Daine’s POV
“Andyan na si Ma’am!!”
Nagbalikan naman sa kanikanilang upuan ang mga kaklase ko, kami yata ang lowest section eeh. Kung nakikita niyo lang po ang classroom namin. Madaming nagkalat na bote, papel, ballpen, at kung anu ano pa at gulo gulo ang upuan. Palibhasa andaming bagong teacher ngayon kaya ganyan yang mga yan..
“HOY BABAE!! Ang kalat sa ilalim ng upuan mo!!”
“AYYY!!”
“HAHAHHAHAHA!! Ang layo na yata ng narating mo Daine ah!” sabi ni Yzza
Kainis naman, nagulat kasi ako kay Ma’am.
“MA’AM P.E. TAYOO!!” sigaw nila Eron
“Naku! Magtigil kayo, napagalitan ako ng principal dahil sa inyo!”
“LUH!! WHY ‘O WHY??!!” –TEN
Baliw talaga tong si Ten niloloko ang teacher, bago lang din kasi si ma’am.
“Ako Ten tigil-tigilan mo ha!!”
“Bakit po ba kayo nagagalit eh di naman kami yung section B.You don’t do that to me!!” – Eron
“TOMOOOO!!”
“BUHAHAHAH!! HUMUHAHAHA!! PFFT… HAHAHAHA!! MWUHAHHAHA!!” tawa ni Chelle
“HAHAHAHAHAH!” tawa namin ni Yzza
Kung si Chelle tumatawa dahil kila Eron kami ni Yzza natatawa sa tawa niya. Parang hindi na makahinga kung makatawa tapos pinalalakas pa niya, Ayt hirap ipaliwanag basta maiintindihan mo kami kung may kaklase kang ganun, Laughtrip sila!
“KAYO HA! Kababae niyong tao kung makatawa kayo!!..”
“EH… HAHAH.. Kasi… Bwuhahaha.. Si Chelle, pfft hahaha.” Tawa ni Yzza
“YZZA!”
Mga may tama talaga tong mga kaibigan ko kaya mahal na mahal ko tong mga to eh, sayang di namin naging kaklase si Myks..
“NAKUUU!! DYOS KO!! Di ko na talaga alam ang gagawin ko sa mga bata na to..”
“Ma’am grabe naman po kayo! Mahal na mahal ka namin eh!!”- Chelle
“Ganyan Ma’am eh!”-Yzza
“Alam mo po Ma’am kahit ganito kami mahal na mahal ka po namin, pero kung ganyan na po..” –Eron
Seryoso si Eron na sinasabi yun at ang tahimik ng mga classmate naming habang si Ma’am nakikinig kay Eron, Tsk si Ma’am talaga nagpauto naman..
“LET’S PARTEEEEY!!” tuloy ni Eron
“WOOOOOOOOOOH!!” sigaw nila
Basta sa mga ganyan nagkakasundo kami..
“Ma’am pinagalitan po ba sila Ayi?” tanong ko
“Naku ng dahil nga sa inyo napagalitan yung dalawa, pati yung tahimik na si Ayi dinamay niyo.”
“OOOY! SILA KAYA NAUNA!!” sabat ni Eron
“Ako tigil tigilan niyo ah! Get ½ crosswise magkuquiz tayo, 10 minutes review!!”
Tumingin muna ako sa paligid, yung iba nanghihingi na.. Binuksan ko yung bag ko at palihim na kinuha yung papel ko na nakaipit sa portfolio, mahirap na isang pad pa naman ‘to. Bago ko kunin tumingin muna ako ulit sa paligid, pero nagkatinginan kami ni Yzza tapos ngumiti siya na para bang may binabalak.
“OY! DAINE PENGE PAPEL!!” sadya niyang sigaw
Bigla naming tumingin sa akin yung ibang nanghihingi na di binibigyan..
“ANO?..” tanong ko
“Daine penge papel!!”
“DAINE MABAIT KA NAMAN EH!!”
“DAINE SIGE NAAA~~”
HAIIIIIIISHHH!!! Pag di ko naman binigyan to ibabackstab ako o kung anoman, sayang naman yung isang pad ko wuhuhuhu!! KAINIS KA YZZAAAAAAA!!
Wala akong nagawa kundi bigyan na lang sila, Aisshhh!!
“Daine penge nga..!” sabi ni Chelle
Tinignan ko sila…
“OH? Kami pa bang mga kaibigan mo ang di mo bibigyan DAINE MARIANNE MENDEZ??”
“Ayan na nga eh, ayan na.. Mahal na mahal ko kayo eh..”
“Yaaan!! Mahal ka din namin..!! MWAHHH!!” humalik si Chelle dun sa dalawang daliri niya tsaka pinahid sa akin
Binigyan ko na din si Eron at Ten.. Pero nung nasa tapat na ako ni Yzza tinitigan ko siya habang siya naman ay tatawa tawa..
“ENGE!!”
“Matapos mo akong ilaglag.. Hihingi hingi ka sa akin atsaka ikaw kaya kaunaunahang humingi sa akin tapos ikaw pa yung wala ngayon? Haleeer!!” sagot ko kay Yzza
“Daine namaaan!! Wag chilpish, enge na..!!”
“Oh!” sabay bigay ko ng papel sa kanya
“Nakanaks!! LABYAAA!!”
“HEYTYUUU!!”
“LOVE YOU MORE!!”
“MS. GUEVARRA! MS. MENDEZ!! MAGREVIEW KAYO!!”
“OPOOOOOO!!”
Bumalik na ako sa upuan ko..
“HOY!! DI BA KAYO MAGREREVIEW?!!” tanong ni ma’am kay Eron
“Nope.” Simpleng sagot ni Eron sa guro
“TAPOS GUSTO MONG PUMASA?! WAG KA NG UMASA MR. SAMSON!”
“ MAY STOCKKNOWLEDGE TO BRAD!! Lagi niyo pong tatandaan ang aking mahiwagang kasabihan, EHEM EHEM!! No need to review stock knowledge will do.” Sabay ngiting aso ni Eron
“ANG TANONG MAY STOCK KNOWLEDGE BA??!!” sigaw ni Ma’am kay Eron
Tapos narinig ko na may binulong si Eron kay Chelle..
“Bingi yata to espren kasasabi lang..”
Tapos bigla na lang tumawa si Chelle..
“WAHAHAHAHAH!! PFFTT.. HAHAHAHHAHA..”
Napakababaw talaga ng kaligayahan ni Chelle
BINABASA MO ANG
Loners Kami Eh, Bakit Ba?
Teen FictionMeet Ayi Atienza, isang loner na gustong magkaroon ng kahit isang kaibigan. Pero paano kung isang selfish, weird, masungit, cold at USER na Kaide Dela Pena ang maging kaibigan niya? Lalalim pa kaya ang relasyon nila o mananatili silang Loner?