Sage: Forbidden

31 3 0
                                    

As a college student, I didn't have time hanging out with friends and other nonsense. Boyfriend? Wala pa ako nyan. Kung kaya nyang maghintay para sakin baka sya na pakakasalan ko. My priority right now is to graduate, make my family proud and find a good work. Kahit na, broken family ako mahal ko sila ni hindi iniwan ni Mama ang kanyang mga anak, maikayod lang kami. Kahit na, chismosa ang aming mga kapitbahay— hinahayaan ko lang sila sa kung ano man ang kanilang sasabihin basta hindi nasasaktan ang aking pamilya ayos lang kaya ko naman to. Matagal ko ng nalagpasan ang ganitong pagsubok, bat ngayon pa ako susuko kung malapit na akong gumraduate?

Not until, I met this guy na naging friend ko. Mas matanda nga yata ako ng dalawang taon pero binalewala ko yun kasi napakagaan ng loob ko sakanya. We hang out, kumakain ng isaw at kung ano pang tinda sa kalye, videoke, at iba pa. Tinuri ko sya bilang isang kapatid pero nawala ang lahat ng yun when he courted me outside of my house. Bihira na ang isang lalakeng mag-harana para sayo. Sinagot ko sya, naging kami. Pumayag ang Mama ko sabi pa nga niya, sya na daw ang future husband ko.

Ilang months na lang at graduate na'ko kaya ko namang maghintay para sakanya kahit ilang taon pa yung agwat namin eh. Wala namang problema basta ba mahal namin ang isa't isa. 

"Bat di mo pa pala ako pinapakilala sa mga magulang mo?" tanong ko kay Regan.

"Palagi kasi silang nag-aaway baka di ka pansinin pag pumunta ka samin eh." sagot naman ni Regan na mukhang malungkot sa nangyayare sa kanilang pamilya. "Kahit mameet ko mga kapatid mo, bawal?" sabi ko nalang tsaka excited na din naman akong makilala sila eh. Ngumiti nalang sya, hudyat na pumayag syang makilala ko sila. Mag-iisang taon na din naman kaming magkarelasyon, sapat na saking makita ko yung mga kapatid nya.

Pumunta kami sa bahay nila't nameet ang nag-iisang kapatid ni Regan na si Faith. Ang cute ng batang 'to, sarap kurutin sa pisngi. Walong taon palang sya pero napakadaldal ng batang to. I was playing with Faith when I noticed something was wrong. May nakita akong pamilyar na mukha sa family frame nila Regan. H-Hindi to pwede, bat andito si Papa? Hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako papalayo sa bahay nila't iyak ng iyak pagkasakay ng jeep. Does that mean, half brother ko si Regan? Nahihibang na siguro ako sa pag-ibig, pati kapatid ko pinatulan.

"Sage, ayos ka lang?" tawag ni Mama sakin ng pumasok nako sa bahay.

"M-Ma, kapatid ko po si Regan." wala akong magawa kundi umiyak habang kayakap si Mama. Gulat na gulat man ay, pinatahan ako ni Mama na para bang bumalik ako sa dating pagkabata. Hindi ko alam kung paano haharapin si Regan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagkita ulit kami. "Ma, kailangan kong makipaghiwalay kay Regan. Mali to!" dagdag ko pa


"Sage, what happened?" we met again but not as a couple.

"Reg, hindi ba nila sinabi sayo na unang naging asawa ni Mama yung Papa mo?" walang ka-emosyong sagot ko sakaniya habang umiiyak na naman. Ano ba, Sage. Tigilan mo pag-iyak mo!

"Ha?! A-Anong pinagsasabi mo? Walang naging unang asawa si Papa." sabi ni Regan na mukhang nalilito sa kinikilos ko't mga pinagsasabi ko.

"Alam ko, di ka rin makapaniwala gaya ko pero kailangan na nating maghiwalay, Reg. Half brother kita, bawal tong ginagawa natin. Ayokong masira ulit yung pamilya mo't pamilya ko. Ayokong maulit yung nangyari dati kila Mama. Ayokong masaktan si Mama." sabi ko nalamang at binigyan sya ng huling yakap tsaka umalis. I'm sorry, Regan. Maling mali to.

We broke up. I heard him calling my name. Patawad, Regan.


I graduated without seeing Regan's face, nanlumo ako kahit magpakita man lang siya bilang isa kong kapatid ni hindi nya magawa? Pagkatapos kung grumaduate ay, umalis kami ni Mama at ang dalawa kong kapatid para sa magandang kinabukasan. This is what I wanted, to make my Mom feel proud get the best thing they need pero namimiss ko pa'rin ang kapatid kong si Regan pati na rin si Faith kahit once lang yung bond namin, I want to play with her more.

Sa dami raming tao sa mundo, bat sya pa yung nasaktan ko? Bat sya pa naging jowa ko? Balita ko, nagkaroon na sya ng bagong girlfriend and I'm happy for him sana hindi sya sasaktan neto.

Gaya ng inaasahan, nagkaroon ako ng magandang buhay at trabaho. Syempre, nagkaroon na rin ako ng sariling pamilya— magaganda't gwapo ang mga to. Mana sa parents nila. I promise to treasure these gems forever and I won't ever let go of my husband, Archie ever again.

Forbidden, OSWhere stories live. Discover now