Chapter Four

5.2K 181 10
                                    

Reward

~

UMAMBA ang binata na hahalikan ang kanyang leeg kaya mabilis na nagpumiglas si Wenzy pero dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa pulsohan niya at sa bigat ng katawan nitong nakakubabaw sa kanya ay hindi siya makakilos ng maayos.

“Teka, teka, teka!” Sigaw niya.

Tumigil ito sa balak gawin. “What?” Aroganteng tanong nito. “I thought you wanted to consummate our marriage tonight.”

Napanganga siya, bakit ang gwapo kasi ng hudyo! “Ahh eh, joke lang yun. May regla ako ngayon.” Diretsahang aniya.

“So?” Tumaas ang kilay nito.

“Diba parang ang dugyot nun kapag nag sex tayo? Kadiri kasi may dugo?”

“So?” Muling tanong nito. “Magdudugo rin naman 'yan kahit na wala kang menstruation ngayon kung sakali.” Ngising asong anito.

Nanlaki ang mga mata niya. Manyakis talaga ang hudyo!

Muli itong umambang hahalikan ang leeg niya nang pumikit siya at nagsisigaw. Gosh! Nakakahiya itong ginagawa niya but she needs to save her virginity. There is no way na sa lalaking ito niya ibigay ang flower niya.

“What? Can you please cut the act!” Ang lapit pa rin ng mukha nito sa kanya. “I knew why you're here. It's for my brother's sake right?”

How? Goodness! Hindi niya maiwasang mapatameme pero kailangan niya pa ring umaktong walang alam sa mga sinasabi nito.

“What are you talking about?” Maang tanong niya.

He smirked at her, “I admire you for being a good actress.” Umalis na ito sa ibabaw niya. “Well, suit yourself my wife and I am going to ride on this show.”

Sinamaan niya ito ng tingin pero nakatalikod na ang binata at nagsimula ng maglakad palabas ng silid na inu-okupa niya. Inis na inis si Wenzy kaya padabog siyang bumangon sa kama at hinagilap ang baseball bat na hawak niya kanina.

Marahas niyang tinitigan ang likod ng aroganteng lalaking iyon. How dare him! Sa inis ni Wenzy ay mabilis siyang humakbang at malakas na binato ang hawak niyang baseball bat pero huli na dahil nakalabas na ang binata at naisara na nito ang pinto dahilan para tumama ang baseball bat doon. Laking gulat ni Wenzy ng halos tumalbog ito palapit sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at parang slow motion na tumama ang baseball bat pabalik sa kanya, sa ulo niya to be exact.

And yes, she saw the stars before collapsing at the ground.

Too much for her wedding night.

MINAMASAHE ni Nina ang ulo niya nang umaga sa malawak na living room ng bago niyang tirahan. In fairness kahit na masakit ang ulo niya kanina dahil sa bukol na natamo kagabi ay hindi pa rin nakawala sa kanyang mga mata ang dekalibre't mamahaling gamit ng napangasawa niya. Grabe! Napakayaman talaga ng mga Rostova, hindi maipagkakaila iyon.

Kaya siguro nagkakandarapa na makuha ng magkapatid ang naiwan pang mana. Kaya nga siya narito para alamin iyon, but she doubts it kung kailangan pa iyon ni arrogant sissy, mukhang sobrang rangya naman na ng buhay na tinatamasa nito ngayon.

Nakahiga siya sa sofa at komportableng komportable sa ginagawa ni Nina na pagmamasahe sa ulo niya. Kasumpa sumpa ang baseball bat na iyon kaya pinatapon na niya. Bwesit! Siya pa ang napahamak sa sarili niyang kalokohan.

“Hay, kumusta na kaya si Kiel?” Biglang usal niya.

“Kagabi po, nandito siya sa mansyon ni Sir Marius, Wenzy.” Patuloy pa rin ito sa pagmanasahe sa kanya.

UM 2: MARIUS EZEKIEL ROSTOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon