Chapter 9
"READY?"
Napalunok si Irene. Kasama niya ngayon si Von at nasa harapan sila ng Dance Craze screen sa Wonderpark. Kapipili nito sa sasayawin nila.
"I will do my best." Nakaka-English tuloy siya ng dioras. Magkakalat lang naman siya sa harapan ng binata. "Hindi ako marunong magsayaw!"
"Relax. Sabay naman tayong magkakalat dito," tumatawang sabi nito. "Let's go!"
Tumugtog ang That's What I Like ni Bruno Mars. She tried her best para makasabay sa dance moves na nasa screen. Kahit si Von ay trying hard na makasabay. Nakakatawa itong panoorin. Sa huli tuloy ay natapos sa tawanan nila ang tugtog. Sila na siguro ang may pinakamababang nakuhang score doon.
It was Friday late afternoon. Nang sunduin siya nito sa school ay napagkasunduan nila na maglibot sa mall. Tutal ito na ang huling araw ng paghatid-sundo sa kanya nito. Ayaw niyang umasa sa sinabi ni Donita na susunduin pa rin siya ni Von next week. Marami rin itong ginagawa. Sinabihan nga niya ito na huwag na siyang sunduin tuwing umaga dahil gabi nagbubukas ang bar nito. Meaning, sa gabi ito nagtatrabaho at baka madaling araw o magbubukang liwayway na nakakapahinga. Pero makulit talaga ito. Wala na siyang nagawa pa.
"Galing mong gigiling, ah!" tudyo niya rito habang palapit sila sa bakanteng video game machine.
"Thanks specialty ko talaga iyon." Kumembot pa ito ng isang beses na ikinatawa niya. "Nauhaw tuloy ako. Bili muna ako ng drinks sa labas. Maglaro ka muna d'yan."
Binigay nito sa kanya ang tokens na hawak nito. Kumindat pa ito bago lumabas sa funhouse na iyon. Nakangiting sinundan niya ito ng tingin.
One week pa lang silang nagkakasama pero masasabi niyang close na close na kaagad sila. Sana naman bisitahin pa rin siya nito next week. Mami-miss niya ang bonding nila tuwing uwian.
Nakangiti pa ring humarap siya sa game machine at naglaro. Kage-game over lang ng nilalaro niya nang bumalik si Von. Nilapag nito ang baso ng Slurpee sa harap niya.
"Natagalan ba ako?"
"Hindi naman. Busy ako sa paglalaro. Hindi ko napansin kung gaano ka katagal."
Dinampot niya ang Slurpee at tumingala rito. Saka niya napansin na may kasama ito. Nabitin sa ere ang pag-inom niya nang mapagsino ang babaeng iyon. Maging ito ay tila nagulat nang makita siya.
"Nakita ko kasi itong pinsan kong maganda habang bumibili ako," masayang wika ni Von na tila hindi pansin ang tensyon sa paligid. "Good thing you're here, Krizhia. I want you to meet Irene."
Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Tila naman sa wakas ay napansin na rin ni Von iyon.
"You, two, don't know each other, right?" kunot-noong sabi nito.
Si Krizhia ang unang nakabawi. Ngumiti ito. "Hi, Irene! Ikaw pala itong nababalitaan namin na dine-date ni Von."
"You knew each other?"
"Yes. Bestfriend siya ni Donita."
"Oh, iyong girlfriend ni Grendle, right? Oh well, that's great! Hindi na kayo mahihirapang mag-get together."
Hindi mahihirapan, huh?
Gusto niyang matawa ng malakas na malakas. Binibiro ba talaga siya ng tadhana? Putsa naman, ang lupit nitong magbiro! Ang saya niya kanina ay napalitan kaagad ng hindi magandang pakiramdam.
She remembered Sean mentioned it. Kaano-ano kaya ni Krizhia Ramos si Von Joey Ramos? Pero dahil wala siyang pakialam at iniiwasan na mapag-usapan ang babae, binalewala niya lang iyon. Ngayon, sumasampal na sa kanya ang sagot. Magpinsan ang mga ito.

BINABASA MO ANG
JUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters)
أدب المراهقينJUST SMILE (The Rebel Slam Special Chapters) By: Syana Jane TEASER: Broken-hearted si Irene kay Aser nang makatagpo siya ng isang aksidente. Nakilala niya si Von, ang reckless driver na isinugod nila sa ospital. He was very thankful to her ng magkam...