Just a Dream [ one shot ]

48 4 0
                                    

"Yuushi tulungan mo nga ako!"

"Ano naman tulong ang kailangan mo Rukie?"

"Tulungan mo kong ligawan si Kurusawa-senpai!"

"Ah...eh... kasi Rukie..."

"Please!! Yuushi!" paano ako makakatanggi ngayon! Hindi ko siya matanggihan! Mahal ko siya eh! Bakit kasi nai-inlove siya sa mga mas matanda sakanya!? Bakit hindi na lang ako!

"O-oo na.... "

"Maraming salamat talaga Yuushi!" oo salamat! Tsk! Ganyan naman palagi eh... tutulungan ko siya tapos... tapos... ay ewan!

"Una na ako! Bahala ka na dyan mag-stalk kay Kurusawa-senpai!" iniwan ko na siya doon... naiinis na ako sa kanya pati na din sa sarili ko! Papayag-payag pa kasi ako eh! Tanga ko din!

"Sige salamat ulit!"

By the way... I'm Yuushi! Babae ako! Hindi ko alam kung bakit ganyan ang pangalan ko! Tanungin niyo sa mga magulang ko! Nagmadali akong maglakad palayo sa kanya. Ayaw kong makita si Rukie na inlove na inlove kay Kurusawa-senpai! Masakit sa mata! Ba't di niya kasi ako makita? Matagal na naman kaming magkakilala pero bakit iba parin ang nakikita niya!? Lagi lang naman akong nasa tabi niya ah.... Bakit kasi gustong gusto niya yung mga babaeng mas matanda sa kanya? Eh lagi naman siya busted sa kanila! Ang masaklap ako pa ang ginagawa niyang sandalan! Sandalan lang ba ako sa paningin niya!? Pamunas ng luha niya!?

Sawa na ako! Sawang sawa na ako! Lagi nalang ganito! Mai-inlove siya sa mga senpai namin tapos iba-busted siya.... at pupuntahan niya ako para iyakan lang! Nakaka-asar! Kung ako na lang sana ang mahalin niya! Kung ako na lang! Edi hindi niya na kailangang umiyak pa! Ugh!! Ba't din ba kasi ako pumayag sa gusto niya!? Ang tanga ko din eh!!! Hay bahala na nga! ( A/N. Senpai ay isang japanese term para sa mga mas nakakatandang tao... not totally matanda para lang siyang paggalang kung sa atin ay ate :D baka makalimutan ko eh... )

~Kinabukasan

"Good morning Yuushi!!!" napalingon ako sa bumati sakin. Si Rukie... may dala siyang bulaklak. Sana akin nalang ang mga iyan!

"Morning..." tinatamad na ako ngayong araw! Parang mas gusto kong magkulong sa kwarto at umiyak kaysa sa makasama si Rukie na ibigay yan sa crush niya!

"Okay ka lang ba Yuushi? Mukha ka kasing matamlay ehhh....." hindi nga ehh! Dahil sayo!

"Okay lang ako. Wag mo kong alalahanin! Wala lang 'to." sinungaling na kung sinungaling. Bahala siya sa buhay niya!

"Sigurado ka?"

"Oo nga! Ang kulit naman eh!"

"Ahh sorry....Yuushi?"

"Hmmm?"

"Samahan mo naman ako iabot 'to kay Kurusawa-senpai!" Hay~ gusto kong tumanggi pero.... hindi ko kaya! Naiinis na talaga ako sa sarili ko!

"Sige mamaya..." gusto kong iumpog ang sarili ko! promise!

"Salamat talaga! I love you Yuushi!" isa pa yan sa ikinainis ko! Pagsinasabihan niya kasi ako niyan nag-a-assume ako! Nakaka-asar kasi 'tong pusong 'to! Magmamahal na nga lang maling tao pa! Umaasa naman ako! Ang tanga ko talaga! Umaasa ako sa wala!

"Sige una na ako." nagmadali akong umalis. Ayaw kong makita siyang masaya sa ibang babae! Nasasaktan ako! Pumasok na ako ng classroom ko. Buti nalang magkaiba kami ng section! Kung hindi mababaliw na talaga ako!

~Breaktime

Tsk! Ngayon ko sasamahan si Rukie kay senpai! Gusto ko nang patayin ang sarili ko! Nakakainis!

Just a Dream [ one shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon