Sino kaya siya? Waaaa. Lord? Bakit ang dami kong na meet na mga gwapong nilalang this day. Swerte ba to Lord? Hindi naman pala boring dito.
“Miss?” – Lalaki
“Huh?” – Ako
“Kanina kapa jan nakatulala miss eh. Na trauma ka ba miss?” - Lalaki
“Aaah eeh. Salamat ah!” – Ako
“May bayad yun miss” – Lalaki
“Bayaaaad?! Baka acting niyo lang yun para makapera sa akin!” – Ako
“Haha. Alam mo nakakatuwa ka miss. Hindi mo ata ako nakikilala eh. Hindi yun acting noh! Kung acting yun sana hindi ako nasugatan” – Lalaki
“aay Sorry po mister. Ano po pangalan niyo? Handa po ako magbayad kahit ano para sa sugat niyo”-Aq
“Hahaa. Hindi naman pera kailangan ko eh. Ako pala si Shiki” – Shiki
“Hindi pera? Naku waaag po! Bata pa po ako! Wag niyo po akong I rape” – Ako
“Hahahahaa. Nakakatawa ka talaga miss. Wala naman akong planong ganun at tsaka wala naman akong kukunin jan sa mataba mong katawan” – Shiki
“Excuse me? Hindi ako mataba noh!” –Ako
“Icecream lang kailangan ko” – Shiki
“Icecream lang pala kailangan mo eh. Ang dami mo pang satsat tara dun sa tindahan may Selecta ata dun” – Ako
“Ano yung Selecta? O.o? Tara na miss?” – Shiki
“Naku. Wag mo na akong tawaging miss. Miranna pangalan ko Mira for short” – Ako
