Sel

23 0 0
                                    

“ You love me? Then do everything I want. “ doon nagsimula ang lahat.

4th year college ako noon, noong nagtapat ako sa isang lalake. Loner ako noon, minsan nabu-bully. But, the thing is, I’m very fed up on all the sh*ts that happened in my life, kaya nung graduation nagtapat ako sa kaniya.

“ Kahit ano pa yan “ determinado kong sabi.

Akala ko kasi, nangyayari ang fairy tales. Siguro nga nasobrahan ako sa pagbabasa nang wattpad.

Ginawa niya akong parausan, pampalipas oras. Noong una, iyak lang ako nang iyak, hindi ko kasi masikmura. Hindi nagtagal, nagsawa na rin siya. Yung kurso kong education,hindi ko na nagamit.

Diring dire ako sa sarili ko, kahit sabihing siya lang ang nakagalaw sa akin.  Hindi ko kayang humarap sa ibang tao.

 Pumasok ako sa isang bar, alam kong mali pero hindi ko alam kung paano iahon ang sarili ko.

Sumasayaw ako doon pero hindi naikakama, dahil kahit paano ay nirerespeto ko pa rin ang sarili ko.

___

“ Hoy Selena! Ikaw na susunod! “ sigaw nang beki naming boss.

“ O-opo! “ tumakbo na’ko malapit sa stage at hinanda ang sarili ko. Gusto ko laging umiyak pag naiisip kung anong nangyare sa buhay ko. Ulila na akong lubos at walang tumanggap na kamag-anak, hindi ko rin naman masisi dahil mahirap lang rin sila.

Nagsimula na ang tugtog at rinig na rinig ko na ang malalaswang komento nila.

Nagsimula na akong sumayaw na sapatos lang ang suot. Tumingin ako sa paligid, hindi na rin naman bago sa akin ang ganyang mga titig. Pumikit na lang ako.

Nag-aral ako nang mabuti noon tapos nagpapart-time job, umaasa na makabangon pero lalo lang akong lumagapak.

 Di bale, matatapos rin ang araw na ito...

Matatapos na ang tugtog nang biglang may humila sa akin. Noong una akala ko,isa lang sa mga customer na hindi maintindihan ang pagkakaiba nang stip dancer at nang parausan.

Naramdaman ko na lang na may mabigat na bagay sa balikat ko, and it suddenly feels warm.

Napatingin ako sa lalaking humila sa akin. Nagkagulo, pero sa kanya lang nakatuon yung atensyon ko.

Lyle...

B-bakit siya nandito?

Pababa na kami nang hagdan nang matauhan ako.

“ Bitiwan mo ako “ sabi ko ngunit tinitigan niya lang ako nang napakaitim niyang mga mata.

 “ Excuse me papa,pero hindi siya pwedeng ikama. If you want, pwede kitang pakilala sa iba. “ singit na ni boss na nakatingin nang malagkit kay Lyle.

“ Bakit? Magkano ba? “ tanong niya kay boss na nakangisi. Ang sakit marinig iyon sa dating kaibigan. Dating matalik na kaibigan.

“ Sumasayaw lang ako Lyle “ sana maintindihan niya. 

Unti-unti nang nawala ang tugtog hudyat na tapos na ang palabas at magsisimula na ang isa pa, kaya nabaling na rin ang atensyon nang manonood sa mga susunod na magsasayaw na sapatos lang rin ang suot.

Hinila niya na ulit ako at wala na ring nagawa si boss. Wala naman akong imik habang hinihila niya palabas sa lugar na iyon.

Sinakay niya ako sa kotse, oo nga pala,mayaman si Lyle. Hindi ko nga alam kung paano ko ito naging kaibigan.

“ Kamusta ka na? “ napangisi naman ako sa tanong niya.

“ Seryoso ka ba? “ Nag-igting naman ang panga niya at hindi na nagsalita.

SelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon