Chapter 5

63 40 17
                                    

(Chan's POV)
At 7/11

"Sige dito na ko alis ka na" paalam ko dito at saka bumaba na ng sasakyan.

Psh nakakabadtrip talaga oh isama mo pa ang pagmumukha ng lalaking yun tsk. Edi sira na araw ko.

Nasa labas na ko ng pintuan ng bigla nalang may tumapik sa balikat ko.

Napakunot naman noo ko ng makita ko kung sino...

"Cellphone mo" nakabusangot niyang sabi sabay abot ng cellphone ko.

"Psh" sabay kuha ko dito.

"Ge" akmang papasok na sana ako ng biglang nagring yung cellphone ko.

Naman oh! Gutom na ko eh!

Tiningnan ko naman kung sino yung tumatawag.

Huh? Si Tristan?
Kahit kailan talaga panira to.

"Oh bro?" Tanong ko dito habang naglalakad papuntang gilid.

"Chan pumunta ka ngayon dito pati na din si Migs. Bilisan niyo! Emergency!" natatarantang sabi nito sa kabilang linya.

"Ha? Teka anong---"

~Toot toot toot~

Psh. Pinatay ba naman.

Tiningnan ko agad kung nasaan na yung Migs na yun.

"Langya" dali dali naman akong lumakad para habulin siya.

Langya naman oh kailangan ko pa talagang habulin ang mokong yun!

Nasa loob na siya ng sasakyan ng maabutan ko kaya malakas kong kinatok ang bintana nito.

As usual nag kasalubong nanamn ang kilay nito habang tinitingnan ako ng nagtataka.

"Emergency sabi ni tristan" malakas kong sabi dito.

"Ha?" Nagtataka nitong tanong nagsign naman siya na hindi niya narinig.

Gonggong nga naman pano niya ko maririnig eh di niya man lang binaba ang bintana ng sasakyan.

Nagsign nalang ako na buksan niya ang pinto. Nagtataka naman akong sinunod nito.

Psh

"Oh?" Agad na salubong niya ng makapasok na ako.

"Punta tayo sakanila ni Tristan may emergency daw, bilisan mo wag ng daming satsat" diretsang pagkakasabi ko dito.

"Tch" sagot nalang nito at agad na pinandar ang kanyang sasakyan.

Ano kayang nangyari dun?

(Jason's POV)
"What happened to her?" Natatarantang tanong ni mom.
Walang may naglakas loob na sumagot sa aming dalawa ni Tristan at sa halip ay nagkatinginan lang kami.

Yeah i know it's all my fault. Masama na kong kuya dahil sa ginawa ko.
Masama na ko dahil pinabayaan ko ang kapatid ko.
Selfish na nga kung tawagin dahil mas inuna ko yung kasiyahan ko kaysa kapakanan ng kapatid ko.

Pero kasalanan ko ba nagmahal lang naman ako.

"Tinatanong ko kayong dalawa anong nangyari sa kapatid niyo?! Jason, Tristan? What happened?!" Alalang alalang tanong ni mom habang di mapakali.

"Mom we'll explain later, please calm down" sagot ko dito at pinaupo muna siya.

"Tristan bantayan mo muna si mom kukuha lang ako ng tubig" tumango lang ito at agad na lumapit kay mom at inalalayan ito.

She's My Lifetime EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon