Chapter 8

678 26 3
                                    

"SIMMER down, simmer down

They say we're too young now to amount to anything else

But look around

We're worked too damn hard for this just to give it up now

If you don't swim, you'll drown

But don't move, honey..."

Hindi alam ni Irene kung sadyang masokista siya o ano. Basta natagpuan na lang niya ang sarili na pumupunta sa gig na iyon ng The Rebel Slam. She heard it from Donita. Nagpanggap na balewala lang iyon sa kanya. Na hindi siya pupunta.

Pero hindi niya rin napigil ang sarili niya.

Nakatayo siya sa madilim na bahagi ng park na iyon. Malayo sa nagkakagulong fans ng mga ito pero sapat na ang distansyang iyon para makita pa rin ang mga ito.

"She look so perfect standing there

In my American Apparel underwear

And I know now, that I'm so drown

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrow heart

And I know now, that I'm so drown..."

If only Aser would look her way and saw her standing there. Pero nasa iba ang paningin nito.

May kumurot sa puso niya nang kindatan nito sa gilid ng stage ang girlfriend na si Krizhia Ramos. Malamang tutugtog din ang banda nito na Sinner Saints doon. Katabi nito si Donita. Nagtatawanan ang mga ito. Lalong lumala ang hindi magandang pakiramdam niya.

Great. Surely, her bestfriend found a new bestfriend other than her. Hindi lang pala si Aser ang inagaw nito sa kanya. Pati na rin ang bestfriend niya.

She can't control the bitterness in her heart.

Inalis niya ang mata sa mga ito at ibinalik iyon sa stage. She continued watching the band perform. Noon, makita at marinig niya lang mag-perform ang mga ito ay gumagaan na ang kalooban niya. Ngayon, habang pinapanood ng mga ito—lalo na si Aser—ay tila ba padami ng padami ang kutsilyong sumasaksak sa puso niya.

His smiles, his stares, his music... that can never be hers.

Napayuko siya. Ewan ba niya kung bakit pumunta pa siya rito. Is it because she wanted to weigh her feelings now for Aser? To prove if her so-called "moving on" was working? Because, frankly, malayo doon ang nadarama niya.

Iwasan man niya si Aser, papasukin man niya sa buhay niya si Von... wala pa ring pagbabago sa damdamin niya.

She still loves Aser. Niloloko lang niya ang sarili niya sa pagkakagusto niya kay Von.

But still, she needs to move on. Aser can never be hers.

Nang matapos tumugtog ang The Rebel Slam ay umalis na rin siya sa pwesto niya. Her heart weighed a ton and she doesn't know how to make herself feel better. Uuwi na lang siya at baka makatulong pa ang unan niya para mapagaan ang dibdib niya.

Wala sa sariling naglakad siya palabas ng park. Pinagsisisihan niyang pumunta siya doon. Kung nanahimik siya sa bahay nila, pwede pa niyang maloko ang sarili niya na 'moved on' na siya bukas at sa susunod pang mga araw.

Seeing them together now, happy, hurt like hell.

"Hey!"

May mga kamay na humuli sa mga braso niya. Napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo sa harapan niya. It takes time to focus her eyes on his handsome face.

JUST SMILE  (The Rebel Slam Special Chapters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon