CHAPTER EIGHT
MAAGA pa lamang ay gising na si Atasha. Gusto niya kasing ipagluto si Drew ng paborito nitong adobo. Kagabi pa lang ay sinabihan na niya ang ina na turuan siya nito at pumayag naman ang huli. Ngayon nga ay nagpapakahirap siya sa pagtadtad ng mga sibuyas habang ang mga magulang naman niya ay umalis. Akala pa naman niya ay tutulungan talaga siya ng kanyang ina sa pagluluto, iyon pala ay bibigyan lang siya nito ng mahiwaga nitong cook book. Kumusta naman iyon?
Sumisinghot-singhot siya dahil kanina pa siya naluluha sa pesteng sibuyas na hinihiwa niya nang makarinig siya ng katok sa pinto. Iniwan niya muna ang ginagawa at tinungo ang kung sino man ang bisita nila nang araw na iyon. Siya lang ang naiwang tao sa bahay nila dahil may kliyente raw na kakausapin si Drew. Si Mommy Lucy naman ay nasa shop na at ang mga magulang niya ay binisita ang iba nilang kamag-anak.
Nang buksan niya ang pintuan ay hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. It was Melody. Awtomatikong umangat ang kilay nito pagkakita sa kanya. Ito pa talaga ang may ganang magmaldita sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa rito.
De-deretso itong pumasok sa bahay kahit na hindi pa man niya ito iniimbita.
“Wala si Drew ngayon,” wika niya sa pag-aakalang ang binata ang kailangan nito.
“Hindi si Drew ang ipinunta ko rito kundi ikaw,” turan nito.
“Ano’ng kailangan mo sa'kin?” nagtatakang tanong niya. Sa pagkakaalam niya ay wala naman silang dapat pag-usapan nito. They’re not even acquaintances to begin with. Kaya ano naman ang posibleng kailangan nito sa kanya?
“I know that you two are just pretending to be a couple,” anito na ikinagulat niya. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang bagay na iyon. Sa pagkakaalam niya ay tatlo lamang sila nina Drew at Jester ang nakakaalam ng sekretong iyon. “Gulat ka?” sarkastikong turan nito. “I heard you both talking about it the other day,” dagdag nito.
“I’m gonna make it brief and short, Atasha. Stop messing with Drew’s life. Alam kong ginagawa niya ang lahat ng pagsasakripisyong ito dahil naaawa siya sa'yo. But do you really have to agree with everything he’ll say? Hindi mo man lang ba naisip na may sariling buhay si Drew? Na may mga bagay pa siyang gustong gawin, pero hindi niya magawa dahil nandiyan ka na kailangan pa niyang tulungan sa gulong ikaw mismo ang gumawa. Naisip mo ba kung ano ang mararamdaman ni Tita Lucy kapag nalaman niya ang lahat ng 'to? You would surely break her heart. So as early as now, you better fix this mess. Stop playing with everyone’s life, Atasha Belle. Stop dreaming that Drew will eventually love you. Yes, alam ko rin na may pagtingin ka sa kanya. Hindi naman kasi talaga mahirap mahalin si Andrew. Pero huwag kang umasa na mamahalin ka rin niya. I will always be Andrew's first and only love. Hindi lamang ang kung sino lalo na ikaw ang makakabura niyon sa buhay niya. Just simply accept the fact that you’re not the right woman for him,” pagkatapos ay walang lingon-likod na tinalikuran siya nito.
Naiwan siyang nakatigalgal. Ayaw man niyang tanggapin pero tama ang lahat ng mga sinabi nito. Siya ang sumisira sa lahat ng mga pangarap ni Drew. Hindi habang buhay magpapanggap sila ng binata. Whether she liked it or not, time will come that everything they’ve made up will come to the open. Kaya ba niyang makitang masaktan ang mommy nito? Sa lahat ng kabutihang ipinakita nito sa kanya, ito pa ang igaganti niya? At ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nalaman ng mga ito ang mga kasinungalingan niya? Would they be able to trust her again?
Everything dawned to her. Kung hindi pa ipinamukha sa kanya ng babaeng raccoon na iyon ang lahat ay hindi pa niya mare-realize ang extent ng mga kasinungalingang ginawa niya.
"I will always be Andrew's first and only love. Hindi lamang ang kung sino lalo na ikaw ang makakabura niyon sa buhay niya. Just simply accept the fact that you’re not the right woman for him."
She was definitely right. Hindi siya ang babaeng nababagay para kay Drew. It was all just a pretend. A make-believe. Hinding-hindi magiging totoo ang isang bagay na kathang-isip lamang. Eventually Drew will get tired of understanding her. Ayaw niyang antaying mawala pati ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil lang sa pagiging makasarili niya. Kailangan na niyang itama ang lahat ng mga kasinungalingan niya. Alam niyang magagalit sa kanya ang mga magulang niya pero kailangan niyang harapin ang mga ito. As early as possible. Dahil kung hindi, baka mawalan na siya ng pagkakataon na itama ang mga maling nagawa niya. Or worse, baka gustuhin na lang niyang magsinungaling sa mga ito habang-buhay.
NAPAGPASYAHAN ng mga magulang ni Atasha at ng mommy ni Drew na magdaos ng isang maliit na party para sa engagement nila. Hindi pa niya nakikita ang dalaga mula kaninang dumating siya ng bahay. Bago pa kasi siya nakarating sa bahay nila ay sinundo na ito ng pinsan nitong si Jester. Gusto kasi ng mga matatanda na sorpresahin ito sa kanilang engagement party.
Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya ng gabing iyon. Parang may hindi tamang mangyayari. Pinilit na lamang niyang ipagsawalang-bahala ang pakiramdam na iyon. Siguro ay masyado lang siyang excited na ipaalam sa lahat ng mag-aasawa na siya. Nang magkita sila ni Jester kanina ay nagulat ito nang sabihin niyang matutuloy sa totoong kasalan ang usapan nila ni Atasha, pero wala rin naman itong sinabi.
Handa na ang lahat nang sa wakas ay tinawagan niya si Jester na dalhin ang dalaga sa bahay nila. Hindi ganoon karami ang mga tao. Mga malalapit lang na pamilya nila at ng dalaga ang naroon. Saka na raw ang engrandeng party sa kasal nila. Saktong lumabas na siya ng kuwarto nang bumukas naman ang pinto at pumasok ang magpinsan. Nakita niya ang gulat sa mukha nito. Agad itong nilapitan ng mama nito at mommy niya. Hindi niya maintindihan pero parang hindi nito nagustuhan ang ginawa nila. He could sense something was wrong with her. Kahit ang ngumiti ay hindi nito magawa. She look so troubled and he was starting to get worried. Gusto niya sana itong lapitan ngunit bigla naman siyang hinarang ng papa nito.
“Hindi pa tayo nakakapag-usap ng masinsinan,” seryosong turan nito.
Inimbitahan siya nitong mag-usap at pinaunlakan naman niya ito. Naglakad sila patungo sa likuran ng bahay kung saan wala masyadong tao. Hinintay niya muna itong magsalita ulit.
“Atasha was just eighteen when we left the country. Ayaw sana naming iwan siya noon pero siya ang nag-insist sa amin na ituloy ang pagpunta sa Dubai. Naiintidihan niya raw na kailangan rin naming magtrabaho para sa kinabukasan nito. At a very young age, she was able to make decisions for herself. Aaminin kong nagulat ako nang sinabi ng anak ko na mag-aasawa na siya. Wala naman kasi kaming nababalitaang may bagong boyfriend siya. Hindi kami naniwala nang sinabi niya iyon sa amin. Inisip namin na baka gumagawa lamang ito ng paraan para hindi matuloy ang mga plano namin para sa kanya. But when we went here, and saw how happy she was with you, naisip namin na siguro nga ay panahon na para pakawalan namin siya. She’d grown to be a wonderful woman, Drew. And I’m letting her go for you. So take care of her, okay?” mahabang saad nito. Kahit na mahinahon ang pagkakasabi nito, hindi pa rin maipagkakamali ang pasimpleng babala nito sa kanya. He couldn’t blame him though. Atasha was his only princess. Kahit sinong ama ay hindi gugustuhing mapasama ang anak nito.
Nakangiting tumango siya rito. Kahit hindi nito sabihin ang mga bagay na iyon ay gagawin niya pa rin. As time went by, lalo niyang minamahal ang dalaga. Ano pa nga ba ang rason kung bakit siya pumayag na magpakasal sila? He wanted her to be a part of his life. He wanted to wake up every morning with Atasha on his side. He doesn’t want any man kissing her. Only him. He needed her because he loved her.
“I promise, Tito,” sinserong pangako niya sa ama nito.
“Papa. It’s high time to call me that, son,” tila may bumalot na mainit sa pagkatao niya. Hindi niya inaasahang mabibigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon na magkaroon ng isang ama. He gave him a tap on his shoulder. “Halika na. Baka hinahanap ka na ng fiancée mo,” nakangiti nitong wika sa kanya.
Sabay na silang pumasok ulit sa living room kung saan nagkakasayahan ang mga pamilya nila. Kapapasok pa lamang nila nang makita niyang pumuwesto si Atasha sa gitna ng living room nila. Mukhang may sasabihin ito. Napakunot-noo siya nang makitang parang nag-aatubili ito. And only when he was ready to come to her, she spoke. She spoke that made everyone quiet. Lahat ng mga mata ay natuon sa dalaga. Then she looked at him as if she was regretting something. She looked at him like she was bidding her goodbye.
Don’t do it, Atasha. Gusto niya sanang sabihin rito ngunit walang boses na lumabas sa bibig niya. Then she said the words that he didn’t wanted to hear.
“Hindi na matutuloy ang kasal.”
IBA’T-ibang reaksiyon ang nakita ni Atasha nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Akmang lalapitan siya ng kanyang mama pero umatras siya. She needed to do this. For everyone’s sake. For Andrew’s sake.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa lahat. Sa mommy nito at sa mga magulang niya. “Hindi po totoong magkasintahan kami ni Drew. Hindi po totoong buntis ako. I just asked his help to be my fiance and because he’s a great guy, he agreed to help me,” tiningnan niya si Drew na nakatingin lamang sa kanya. She could clearly see the confusion and disappointment in his face. Umiwas siya ng tingin at ibinalik ang tingin sa mga magulang niya. Alam niyang hihingan siya nito ng paliwanag at hindi pa siya handang ibigay ang bagay na iyon. “I’m sorry, 'Ma, 'Pa. Nagpaka-selfish ako. It’s just that... I’m not yet ready to get married. Marami pa akong pangarap at lahat ng iyon ay gusto kong gawin dito,” nagpapaunawang wika niya sa mga ito. Nakita niyang naluluha ang mama niya habang wala namang reaksiyon ang kanyang ama.
She shifted her gaze at Drew’s mom. “Tita, I’m really sorry. 'Sorry kung niloko ko kayo. You have a great son and he deserves so much better than me. 'Sorry po ulit.” Pagkatapos ng mahabang apology niya ay pinili niyang umalis sa harap ng mga taong naroon. Lakad-takbo niyang nilisan ang bahay ng mga Mercado. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam lamang niya ay kailangan niyang lumayo sa mga taong nasaktan niya. Hindi pa siya handang harapin ang mga ito.
Halos hindi na siya makahinga nang tumigil siya sa pagtakbo. Ang sakit-sakit ng dibdib niya. Basa na rin ang mukha niya ng mga luhang kanina pa pumapatak sa mga pisngi niya. Tila hinihiwa ang puso niya nang biglang pumasok ulit sa kanyang isip ang mukha ng lalaking mahal niya. Why does she have to feel this way? Why does she have to fall for him, only to get hurt in the end? Bakit pa ibinibigay ang isang tao para mahalin, tapos kukunin lang naman pala sa huli?
Ikaw ang lumayo, Atasha, paalala niya sa sarili.
She ran away because she didn’t want seeing him one day walking away from her. She was scared. Yes, that’s why she chose to run away. Coward na kung coward, pero lahat naman yata ng taong nagmamahal, nakakaramdam ng takot. Takot na baka hindi sila mahalin ng taong mahal nila.
“ANO ba itong nangyari, Andrew?” nanlulumong tanong ng mommy ni Drew sa kanya.
“I’m sorry, Mom.” He has nothing to say but sorry. Hindi na rin naman niya mababawi pa ang mga nangyari na. And even if he’d be given a chance to brought back time, he would still do everything that he had done. Pero sa ngayon ay gusto niya munang kausapin ang dalaga.
Atasha’s parents left their house together with their families. Malamang ay hinahanap rin ng mga ito ang babae. He already called Jester and asked him if they already found her, pero hindi pa raw. Nag-aalala siya para dito. Malalim na ang gabi at hindi pa rin ito umuuwi. Baka kung napaano na ito. He also tried calling her but she probably switched her phone off. Operator lamang ang sumasagot niyon. He was getting frustrated.
“What’s your plan now?” narinig niyang tanong ng mommy niya.
Ano na nga ba ang gagawin niya ngayong tapos na ang lahat?
“I don’t know, Mom,” matapat na sagot niya. Ibinagsak niya ang sarili sa sofa. All of a sudden, he felt so exhausted. Gulung-gulo ang isip niya. Hindi pa rin niya mahanapan ng sagot kung bakit iyon ginawa ng dalaga. They had a plan. Ang akala niya ay klaro na rito na itutuloy na nila ang sinimulan nila. Ang akala niya ay nararamdaman nito na espesyal ito para sa kanya. Puro lang pala siya maling akala.
“Do you love her?” pagkuwa’y tanong ng ina niya sa kanya.
Natawa siya ng pagak. “Do I love her? Tinulungan ko siya na maresolba ang problema niya nang hindi ko alam ang rason. I was there when she needed me, but all of a sudden, she walked out of our agreement. Iniwan niya ako sa ere. Hindi niya man lang muna ipinaalam sa akin! Pinili pa niyang sabihin iyon sa publiko. How could she do that to me?” sambulat niya sa lahat ng nararamdaman. He just didn’t know what went wrong.
Lumapit ang mommy niya sa kanya at pilit na pinakalma siya. “Bakit mo nga ba siya tinulungan? I heard from Jester that you were only planning to make us believe that you two are getting married. Wala sa plano ninyo ang totoong magpakasal. What changed your mind? Bakit parang mas willing ka pang i-give up ang freedom mo matulungan lamang siya?" Sunud-sunod na tanong nito sa kanya.
Saglit siyang napaisip habang pilit na hinahanapan niya ng sagot ang mga katanungan nito. But he only got a simple answer. Mahal na nga niya si Atasha. It was so sudden that he didn't even get the chance to ready himself. Basta na-realize na lamang niya isang araw na ayaw niya itong nahihirapan. When he told her that he would always be there for her, he really meant it. Isang araw napagtanto niyang hindi na pala siya nagpapanggap nalang. He cared for her. He loved her.
"Alam ba niyang mahal mo siya?" Pagkuwa'y tanong ng ina.
"She should've noticed it already," aniya.
Napailing naman ang mommy niya. "Ang galing ninyong magreklamo na porke hindi kayo manghuhula pagdating sa damdamin ng mga babae, pero ganyan din naman kayo sa amin. Andrew Mercado, hangga't hindi mo sinasabi sa harap ng taong mahal mo na mahal mo nga siya, that would be useless. That love would always be still in doubt unless you confirm it."
Napaisip siya sa sinabi nito. Buong akala niya dahil iba na ang pinapakita niya sa dalaga at hindi na niya ito sinusungitan ay alam na nitong espesyal ito sa kanya. She must've been confused as he was right now. Ang tanong na lang ngayon ay kung may nararamdaman din ba ito sa kanya? Does her heart flutters the same way his heart does? Hindi rin kaya ito makatulog sa gabi dahil sa pag-iisip kung ano kaya ang pakiramdam na magkatabi sila sa isang higaan at gumising sa umaga na katabi ito? Gumigising din kaya ito sa madaling araw para pagmasdan siyang mahimbing na natutulog?
Napabuntong-hininga siya. He was a mess right now.
"Are you just gonna let her go?” tanong ulit ng kanyang ina.
Isang simpleng tanong na kailangan lamang ng simpleng sagot. Kaya ba niyang pakawalan ang babaeng mahal niya? Kaya ba niyang ipagpatuloy ang buhay ng wala ito sa tabi niya?
“Alam mo, noong sinabi mo sa akin na dito manunuluyan ang girlfriend mo, inisip ko, ano ba namang kalaseng babae iyon? Wala ba siyang sariling pamamahay?” nakataas ang kilay na kuwento nito. “Then I took a glimpse of her while she was sleeping. And I didn’t know why I suddenly felt at ease. Parang alam ko na kaagad na siya ang tamang babae para sa’yo,” nakangiti ng dagdag nito.
Napangiti rin siya. Naalala niya bigla ang nangyari nang biglan kumatok ito sa pinto ng kuwarto niya.
Halos ilang araw na rin siyang natutulog sa sahig at kahit paano ay nakakasanayan na ni Drew iyon. Nang mga sandaling iyon ay nag-eenjoy pa siya sa paghilata sa comforter. Wala siyang gagawin nang araw na iyon kaya okay lang kahit buong araw pa siyang matulog. Pero mukhang hindi iyon mangyayari dahil bigla siyang nakaramdam na may humahampas sa ulo niya. Nagrereklamong dumilat siya ng mata habang sinasalag ang unan na hinahampas sa kanya ni Atasha.
“What?!” iritableng sambit niya. Ano naman kaya ang naisipan nito at ang aga nitong mang-istorbo?
“May kumakatok sa pinto! Bumangon ka diyan!” natatarantang wika nito. Narinig nga niya ang malalakas na katok galing sa pinto.
“Andrew? Atasha?” tawag sa kanila ng kanyang ina. Sa narinig ay dali-dali niyang dinampot ang comforter, isinuksok sa ilalim ng kama. And just in time, after he jumped on the bed, the door opened showing his mother’s face.
“Bakit hindi ninyo binubuksan ang pinto?” nagtatakang tanong nito.
“Ah... Kagigising lang namin, Mom,” pagdadahilan niya. Naramdaman niyang napasandal si Atasha ng ulo sa balikat niya. Hinagod-hagod naman niya ang braso nito para pakalmahin. Hindi pa rin pantay ang paghinga nito dahil siguro sa sobrang kaba. “May kailangan ka, Mom? Ang aga mong mang-istorbo, ah,” sinubukan niyang biruin ang ina.
“Asus, gusto mo lang masolo si Atasha, eh,” ganti naman nito. “Anyway, hihiramin ko si Shasha ngayon. May pupuntahan kaming dalawa,” imporma ng mommy niya.
Sabay pa silang napabuga ng hangin ng dalaga nang makalabas ng kuwarto ang mommy niya. Kailangan na talaga niyang palitan ang lock sa kuwarto niya para hindi basta-basta makapasok ang ibang tao doon. Naramdaman niyang siniko siya ni Shasha. Nagtatanong ang mga matang tumingin siya rito.
“Ano? Nag-eenjoy masyado?,” sarkastikong wika nito habang nakatingin sa kamay niya. Only then, he realized he was still gently brushing his fingers on her soft skin. Natatawang binitiwan niya ito. Weird, but it felt nice having her in his arms.
At that moment, he felt everything was right. They just fit. Walang kailangang ipagpilitan dahil alam niya sa kanyang sarili na tanggap na niya ang lahat. Their pretend relationship. The marriage. His feelings. For her. He knew from that moment, he doesn't want it to just make believe. He wanted it all to be true.
Pagkaraan ng ilang sandali ay determinado siyang tumingin sa kanyang ina.
"No. I don't think so."
ATASHA decided to go home. Alam niyang kahit gaano pa siya katagal magtago ay darating rin ang panahon na kailangan niyang harapin ang kanyang mga magulang. They needed her explanation. Hindi man ng mga ito maintindihan ang kanyang ginawa ay wala na siyang magagawa. Ang importante ay natapos na niya ang lahat ng iyon.
Binuksan niya ng dahan-dahan ang pintuan ng bahay nila. Napatingin ang mga taong nasa loob niyon sa direksyon niya. Nakita niyang biglang naluha ang mama niya pagkakita sa kanya. Lumapit ito at niyakap siya ng mahigpit.
“Thank God, you’re safe!” emosyonal na sambit nito. “Saan ka ba pumuntang bata ka? Alalang-alala kami sa’yo!” dagdag nito.
“Sorry, 'Ma,” naluluha ring niyakap niya ito. “Hindi ko po sinasadya ang mga ginawa ko.”
“That’s enough. You’ve said your apologies already,” narinig niyang sabad ng kanyang ama. Bumitiw siya sa pagkakayakap sa ina at tiningnan naman ang una.
“Pa, I’m really sorry,” ulit niya.
“I said that’s enough!” napaigtad siya nang dumagundong ang boses ng kanyang ama. “I am so disappointed with you, Atasha Belle,” his father heaved a sigh. “Pero, ano pa nga ba ang magagawa ko? I guess we were also wrong forcing you to do something you don’t want to do,” pagsuko nito. Tinakbo niya ang distansiya nila at niyakap ang papa niya. Masuwerte talaga siya at nagkaroon siya ng mga magulang na katulad ng mga ito. “Just don’t do it again, okay?” hinagod nito ang kanyang likod nang humihikbi siyang tumango.
Nagpasya ang mga ito na huwag na siyang pilitin pa na sumama sa mga ito sa Dubai at ipakasal sa Angelo na tinutukoy ng mga ito. Hahayaan na raw siya ng mga magulang na tumira kung saan man niya gustong tumira. Ang tanong, gusto pa nga ba niyang manatili roon kung naroon ang dahilan ng pagkasawi niya sa pag-ibig?
BINABASA MO ANG
Just Make Believe (Completed)
RomansaDahil sa pagiging manipulative ng parents ni Atasha, she came up with something that's unnecessary. Gusto ng mga magulang niya na ipakasal siya sa isang taong hindi niya man lang kilala. They said she needed it. But she thought otherwise. Wala pa si...