I'm Glad that I'm Not Alone [*EXO Baekhyun One-shot]

607 15 6
                                    

(A/N: Dedicated to @stupidgirl04. OMG Dear! Tapos na sya! ^O^ Emegheeed!~ Na-challenge talaga ako dito ng bonggang-bongga ha. Grabe! Nung araw na pinag-usapan natin 'tong oneshot mo, SWEAR! Di ako nakatulog hanggang 5:30a.m. kaya ginawa ko na. Charot. XD Segue ko lang hehe. ^__^V Storya mo 'to eh. Osya diary na 'tong A/N. So.... here's your EXO oneshot with Baekhyun! :"> )

[Darianne Jane Genon's POV]

Ang sarap sa pandinig, ang sarap sa pakiramdam..

Gusto ko sana lagi na lang ganito, payapa kasama ang musika..

Gusto ko ng tahimik, pinapakinggan lamang ang himig ng ibon at ang pagsayaw ng mga puno

Ang paghampas ng malakas na hangin na dumadampi sa balat ko...

Kung ganito lagi, mas masaya ako kung kasama kayo...

Pero impossible na ata ang gusto kong mangyari.....

"Mama! Papa! Saan po ba tayo pupunta?" masiglang tanong ng isang batang babae

"Dun sa payapa at tahimik na lugar kung saan masaya tayo, anak." nakangiting sagot ng ina nito.

"Kung ganoon po, tuturuan nyo ulit po ako Papa tumugtog ng piano?" Tumango naman ang ama ng batang babae na syang ikinasiya nito.

"Yehey! Wiee! Tuturuan ako ni Papa!~ Tuturuan ako ni Papa!~" Pakanta-kantang sabi ng bata.

Lubos ang tuwa ng mag-asawa dahil sa pagkagalak ng anak nila. Perfect parents, perfect child... perfect family. Wala na silang maihihiling pa...

.

.

.

.

"M-Mama....P-Papa..." hagulgol ng batang babaeng puno ng galos at sugat sa labas ng wasak na sasakyan

"Ma-Mama...gising n-na k-kayo...." hindi pinansin ng bata ang duguan nyang katawan. Kahit hirap na hirap ay gumapang sya sa kinaroroonan ng mga magulang nya.

"P-Papa...di ba.. tuturuan m-mo pa ako?" Binalewala ng bata ang napakalakas na ulan. Kasabay ng pag-agos din ng luha nito.. Wala syang magawa....

"Wag naman po kayong g-ganyan oh. *sob* Di po n-nakakatuwa.."

"Labas na po ka-kayo dyan s-sa loob. Sira po k-kotse ni P-Papa eh. Tara na po, p-pagawa natin."

"Mama...Papa...*sob*"

"M-MAMAA?! PAPAAA?! *sob* WAG NYO PO AKONG IWAN MAG-ISA! MAAAMAAAAAAA!"

*BOOGSH*

Fudge. (O______O)

Kahit natumba ako sa kama, wala akong pakialam. Hinahabol ko pa kasi yung hininga ko. Bumilis bigla tibok ng puso ko.

Aish! Bakit kasi napaginipan ko yun. Tae! Bangungot pa ata yun eh. Psh. >3<

Bumangon na ako at naghanda para pumasok sa school. Doon pala ako nag-aaral sa St. Claire's Academy of Music. May talent ako sa pagtugtog eh. I'm a pianist. Mwehehe~ XD

At oo, kung iniisip mo na orphanage ang St. Claire's, tama ka. Isa akong orphan doon. Wag mo sana akong kaawaan dahil ganito ako, wala naman akong ginagawang masama. Mabait kaya ako. Charot! Huehue~ XD

Haaaayyyy... Yung napaginipan ko kanina, totoo yun. Yun yung alaalang gusto kong malimutan, pero kahit anong gawin ko. Hinahabol pa rin ako ng nakaraan ko. Gusto kong mag-move on eh. Tsk.

I'm Glad that I'm Not Alone [*EXO Baekhyun One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon