Fall
From: ❤ Poging Xander ❤
Hintayin mo ako sa may labas ng CAS. May meeting lang daw kami saglit sabi ni coach. Bwisit! Doon ka tumigil sa malilom ha? Saglit lang 'to. Sasabihin ko bilisan niya magsalita para hindi mo ako mamiss kaagad.
Bahagya akong napangiti sa text ni Xander. Loko talaga 'yun kahit kailan. Hindi na ako nagreply sa kaniya at sa halip ay humanap na lamang ng malilom na pwesto para tigilan. Bukod sa mainit naman talaga, mahirap na kapag nakita niyang hindi ko siya sinunod dahil magtatampo iyon. Malakas pa naman talaga ang karga ng isang 'yon. Naalala ko noong isang araw niya akong hindi kinausap dahil lamang full name niya ang inilagay ko sa aking contacts. Gusto ko kasing puro full name ang mga nakasave para sana maayos tignan pero si tanga ang gusto poging Xander ang ilagay with hearts pa. Kaya naman hindi ko na pinakialman at baka kainin lang ako nun
"Hi"
Napaangat ako ng tingin sa bumati sa akin at muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita kung sino iyon
"Sorry. Hindi ko sinasadyang gulatin ka" aniya ng nakangiti. "Magugulatin ka na pala ngayon ha?" at sinundan niya ito ng mapanlokong tawa
"Ah oo eh. Medyo magugulatin na nga ako ngayon" napapahiya kong sagot
Juicecolored! Wa poise na naman 'to. Nakakainis
"Ibig ko sabihin medyo nagulat lang ako kasi biglang may bumati sa akin" pilit ngiti kong pahabol habang nagkakamot ng ulo
"Ang cute mo talaga kahit kailan"
Napatanga ako sa kaniyang tinuran. Pakiramdam ko sobrang nag-init ang aking pisngi
"May hinihintay ka ba?"
Mabilis naman akong umiling na ikinangiti niya
Wait lang Xander ah. Lalandi lang muna ang friend mo
"So baka pwede mo naman akong samahan ngayon sa mall?"
"Ah oh sige tara, tara!"
Hindi ko na siya hinintay at ako pa mismo ang naunang maglakad sa kaniya
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at iginaya sa kung saan naroon ang kaniyang sasakyan
"Lagi ka pa ring excited sa mga bagay-bagay" aniya at pinagbuksan ako ng pinto
Napahiya naman akong pumasok sa loob at ramdam ko ang kamay niyang nasa aking ulunan upang hindi ako mauntog
Siya na rin mismo ang nagkabit ng aking seat belt kaya naman kulang nalang hindi na ako huminga
Mabuti na lamang at mabilis lang iyon dahil kung hindi baka himatayin na ako sa loob ng kotse niya
Mabilis naman siyang umikot papunta sa driver's seat at saka pinaandar ang sasakyan
"Buti nalang nakita kita"
Ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses kahit na nakangiti niya iyong sinabi
"Ano bang gagawin mo sa mall?" tanong ko habang pinaglalaruan ang aking kamay. "Atsaka tanong ko lang din sana kung bakit ako ang isasama mo hehe"
Malalim ang naging hugot niya sa kaniyang hininga
"Gusto ko lang sana aliwin ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi kaunti nalang masisiraan na ako ng bait"
Gusto ko mang tanungin pa siya ay hindi ko na ginawa dahil ramdam ko naman na ayaw niya munang pag-usapan iyon
At isa pa, mahirap na baka ibaba na lamang niya ako kaagad diyan sa tabi. Maudlot pa ang date namin
Lakad pala, sorry
"Alam mo naninibago pa rin ako sayo hanggang ngayon" pagbubukas niya ng usapan makalipas ang ilang minutong katahimikan
"Bakit naman?"
"Pakiramdam ko kasi hindi na ikaw ang Sammy namin"
Namin? Pwede bang mo nalang? Joke hehehehetanginahehehehe
"Uy hindi ah. Ako pa rin 'to. Atsaka paano mo naman nasabi yan?"
"Hindi ka na kasi madaldal tapos parang mahiyain ka na ngayon" aniya habang naka kunot ang kaniyang noo. "Ah alam ko na!"
Taka naman akong napatingin sa biglaang niyang pagsigaw
"Nagdadalaga ka na, no?"
Agad na sumimangot ang aking mukha
"Bakit? Nagbibinata ba ako dati ha?"
Marahan niyang kinurot ang aking pisngi gamit ang isa niyang kamay
"Joke lang, ito naman. Feeling ko kasi nahihiya ka sa akin. Ayoko ng ganun kasi may pinagsamahan naman tayo, diba?"
Napalabi ako at tinanggal ang kaniyang kamay sa aking mukha para kunwari hindi ko gusto ang ginagawa niya
Easyhan muna natin mga te. Kaunting pabebe, ganern
"Alam kong hindi maganda ang naging huli nating pag-uusap ilang taon na ang nakakaraan. Pero mas importante pa rin naman ang pagkakaibigan natin, diba?"
Alinlangan akong tumango sa kaniyang sinabi
"Ayan ka na naman. Ayaw mo na naman magsalita. Ako tuloy ang mukhang madaldal sa ating dalawa ngayon" kunwari'y nagtatampo niyang wika habang nakanguso
Wag ka ngang ganiyan. Kiss kita eh
Oh hinay hinay. May girlfriend 'yan
Para naman akong nasamid sa sarili kong laway nang maalala ang mapait na katotohanan
"Eh wala naman kasi akong sasabihin"
"Sus. Ikaw pa ang mawalan? Kahit nga panganagak ng pusa niyo dati kinikwento mo pa sa akin" natatawa niyang sabi at bahagyang sumulyap sa akin. "Sige na, kwentuhan mo nalang ako ng latest sayo"
"Wala rin akong maiikwento eh" kamot ulo kong sagot
"Kamusta nalang sina Tito at Tita? Miss ko na sila eh"
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at mapait na napangiti
Minsan ko na kasing naipakilala si Sky kina Mama at Papa. Hindi ko inakalang magugustuhan nila siya agad kaya naman noong minsang nagpadala sa akin si Mama ng pagkain para kay Sky ay ganoon na lamang ang tuwang aking nadama
"Wala na kasi si Mama eh" kahit masakit ay nakangiti ko pa ring sabi nang lingunin ko siya. "Matagal na rin silang hiwalay ni Papa bago siya maaksidente"
Muntik na akong masubsob sa dashboard dahil sa biglaan niyang pagpreno
"Dahan dahan naman" sabi ko habang nakahawak sa aking dibdib
Nabigla ako ng hilahin niya ako para yakapin
"I'm sorry"
Mas humigpit pa ang kaniyang yakap at ramdam ko ang mumunti niyang pag-amoy sa aking buhok
"Sorry kung wala ako sa tabi mo nang mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung hindi ko man lang naisipang mag reach out sayo. I'm really sorry"
Para namang piniga ang aking puso dahil sa kaniyang mga sinabi
Humiwalay siya ng yakap at masuyong hinaplos ang aking mukha
"You're a very brave girl, Sammy. Gusto kong malaman mo na sobra akong proud sayo"
Kinagat ko ang aking labi para pigilan sana ang umiyak ngunit taksil ang luha ko dahil sunod sunod na silang tumulo
Sobra lang akong natutuwa ngayon dahil ang tagal na panahong walang nagsasabi sa akin ng mga ganitong bagay
"Pero wag kang mag-alala. Dahil ngayon hindi ka na ulit mag-iisa. Sasamahan na ulit kita" nakangiti niyang wika at pinunasan ang aking mga luha
Tang ina. Hulog na naman ako nito. Hulog na hulog na naman ako