Black Magic?! (One Shot)

46 2 0
                                    

 "You what?!" magkapanabay na sigaw nina Lhyka at Kate habang nanlalaki ang mga mata. Natawa ako sa reaksyon nila.

   "You heard it right.. Ginawa ko ang mga sinabi nyo." sabi ko.

     "B-But.. Sabi mo,hindi ka naniniwala dun?" shocked pa ring tanong ni Lhyka.

    Sa kanya talaga nanggaling ang ideang gayumahin ko ang aking love of my life na si Nicolo. Tatawa-tawa pa ako noong una kong marinig iyon mula kay Lhyka na sinegundahan naman ni Kate. I mean,I really don't believe in such thing as black magic. Pero dahil desperada na akong makuha si Nicolo,ginawa ko na rin. Anyway, wala namang mawawala sa'kin (except sa two-hundred pesos na nagastos ko para sa matandang babae na magsasagawa sa ritwal) kung susubukan ko diba?

     "Seriously? Hindi ka nagbibiro?" si Kate.

      "Yes and yes. Eh pano ba naman kasi,two years ko na siyang pinagpapantasyahan pero mga simpleng sulyap lang niya ang tanging tinatamasa ko. Gusto ko din namang makatabi siya. Yung mayakap siya. Gusto ding malasahan ang tamis ng mga halik niya sa labi ko,sa pisngi,sa leeg hanggang sa..."

  Ano ba tong iniisip ko? Nagiging manyak na ata ako sa kakapanood ng mga porn movies. Este, movies lang pala. SORRY (^.^) v

     "You're kidding!" sabi ni Kate bago ako hinampas sa braso.

      "Aray!" hinimas ko ang nasaktang braso. "How can I be kidding? I'm not a kid anymore!"

    "Okay.. Okay.. Magkwento ka." ani Lhyka bago ako hinila papuntang canteen. "At manlibre ka!"

     "What?! Ba't ako? Halos maubos na nga allowance ko sa lintek na pagpapagayuma eh tapos palilibrehen nyo pa ako! Kayo ang manlibre dahil kayo ang magpapa kwento!"

     Tama.. Wala na nga akong pera. Namumulubi na ako. Buti na lang may mga kaibigan ako na handang manlibre habang buhay. Kahit na ba may kasamang reklamo sa bawat subo mo. Okay na        mabubusog pa rin ako kahit ganun.

     "Buti pa si Nicolo,ginagastusan mo. Pero kaming mga kaibigan mo,ni piso wala kang nagastos! Grabe ka!" heto na naman tayooo >.<

   Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan nang bigla na lang napatanga sing Kate at Lhyka habang nakatingin sa likuran ko. Napakunot ang noo ko. Ano na naman ba ang nakita ng dalawang to? Tatakutin na naman ako.

   "Mumu na naman? Pasensya na kayo pero hindi na ako takot sa mumu. Sabi noong matanda,hindi daw ako magagalaw ng mumu as long as suot ko to." ipinakita ko sa kanila ang kwentas na binili ko sa matanda. Pangontra daw iyon mula sa mga masasamang espiritu.

     "S-Si... " hindi matapos-tapos ni Kate ang sinasabi. Nakaturo siya sa likod ko.

     Nanlaki ang mga mata ko nang maramdamang parang may tao nga sa likod ko. Oh no! Multo nga! Akala ko ba effective tong kwentas ? Lintek na! Tatayo na sana ako upang kumaripas ng takbo nang...

     "Hi,Jean.." tinig iyon ng isang lalaki mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon at napatda.

     Oh my Gulay! Totoo ba to?

      "N-Nicolo?" shocked ako. Malayo siya sa iniisip ko kaninang multo. Isang anghel na bumaba sa lupa ang kaharap ko ngayon. Tumalab na ba ang ginawa ng matanda? Oh,mayayakap ko talaga ang matandang yun! Thank you,old woman at thank you two-hundred pesos! Hindi ko kayo makakalimutan! (^.^)

     Ngumiti si Nicolo. "Kilala mo pala ako."

     Syempre naman! Ako pa? Hindi lang kita kilala kundi kilalang-kilala. Alam ko lahat ng tungkol sayo. Alam ko kung saan ka nakatira,sino'ng mga magulang mo,kapatid mo at lolo't lola mo. Kahit pa nga aso niyo,alam ko ang pangalan eh. (Oo na. Sabihin nyo nang obsessed ako pero atleast nagbunga kaagad ang gayuma diba? Mamatay kayo sa inggit! XD)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Magic?! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon