•Leaving the nest

959 34 2
                                    

Mas nauna akong magising kay Riley na mahimbing parin ang tulog.
Madaling araw na siguro, hindi ko alam kung anong eksaktong oras pero base sa body-clock ko, mukhang madaling araw na.

Tumagilid ako ng higa para makita ko ang mukha ni Riley.
Ilang beses ko na syang nakatabing matulog noon pero hindi ako nag sasawang titigan sya.

Napangiti nalang ako, nawala na ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa gagong si Chaos.
Kahit sino talaga wala syang pinipili, mapa-lalaki o babae talagang nananakit sya.

Hindi pwedeng ganito lang kami.
At walang mangyayari sa amin kung titingin lang ako sa mukha nya buong araw.

Nag desisyon akong tumayo na at ihanda ang sarili ko, nag unat unat ako at saka tahimik na binuksan ang puntuan.
Huni ng mga kuliglig ang bumungad sakin at ang malamig na paligid kahit na walang umiihip na hangin.
Lumabas ako at tumingin sa paligid saka natawa sa sarili ko.

"Gaano ba kami kagaling mag tago at hindi nila kami mahanap."

Siguradong hindi sila tumitigil na hanapin kami, pero lumipas na ang isang araw at panibagong araw nanaman pero kahit anino ng isa sa mga kagrupo nya ay wala.

Kung nakababa na sila, siguradong makikita nila ang motor ko at maiisip na hindi pa kami nakakalayo.
Pero hindi naman siguro sila aabutin ng isang buong araw para mahanap kami.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid na unti unti ko ng naaaninag.
May mga huni ng ibon na ngayon ko lang narinig ang nasa paligid.

"Sana matapos na 'tong problemang 'to. Pag nangyari yun titira kami ni Riley sa lugar na kasing payapa nito."

Isa iyon sa mga plano ko, o hindi lang siguro plano kundi pangarap narin para kay Riley.
Tahimik na lugar, yung walang magiging problema at walang ibang kasama kundi si Riley lang.
Pag nangyari yun, wala na akong hihilingin.

Sa katahimikan ng paligid ay may narinig akong kaluskos mula sa loob ng bahay, gising na siguro si Riley.
Kaylangan ko ulit ipakita sa kanya na hindi big-deal para sakin ang mga pinag usapan namin kahapon.

"Hindi ka ata tulog mantika ngayon?"

Tanong ko sa kanya saka ko pinag krus ang aking mga braso.
Mas maayos na sya mag lakad di gaya kahapon na nanginginig ang mga binti nya habang humahakbang.

"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos eh. Namamahay ata ako."

Sagot nya sakin. Sino namang hindi nakakamiss matulog sa malambot na kama?
Tumango lang ako sa kanya na lumapit sakin.

"Kaya mo na bang lumakad pababa ng bundok? Hindi naman kita mamadaliin kung nahihirapan ka."

Sabi ko sa kanya na nag unat unat ng bahagya saka ngumiti sakin.

"Oo naman, kaya ko na."

Sabi nya sakin saka itinaas ang kaliwang binti at dahan dahang isinipa para ipakita sakin na hindi na ganoon kasakit ang binti nya.

"Nakaayos kana ba? Aalis na tayo."

Tanong ko sa kanya na halatang nagulat.
Hindi nya siguro alam na ganito kaaga ang ibig sabihin ng Dawn.

"Ah, akala ko gabi pa. Sabi mo kasi Down."

Sabi nya saka nag kamot.
Napabuntong hininga ako sa sinabi nya, bakit pa nga ba ako mag tataka sa kanya?
Ganyan naman talaga sya. Hirap umintindi.

"Dawn."

Sabi ko.

"Don."

Sagot nya.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon