"DYLLAN"
Gusto ko sana na wag nalang sumama sa loob ng hotel at antayin nalang si boss sa labas pero hindi siya pumayag! Kaya naman napasunod nalang ako sa kanya ng dire-diretso siyang pumasok sa loob at agad sinalubong ng receptionist!
Hindi ko naman pinag sisihan ang pag sunod sa loob dahil talaga namang makalaglag panga ang nakikita ko sa bawat pasilyong daanan ko!
Pumasok kami sa isang hall kung saan gagANapin Ang party at isa lang ang nakapukaw ng aking pansin!
Ang chocolate fountain!
Naalala ko si Dannica, ang nakababata kong kapatid! Mahilig kasi siya sa chocolate at nakakalungkot lang na hindi ko man lang naibigay yun sa kanya!
Dahil wala na si papa at si mama naman ay may iba ng pamilya ay minabuti naming bumukod ni Dannica sa pag aakalang kaya ko siyang sustentuhan sa kanyang mga pangangaylangan!
Pero dumating kami sa puntong namalimos nalang! Hanggang sa maisip ko na itira nalang siya sa bahay ampunan at least doon, makakakain siya ng maayos habang ako naman ay kinupkop ni Auntie.
"DYLLAN!" tinig na nag pagulantang sa akin!
Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako tinatawag ni boss sa lalim kasi ng iniisip ko!
"Ahh! Yes mam? Alam niyo Na po pangalan ko?" Tanging naisagot ko! Nakakagulat lang na kilala na pala niya ako.
"It doesnt matter! Ano bang ginagawa mo at tulala kana diyan sa chocolate fountain?" Tanong pa ni boss sakin.
"Ahh... pasensya na mam! Naalala ko kasi yung kapatid ko! Mahilig po kasi siya sa chocolate!" Nag kakamot sa ulong pag dadahilan ko!
"Ganon ba? Anyway, meet my best friend charice! And charice his my driver... Dy-Dyllan" sambit pa nu boss na may bahagyang utal sa pag sambit saking pangalan.
Magiliw naman akong binati ni charice at gayondin naman ako!
"Besty okay lang ba na isama natin siya sa table mamaya mukha naman siyang guest!" Suhestiyon pa ni Charice.
Napatingin naman sa gawi ko si boss ar bumuntong-hininga!
"Fine!" Walang magawang sangayon niya!
Ilang sandali pa ay pumili na kami ng table at doon umupo! Nag datingan nadin ang ilang mga bisita at tama si boss! Mayayaman ang mga bisita na aking nakikita base sa mga suot nila na talaga naman mapapalingon ka!
"Hi Dyllan!" Muling bati sakin ni Charice na noon ay katabi ko lang habang si boss Mindy naman ay katabi niya sa kabilang gilid. "Sa totoo lang,hindi ako makapaniwala na driver ka ni Besty! Mukha ka kasing guest" dagdag pa niya!
"Salamat sa compliment!" Tanging naisagot ko ngunit napukaw ang aking atensyon sa gawi ni boss na may tinitingnan!
Mababakas ang galit sa kanyang mukha kaya naman tumingin nadin ako sa kanyang tinitingnan at doon ko nakita ang lalaking kausap niya sa coffee shop na kung hindi ako nag kakamali ay ang lalaking nakipag-hiwalay sa kanya!
May kasama itong magandang babae na talaga namang mapang akit ang suot!
"Oh my god besty their here!" Biglang sambit ni Charice na tila nagulat din ng makita ang mga ito.
Akmang tatayo si boss ngunit pinigilan ko siya sa kanyang braso!
Napatingin siya sa nakahawak kong kamay ngunit hindi ko iyon tinanggal na nag balik sa kanya sa kanyang upuan!"Welcome everyone" panimula ng emcee na nag patuon ng atensyon ng lahat doon. Matapos ng ilang presentation na pinakita sa lahat ng guest ay nag simula na ang kainan.
"Lets go besty punta na tayo sa buffet area!" Si Charice.
'No thanks, Im not in the mood" tugon nito
"Okay I'll understand! How about you dyllan?" Baling nito sakin!
"Ahmm..mamaya nalang din!" Tanggi ko! Kaya naman nag lakad siyang mag-isa papunta sa buffet area.
Naiwan kaming dalawa ni boss sa mesa habang nakatingin padin siya sa gawi nung ex niya at ng babaeng kasama nito na kung makayakap ay para bang walang mga tao!
"Ahh mam, okay lang po kayo?" Tanong ko dito.
"Go get some food! Dont mind me!" Mataray na tugon nito.
"Pero boss kas--
''Your just my driver so please stop acting more than that" may diing sambit niya.
Hindi ako naka-kibo! Masyado akong na-offend sa sinabi niya!
"Pasensya na po MAM! Nag-aalala lang po kasi ako sa inyo dahil hindi niyo man sabihin ay alam kong affected kayo sa nakikita niyo ngayon!" Hindi ko napigil na sabihin at halata naman sa mukha niya ang pag kagulat "sorry po ulit! Aantayin ko nalang kayo sa kotse" dagdag ko! Yumukod pa ako bago lumabas ng hall.
"Woi Dyllan san ka pupun--
Hindi ko na pinatapos si Charice at nag tuloy-tuloy nalang ako palabas.
Masyadong naapakan ang ego ko!
Alam ko naman na tama siya! Pero masama bang mag-alala sa kanya?
Hayy! Bahala na nga siya! Kung may choice ako at hindi ko lang kaylangan ng trabahong to...I RESIGN!!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Random"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...