(a/n: sorry for typos and wrong used of words, unedited pa po kasi iyan... ahm please vote /become a fan to promote the story... thanks a lot! Btw, sorry nga pala kung super crowded pagdating dito ah... ung tipong siksikan mga words, haha! Sa word kasi ako nagta-type and di ako mahilig sa maraming spaces, kasi i am used na matipid sa paggamit ng pages eh... hahah! please forgive me... hehe! )
KAITH TORREZ
“Nick let’s go!” aya ko sa kanya
“Oo, sandali lang naman…” nagmamadali niyang inaayos gamit niya.
After ng class namin, agad na kami umalis ni Nick para mamili ng mga kakailanganin for Dara’s birthday bash. We went to MOA tapos nag-ikot-ikot…. Pasok kami sa mga boutiques na makitang may magandang dress or bags…. Mahilig kasi dun si Dara eh… after namin makapamili ng gift, pumunta kami sa isang shop na puro pang-party yung tinitinda… marami kaming nabili sa shop… mabilis kaming nakapamili kaya may time pa kami for something.
“Gutom ka na ba?” tanong niya sa akin habang hawak hawak yung kamay ko. Nag-nod ako since gutom na nga talaga ako.
“San mo gusto kumain?”san nga ba?”
“Okay lang kahit san…” nag-nod lang siya,
Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa isang fast food chain… naghanap kami ng vacant seat for two, tapos naupo.
“Ano gusto mo kainin?” tumingin ako sa food list na nasa may counter…
“Iced tea and fried chicken na lang.” nag-smile ako sa kanya.
“Okay boss! Wait lang, oorder lang ako,” umalis na siya para umorder. Sa totoo lang ngayon lang ako makakakain sa ganitong place… nakakatuwa lang ang experience. Si Mokong talaga, mahilig ipa-experience sa akin yung mga bagay na di ko pa nagagawa.
“Hi Kaith!” napatingin ako sa tumawag sa akin… di ko siya kilala.
“Hello?” naka-smile kong sinabi.
“May kasama ka ba? Can I share with you?” okay lang ba siya?
“Ahm, sorry, kasama ko si Nick eh…” napabukas yung bibig niya nung narinig yung name ni Nick.
“Ohw, your boyfriend?” nag-nod ako.
“Bakit kasi sa lahat siya pa pinili mo, diba may girlfriend yun?” hay, speechless ako… di ko alam isasagot ko…
“Brad, may girlfriend nga yung taong tinutukoy mo, kausap mo nga ngayon eh! Pwede bang umalis ka na diyan, di mo ba narinig sinabi niya na may kasama siya? Alis na!” napatingin ako sa nagsalita, buti na lang at dumating siya.
“Ah, sorry…” lumayo na rin yung lalaki.
“Hay, sa susunod kasi wag ka na mag-open ng conversation ah… kapag di mo kilala, wag mo na pansinin!” panenermon niya sa akin hbang nilalapag yung mga binili niyang pagkain.
“Sorry… di ko naman kasi ---“ nakayuko kong sinabi
“Okay nay un… kumain na lang tayo para makauwi na agad.” And ayun, tahimik kaming kumain… nabad trip yata siya…
Nakarating kami sa bahay na di gaano nag-uusap, nag-sorry ako sa nangyari kanina sabi niya okay lang naman daw…
Hinatid niya na ako hanggang sa loob, kasi ang dami namin nabili for Dara’s birthday bukas… kaya ayun. Pero pagdating namin sa may main door ng bahay…
“Dad?” nagulat ako sa nakasalubong ko…
“Bakit ngayon ka lang?” tanong niya sa akin… bigla na lang siya napatingin sa may likod ko… napatingin siya kay Nick.
BINABASA MO ANG
Misfortunes of Love (MOL)
Novela JuvenilSa isang relationship, parati na siguro kakambal ang LQ o pagtatalo hanggang sa magkakalabuan tapos magkakasiraan na at kung di na kayang maayos pa, worst na kapag humantong na ito sa break up. Pero minsan, may mga relationship na kung tutuusin, alm...