JACOB's POV
Kakagising ko lang. Napaginipan ko si Shaira ako daw ang gusto niya ayaw niya daw kay Jake. Tapos ang ibang panaginip ko, niloloko lang daw siya ni Jake. Tss ang gulo, basta.
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at nakita ko si Marlon sa bintana. Di ko alam kung ano ang ginagawa niya dito. Nilapitan ko siya at nakita kong may luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Bakit Marlon?" Tanong ko, na nakatingin sa labas ng bintana.
"Naalala ko yung dati, Torpe din ako noon. Yung babae, itago natin sa pangalang Alexis." Nakatingin siya sa langit. Siguro wala na yung babaeng yun?
"Si Alexis. Mahal ko siya pero di ko masabi-sabi ang nararamdaman ko sa kanya. Hinarap ako ni Alexis. Sabi niya sa akin sabihin ko daw ang feelings ko sa kanya. Pero hindi ko nasabi dahil nahihiya ako sa kanya."
Mahal na mahal niya nga yung si Alexis. Ano ba ang ginawa ni Alexis sa kanya? Parang gusto ko siyang damayan sa mga problema niya. Pero di ko makakaya dahil nga Torpe daw ako.
"Ano ginawa niya sa iyo?" Gusto ko lang malaman. Dahil parang masakit ang nararamdaman niya. Curious lang ako.
"Iniwan niya ako at nagpakalayo. Nagtext siya sa akin bago siya umalis. Mag-ingat daw ako lagi at sana magbago na daw ang ugali ko. Mahal niya ako pero, di ko lang daw magawang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya."
Mahal niya nga yung si Alexis. Kailangan ko na ba talagang lakasan ang loob ko para kay Shaira?
"Bro, nababago ba ang katorpehan?" Tumingin naman siya sa akin.
"Oo. Tulad ko nabago ko ang sarili ko nung umalis ang taong mahal ko. Nagsisi talaga ako nung nawala ang taong mahal ko at iniwan ako."
"Torpe ako bro, di ko magawang lapitan ang taong Crush ko. Nakakahiya naman diba? Atska aakalain ng Crush ko na mayabang ako. Paano ba?" Umupo ako sa sahig at siya naman ay nakatayo at nakatingin sa langit.
"Bro. Hindi mo kailangang mawala ang taong mahal mo para lang mabago mo sarili mo."
"Eh paano?" Tss. Mukhang mahirap yata ang mga gagawin tsk tsk.
"Kung ayaw mo siyang harapin, idaan mo sa mga bagay pagpapagudan mo. At huwag ka mawalan ng pag-asa na hindi ka niya gusto."
May punto siya. Ang galing niya mag-advise para mabago ang taong torpe. Pero pag-iisapan ko pa yun kung kaya kong gawin. Hindi ko alam kung ilang buwan, para pag-isipan yun.
"Ah ganun ba? Bro, pwede mo ba ako tulungan sa mga ganun? Sinasabi ko lang ito ngayon. Pero hindi ko alam kung kailan ko magagawa."
"Sige. Ok lang." Sinara na niya ang bintana at pumasok sa C.R para maligo siya.
Tumayo na ako at inaayos ang gamit ko. Uuwi muna ako sa bahay. Namimiss ko na si Karen kumanta. Kahit ang boses niya ay nakakarindi. Hahaha.
"Bro. Diba Faculty meeting ngayon? Edi wala pala tayong pasok?" Tanong ko sa kanya na, nag-aayos ako ng mga gamit. Siya naman ay naghihilamos.
"Faculty Meeting ngayon. Pero may pasok tayo ng 3-5pm." Ano ba yan. Faculty Meeting tapos may pasok pa? 2hours na lang yun eh. tsk tsk.
"Ah sige bro. Uuwi muna ako sa bahay." Naayos ko na yung mga gamit ko at lumabas na.
Naglakad lakad na ako. Nang may naramdaman ako na parang may sumusunod sa akin. Dahan-dahan akong naglakad at dahan dahan din siyang naglakad. Bigla akong lumingon sa likod ko. Pero wala naman siya.
"Sino ba yun?" Sabi ko na nagkakamot ng ulo. Humarap na ako at "Boo!"
"Ay tupa!!" Nagulat naman ako. Dito sa babaeng ito! Tsk tsk talagang sinadya niya yun.

BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Teen FictionTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...