Chapter One: Ang pag momove On ni Jaimee

2 0 0
                                    

"Wow!!!" Bulalas ni Jaimee.
First day ng pasukan... At last 4th Year High School na si Jaimee.. Excited siya pumasok today... Tiyak na magiging masaya ang lahat.
" Ang boring kaya sa bahay nitong bakasyon mas masaya sa school with friends.. Hehehe". Nasabi na lang nya
sa sarili...
"Oy Gwen... I'm here!... Masaya nyang bati habang winawagay way ang kamay sa ere...
Kaagad naman lumapit si Gwen.

"Hi sis... Namiss kita eh" tska nag pout ng lips.

"Oy ako rin no...heh he... "

" Wow naman ha... Ikaw na talaga ang ganda ng ngiti mo sis... Remember wala na ngayon sa campus si Dean yung love of your life... Bakit ang saya saya mo pa rin? " Pang aasar ni Gwen.

"Ay naman talagang pinaalala mo pa e... " Sabay batok ni Jaimee na tila napikon..

"Ikaw talaga ndi ka na mabiro... Fine past is past.. Dami naman dyan iba.  Mag move on ka na kasi sa first love mo.. " tska sumeryoso si Gwen.

Biglang may kung anong mabigat na naramdaman si Jaimee sa dibdib kung bakit ba naman napaka wrong timing nitong best friend nya... Kung kelan nagmomove on na ang tao tska pinapaalala.... Hay naku.... Tsk!

****Sino si Dean?

Si Dean ang first love ni Jaimee.. Pero hindi naman sila masyado nagtagal dahil nalaman na lang ni Jaimee na may iba na ito...

Sino?  Yung classmate nila na super talino si Vaness... Kaya ang ending... Heartbroken si bes...

Kung sabagay sabi nga nila... High School life daw ang pinaka masaya so... Bakit ba siya magpapaka lungkot naiyakan nya Na si Dean last school year tama na siguro iyon... Magpakasaya na lang sila ni Vaness...
" For all I care!!!! Kaya ko to!  " sigaw ni Jaimee sa isip nya.

Masaya naman natapos ang maghapon...

Magkasama si Jaimee at Gwen nag aabang ng sasakyan nang matanaw nila sa di kalayuan si Vaness.

Ewan ba... Pilit naman talaga nag momove on itong puso ni Jaimee pero bakit sa tuwinang makikita niya si Vaness parang sinasaniban siya ng masamang espiritu... Hay.. Kaines... Ano ba naman...

Kung sabagay...  Nasa college na naman si Dean... At least e hindi na nya ito makikita... At least makakaiwas ng ang puso nya sa sobrang sakit ng may minahal na itong iba.... At least... At least... At least...

"At least? " Anong at least ang sinasabi mo diyan Jaimee?  Pakli ni Gwen.

Hindi inaakala ni Jaimee na nasabi pala nya ang bagay na nasa isip lang nya.

" H... Ha?  " Gulat na tanong ni Jaimee...

Humagikhik si Gwen.. Habang tila nakakalokong ngumiti.. At umiling iling pa.

Ngumuso lang si Jaimee. 

Haist.... Naku naman.. Kung di ko lang bestfriend ito ang sarap talaga banatan.  Nasabi na lang nya sa sarili.

You ➕ me = DestinyWhere stories live. Discover now