Umiiyak ka na naman
Langya talaga , wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
"Ano nanaman ba nangyari Shai?" ganito nanaman kami, ewan ko ba matalino naman tong bestfriend pero pagdating sa pagibig nagpapaka tanga.
"10th monthsary namin ngayon pero ni hindi pa siya nagtext. Tinanong ko yung kapatid nya sabi nya maaga daw umalis kuya nya kasama ng barkada." nag umpisa nanaman siyang umiyak. Kung ako na lang sana Shai e. :(
Sa problema na iyong pinapasan
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga
Na wala nang ginagawa kundi ang paluhain ka
"Bakit ba kasi ayaw mong iwan yang si Bryan? Lagi nyang inuuna yung barkada kesa sayo. Lagi ka na lang umiiyak dahil sa kanya. Hindi mo napapansin pati pagaaral mo nakakalimutan mo dahil lahat ng oras mo nasa kanya na. Shai naman.."
"Mahal ko siya e yun lang yun. Masaya ako pagkasama ko siya kyle."
"Masaya? Masaya ba yung lagi ka na nyang binabalewala ha. Shai tama na yang pagpapaka tanga mo sa kanya. Hindi ka ba nahihirapan?"
"Hindi, kasi mahal ko siya. Ayoko mawala siya sakin. Hindi ko kaya ako din mahihirapan pag nakipag hiwalay ako sa kanya"
Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama
Iilang ulit palang kitang makitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga
Ayokong nakikitang ganito bestfriend ko. Hindi naman siya ganito nung wala pa si Bryan e, mas masaya pa siya nun kesa ngayon na lagi na lang siyang umiiyak at nagmumukmok.
"Tama na Shai, ako nahihirapan sayo e. Ayaw na kitang nakikitang nahihirapan pa dahil sa boyfriend mo. Martyr ka!"
"Sabihin mo lang kung pagod ka na sa pakikinig sakin kyle. Kung pagod ka na sa ugali ko sa kwento kong pa ulit ulit."
"Hindi ganun yun. Gusto ko lang yung nakaka buti sayo kasi bestfriend mo ko. Ayoko lang na lagi ka na lang umiiyak dahil lang sa isang lalake."
Hindi na dapat pag-usapan pa
Napapagod na rin ako sa aking kakasalita
Hindi ka rin naman nakikinig
Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
Sa mga payo kong di mo pinapansin
Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin
"Makinig ka naman sa mga payo ko oh. Ginagawa ko to para sa ikabubuti mo di lang sa may masabe ako. Bes, ayoko sa lahat ng nakikitang nahihirapan ka diba? May mabuhat ka nga lang na mabigat kinukuha ko agad."
Ayoko nang isipin pa
Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya
Ang dami-dami naman diyang iba
Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo
At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
"Madami namang dyang iba. Wag na dun sa lalaking lagi ka na lang sinasaktan. Try mong buksan mga mata mo shai. Meron dyang papansinin mga effort at pagmamahal mo. Hindi nya sasayangin ang katulad mo. Tama na yang pagpapaka tanga mo sa kanya."
"Hindi ko alam bes hindi ko alam. Siguro hindi pa ngayon ang oras para bitawan ko si Bryan."
Shai ako na lang please. Gusto kong isigaw to sa kanya, manhid talaga tong bestfriend ko. Ilang taon na kong lihim na nagmamahal sa kanya. Takte! Di pa kasi ako maka graduate sa torpe umiversity e. Naunahan tuloy ako ng iba leche.
Napaka sakit para sakin na habang kinukwento nya na masaya siya kasama ng boyfriend nya. Sana mangyari din yun samin di lang masaya sobrang saya pa sa inaasahan nya. Bibigyan ko siya ng halaga di katulad nung boyfriend nyang binabalewala na siya. Hindi ko siya ipagpapalit sa walang kwentang bagay. Siya ang magiging first priority ko. Sana kase nasasabi ko to sa kanya e. Kelan pa ko gagraduate saka ko masasabi tong lahat. Nakaka baliw talaga ang pagibig.
Huminga ako ng malalim kahit etong kataga na to i marealize nya yung nararamdaman ko..
"Shai, ako na lang please.."