Love: Mama

74 9 14
                                    

Samara on the multimedia

***

Sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa aking pinto.

"ANO BA! WAG KA NGANG KUMATOK DYAN MA! INAANTOK PA AKO" sigaw ko sa kumakatok kong Ina na hindi maka intindi.

Patuloy parin ang pag katok na parang hindi narinig ang sigaw ko.

Bwisit naman oh!

then I open the door just to see my useless mother.

"Ano naman ba yun ha! Inaantok pa ako! Istorbo ka!!!"- I shouted at her.

I know na wala na akong galang sa Mama ko pero who cares? she's the one to blame kung bat ako nag kaganito..

"What?!!"- I hissed ng makitang nakatulala lang sya sa akin

At ayun na naman yung ginagawa nyang nakaka bwiset..

nag sa-sign language sya na kina iinis ko dahil ni isa wala akong  maintindihan o mas magandang sabihing hindi ko iniintindi.

" Hindi kaba marunong magsulat hah?, may pinag aralan kanaman siguro kahit papaano, magsulat ka dahil wala akong maintindihan sa mga pinagagawa mo!"

Maharan syang nagsulat sa kanyang dalang notebook.

'Anak ginigising lang kita, diba may pasok kapa kaya pinaghandaan kita ng almusal mo, sabay tayo mag almusal ha:-) '

yan ang nakasulat sa note, I look at her at nakangiti pa sya. Psh!

"tss.. Whatever"

pumasok ulit ako sa kwarto ko at pinagbagsakan siya ng pinto nakaka istorbo, yun lang pala ang sasabihin.

Wala na! Hindi na ako inaantok, kaya naligo na lang ako at nag bihis para makapasok na sa school

Nadatnan ko ang Mama ko na nakaupo sa gilid ng pinto ng kwarto ko

"Ano ginagawa mo dyan? I ask

nag sulat na naman sya na sabay daw kaming kumain

" Hindi ako gutom! Kumain ka mag isa mo" nilagpasan ko na sya, pero sumunod pa rin sya sa akin at pinipilit pag almusalin.

"ANO BA SABING HINDI AKO NAGUGUTOM! ANO BA ANG HINDI MO MAINTINDIHAN DON!"

nagulat sya sa pag sigaw ko at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha nya pero wala akong paki , may kinuha syang pera sa bulsa nya at binigay sa akin

"Ano 200 pesos?, ano naman ang magagawa nito, ni hindi nito mabibili ang gusto kong bilhin!

magsusulat pa sana sya pero iniwan ko na sya don

nakaka bwiset na buhay to! Kung hindi dahil sa kanya buhay pa si Papa at maganda sana ang buhay ko ngayon...

----

"Class malapit na ang JS PROM nyo alam nyo naman na required kayong sumali kasi this is your last year and blah blah blah....."

hindi na ako nakinig sa pinag sasabi ng teacher ko.

"Samara ang ganda ng theme ng Js ngayon, masquerade theme I'm so excited"- kausap sa akin ng best friend Kong si Xlera

" yeah I'm also excited kung anong susuotin ko"

And we chitchat like there's no tomorrow, masaya ako kapag nasa school ako at impyerno ang nararamdaman ko sa bahay, sana nga wala na akong madatnan don.

***

Nasa bahay na ako at nakita ko ang mama ko na nag susulat, parati nyang ginagawa yang pagsusulat sa note nya.

Love, MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon