One shot story

51 2 1
                                    

Araw araw ikaw ang gusto kong kasama
Buhay ko'y kumpleto na pag nakikita ka
Yan na naman ang naririnig kong kanta habang papasok ako ng Jollibee para kumain ng lunch. Ito kasi ang pinaka malapit na kainan sa pinagtatrabahuhan ko, halos katapat lang ng building. Dumiretso na ako sa counter para um-order. Umupo ako sa pang dalawahang upuan at hinawakan ang kutsara't tinidor para magsimula ng kumain ng may magtanong sa'king college student, kung pwede daw makishare ng table. Agad naman akong ngumiti at um-oo. Ngumiti din sya sa akin at nagsimula ng kumain. Nagkakasulyapan kaming pareho na tila gustong kausapin ang isa't isa pero walang gustong magsimula. Kahit ang sarili ko'ng dila ay parang umurong. Maya maya ay natapos na din ako ng pagkain at nagpaalam na sa ako sa kanya. Nagpasalamat naman sya ulit sa akin. Lumipas ang ilang araw at wala pa ding pinagbago. Papasok palang ako sa Jollibee yan na naman ang kanta, ooder at uupo sa favorite spot ko. Palagi ko pa din syang nakikita pero palagi na nga lang syang may kasabay sa pagkain. Nung araw lang ata na yun ako sinuwerte. Pero okay lang, maligaya pa din ako atleast palagi ko syang nakikita. Isang araw, sinuwerte na naman ako. Parang deja'vu lang. Nagkasabay ulit kami pagkain. This time, sabi ko sa sarili ko hindi na ako papayag na hindi sya makakausap. Lalo na't nakikita kong mukhang malungkot sya. Tinry ko syang kausapin, hindi naman ako nabigo dahil kinausap nya din ako. Napag alaman kong Nursing student pala sya. At yung mga kasabay nyang palaging kumakain ay nag oOJT na. Nahuli sya sa pag oOJTdahil irreg student sya. Next sem pa sya mag oOJT kaya wala na siyang kasabay kumain ngayon. Ilang araw na ang lumipas pero palagi pa din kaming nagkakasabay. Medyo naging close na kami at nagkaka kwentuhan. Nagpalitan na din kami ng aming cellphone no. Habang tumatagal ay nahuhulog ako sa kanya. Sabagay, sino ba ang hindi mahuhulog sa kanya? Maganda, matalino at mabait. Perfect na sya para sa paningin ko. Lumalabas na din kami paminsan minsan ng mapag desisyunan kong ligawan sya. Pumupunta ako sa bahay nila para makilala ako ng pamilya nya. Boto naman sakin ang nanay at tatay nya. Kaya payag na payag nila kami. Inihahatid ko sya tuwing gabi pauwi sa kanila at kung minsan ay sinusundo papunta sa school nila na malapit lamang din sa pinagtatrabahuhan ko.

Sa tabi ko o aking giliw di pa din ako makapaniwala
Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na
Minsan, habang sabay kaming kumakain sa Jollibee ay tinawag ng pansin ng 5 crew ang mga kumakain dito, dahil nandyan daw si Jollibee ay may special no. daw silang gagawin para sa mga kumakain. Sumayaw sila ng remix na kanta at sa huli ay sinayaw ang jollibee dance na ikinatuwa naman ng mga bata. Bigla namang tinugtong ang kantang Dahil Sayo ni Inigo kaya napapasabay kaming dalawa sa kanta. Sa tabi ko o aking giliw di pa din ako makapaniwala. Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na. Habang binibigkas namin ang kanta na yan ay nagkatinginan kami at ngumiti sya. Tinanong nya ako kung di daw ako nagsasawang manligaw sa kanya. Syempre, hinding-hindi ako magsasawa sa kanya. Tinanong ko naman sya kung bakit nya naitanong. Sinagot nya naman ako ng ayaw na daw nya ng ganitong set up. Kinabahan ako dahil sa sinabi nya. Pero ngumiti sya at hinalikan ako sa pisngi. Natulala ako at napahawak sa pisngi na hinalikan nya. Mahal kita Mcoy, kaya simula ngayon ay tayo na. Yan ang eksaktong eksaktong sinabi nya sa akin. Sa wakas, sinagot nya na ako makatapos ang 2 buwan na panliligaw. Wala na atang mas sasaya pa sakin sa buong mundo ng araw na yon.

Ikaw ang tanging inspirasyon
At bastat nandito ka ako'y liligaya
Simula ng maging kami ay mas doble pa ata ang sweet namin sa isa't isa. Nagka-meron ng celebration sa'min dahil dumating galing Kuwait yung tiyahin ko kaya nagka me'ron kami ng mini reunion. Ipinakilala ko sya sa lahat ng kamag anak ko at nakakatuwa dahil lahat sila ay boto para sa amin. Niloloko pa nga ako ng mga pinsan ko dahil child abuse daw ako, 20 years old kasi sya at 23 naman ako. 3 years gap lang, child abuse agad? Marami din akong pinagbago mula ng maging kami. Naging palangiti daw ako sabi ng mga katrabaho ko at mas naging dedicated kaya napromote ako sa trabaho. Syempre may inspirasyon e, kaya talagang magiging dedicated ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dahil SayoWhere stories live. Discover now