chapter 8

587 16 0
                                    

"DYLLAN"

Lumabas ako ng may ngiti sa aking mga labi! Mabuti nalang pala at nandoon ako kahapon sa coffee shop! Kung hindi wala na naman akong trabahong makukuha ngayon!











"Mukhang nakaligtas ka kay mam dragona?" Bungad sakin ni Claire, ang mataray na sekretarya!













"Naman! Dahil sa pag kakaalam ko ay ikaw ang hinahanap niya para kausapin! Mabuti pa ay pumasok kana don!" Nakangiting tugon ko naman! Nag lakad na ako palayo ngunit napahinto din "nga pala, good luck!" Pahabol ko pa at nakapamulsang lumabas na diretso sa parking lot.














Sisipol-sipol pa ako at agad pumasok sa napaka garang kotse ni boss! Agad akong pumasok at ini-start ang makina para e-test yon! Matagal-tagal nadin kasi akong hindi nakakapag-maneho!
















Ng mapainit ko na ang makina ay pinatay ko na ito at sumandig sa upuan hanggang sa hindi ko na kinaya ang antok, nakatulog na ako.














Tok! Tok!










Pupungas-pungas pa ako ng madinig ang dalawang katok mula sa bintana ng kotse at nanlaki pa ang mata ko ng mabanaag ang madilim na anyo na nasa harapan ko!














Patay! Si boss!









Agad akong bumaba ng kotse.











'What do you think your doing?!" Inis na tanong niya.













Napakamot naman ako sa batok.










'Sorry po mam! Nakatulog pala ako! Hindi ko hoh namalayan!" Hinging paumanhin ko!













"Did I told you to act properly?" Sambit pa niya! "Im expecting a good,no! A better performance tommorrow! Sa ngayon, pag bibigyan pa kita" dagdag niya pa









"Masusunod po kama----boss" tugon ko.








Agad ko naman siyang pinag buksan ng pintuan at sumakay nasa driver seat at agad pinaandar ang sasakyan.















"Ahh boss san po ba tayo pupunta?" Tanong ko!












''Im going home! Siguro naman ay na assist kana tungkol don?" Tanong naman niya.











"Ahh opo boss!" Agad kong tugon.










''Will you please stop calling me boss? I know that Im your really boss but I dont want to call that way! Just call me mam! But not that boss!" May diing utos niya.











"Okay po mam! Ahmm just seat back and relax! Gigisingin ko nalang kayo kapag nasa bahay na po kayo" malumanay namang sambit ko ngunit imbis na sagutin ako ay humalukipkip nalang ito at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana!














Medyo may kalayuan ang village na tinitirhan ni boss kaya naman napangiti ako ng makita sa rear view mirror na nakatulog din siya sa backseat!









Ilang sandali pa ay papasok na kami sa village at talaga namang namangha ako sa laki at taas ng mga bahay na nadadaanan namin! Lalo pa ng makita ko na ang tirahan ni boss!













Parang palasyo sa laki!









Walang-wala ang barong-barong na tinitirhan namin ngayon!









Ng hininto ko ang kotse ay napabaling ako sa gawi kung saan nakaupo at natutulog padin si boss at doon ko napag-masdan kung gaano siya kaganda!













tanga lang talaga ang mangiiwan sa kanya! Lalo na yung Steven na yun! Isa siyang malaking tanga!










Sambit ko sa aking sarili!













Tok! Tok!










Dalawang katok na naman sa bintana ang nag patinag sa akin! Nabanaag ko ang isang matandang babae kaya naman agad na akong lumabas!














"Sino ka?" May diing tanong niya! Sa mukha niya palang ay alam ko ng strikta ito!













"Ahmm ako po ang personal driver ni bo---mam!" Tugon ko.













Pinasadahan naman niya ako ng tingin! At nawala lang ang tensyon sa pagitan namin ng biglang mag bukas ang backseat at doon lumabas si boss!

^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon