Simula

7 0 0
                                    

"Shami tara na! Magsisimula na!" Hinila ako ni Erona papuntang gym.

"T-Teka lang ayoko pa Er, nahihiya ako.." Pilit kong hinihila ang kamay ko sakanya pero ayaw niya paring tanggalin.

"Oh my god sis, this is your freaking chance. Gagraduate na tayo baka hindi mo na siya makita next year. Magsesenior high na tayo hello!" Aniya at kinaladkad na niya ako ng tuluyan sa loob.


Napalunok ako sa sinabi niya. Alam kong aalis na siya dito sa susunod na taon at hindi ko na siya masisilayan pa.

Ten years. Ten fucking years ko nang crush ko si Cairo Nexus Alcances. Since Grade 1 naging crush ko na sya. Never kaming naging classmate. As in never. Kaya paano ko sya nagustuhan? Simple lang, dahil kakaiba siya.


"Excuse me po, excuse!" Walang tigil sa pagkaladkad sakin ni Erona hanggang sa mapadpad kami mismo sa harap ng stage.

Tiningala ko ang entablado at para akong natunaw nang mapanood ko siya tahimik na naggigitara sa gilid. Nakayuko siya at tutok na tutok ang mga mata sa bawat pagstrum niya ng gitara.

This is their last intermission of the year. Sumikip ang dibdib ko dahil hindi ko na sya mapapanood. I like him not because of his gorgeous looks but because of his talent. Mayroon silang banda and that's Acruo. Sikat ang Acruo sa lahat ng schools dito sa Maynila. Kapag may mga big events, sila ang unang iniimbitahan. Si Kler, iyong vocalist nila ay may malamig na boses. Para kang tinatangay ng hangin pag narinig mo na syang kumanta.

Madaming tao ang may gusto sakanila dahil pare-pareho silang gwapo. Hindi ako nagbibiro. Lahat sila may kalahating lahi. Even Cairo, half-italian yan. Kaya ganyan kagwapo ang itsura. Parang hindi nagmadali ang Panginoon sa paggawa sakanya.

Hindi maitim, hindi rin sobrang puti kaya katamtaman lang balat niya. Kung titingnan mo sya sa mata para kang aatras sa gyera dahil kakaiba ang tingin nya. Pafall. Oo pafall dahil parang may sinasabi ang mga mata niya na hindi mo maintindihan pero bumibilis ang puso mo. Para siyang tigreng may maamong mukha. Pulang pula ang labi niya. Kaya naaakit ang mga babae sakanya dahil may matipuno itong katawan.

Na kapag may hahawakan siya, nagpapakita ang mga ugat nito sa braso. And God, he's a 6 footer person! Minsan ko na syang nakasalubong at hanggang dibdib niya lang talaga ako.

Imagine that? I envy those tall people! Maliit lang po kasi ako. Hindi sobrang liit pero kapag pinagdikit nyo kami ni Cairo, para lang niya akong kapatid.

Si Cairo.. Sobrang galing niyang maggitara. Na kahit anong irequest mo sakanyang song ay alam niyang tugtugin. Though I never heard him sing a song but there's a rumor na kinantahan niya ang kanyang girlfriend at mas lalong nainlove sya rito. Siguro maganda nga rin ang boses niya.

Oo nga pala. May girlfriend si Cairo. They've been dating for 5 years. Five years. Wow. Napangiti ako ng mapait. How I wish I was that lucky girl..

Nang nasa gitna na kami ng crowd ay binulungan ko si Erona na mukhang nakakalimot na, "Ayoko Er, may girlfriend na sya. Let's stop this. Manonood lang ako. This will be the last."

Napawi ang maligayang mukha ng kaibigan ko. There, I said it. Buti naman at naalala niya. Hila kasi ng hila, ang sakit tuloy ng kamay ko.


"B-But you should tell him Sham-"

"And remember, he hates me." Nag-iwas ako ng tingin at masakit na tiningnan ang banda nila.

Kumakanta si Kler ng mellow song. Hindi ko alam ang title pero ang gandang pakinggan. Bukas ay graduation na pero nagpaevent ang aming school kaya kami nandito. Sinabi ko kasi kay Erona na once nakuha ko na ang diploma ay aalis na kami agad agad ng family ko. Mamasyal kasi kami agad sa probinsya. Kaya heto si Erona, todo support sa pag-amin ko kay Cairo.

Hindi ko kaya. Nahihiya rin ako sakanya. Damn, he hates me. Nakalimutan ba ni Erona yon?

Lumandas ang luha ko sa pisngi ko habang inaalala kung bakit na ako kinamumuhian ni Cairo.

Dahil naging manloloko ako. Nakakatawa diba? Oo gusto ko sya pero noong dinapuan niya na rin ako ng tingin, umiwas ako.

We had a relationship before. Before.

Before. This word. Sakit no? Hahahaha. Naging kami ni Cairo for one year. Noong time na nagustuhan niya ako, sinagot ko sya agad. Walang paligoy ligoy but I cheated.

Grade 5 nung naging kami pero hindi ko inakalang seryoso sya sakin. Hindi ko alam na kahit bata palang kami, seryoso na sya relasyon namin. Hindi ko alam yun dahil habang kami pa, naging boyfriend ko rin si Jackson, yung pinsan niyang sobrang kaclose niya.

Ang tanga ko diba? Siguro oo. Dahil isip bata parin ako noon. Hindi ko alam na matured na pala sa lahat ng bagay si Cairo.

Noong nalaman niya yun, hiniwalayan niya ako. And that was the last time that we talked. Ni isang tingin sakin, wala na. Every time na dumadaan ako sa harapan niya, para nalang akong hangin.

Palagi akong nagsosorry sakanya pero hindi niya na ako pinapansin. Sobrang lamig niya na sa akin.

Palagi akong umiiyak kay Erona. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko pagdating kay Cairo.


"I'm happy for him, Er. Ayoko ng aminin dahil para saan pa?" pinilit kong ngumiti kahit gumaragal na ang boses ko, "May mahal na syang iba.. A-Ako na siguro ang pinakashungang tao dahil iyong crush ko na naging crush din pala ako, pinakawalan at niloko ko."


Niyakap ako ni Erona ng mapahikbi ako. Masaya ako pero hindi parin ako nakakamove on eh. Kingina naman talaga!

"Oh my god.. I'm sorry!" Napaiyak lang ako sa sagot ni Erona. Naaawa na rin to sakin.


Hindi ko kailangan ng awa dahil alam kong darating ang araw na makakalimutan ko rin sya.

Humiwalay ako sa bestfriend ko. Napapikit ako at muling pinunasan ang luha bago muling tinignan ang entablado kung nasaan sya. Damn even that looks, hindi ko alam kung makakalimutan ko sya.

I will always love you, Cairo and I am sorry for everything. Kung alam ko lang na seryoso ka sakin simula noon ay baka hanggang ngayon ay tayo parin. I never thought that you'll be my first and true love. Akala ko kasi magiging puppy love lang kita pero hindi, mahal na mahal na pala kita ng totoo.


Nang inangat niya na ang kanyang tingin sakin ay tumalikod na ako. Naramdaman niya. Umiling ako dahil ayoko na talaga. Rinig ko ang boses ni Erona pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

This will be the last. I promise this will be the last. Last to stare at you the way you stare at me before.

Scars between our heartsWhere stories live. Discover now