Chapter 30 Months

4.7K 107 3
                                    


"Bru, tama na iyan please," pakiusap ni Althea nang lagukin niya ang huling baso ng alak.

"T-tama na d-dahil wala na tayong beer or dahil concern ka sa akin?" natatawa niyang sabi sabay turo sa matalik na kaibigan.

"Loka! Pwede both?" tumawa din ang may saltik niyang kaibigan. Hindi sila lasing, nakainom lang. Isang bote lang ng pulang kabayo ang ininom nila. Treat ng bestfriend niyang si Althea Calibugan.

Napasandal na ito sa sofa. Pikit ang mata at sabog ang buhok.

Althea is 5 years younger than her pero ang sabi nito ay magkasing ganda naman daw sila kaya hindi na siya nito tatawaging Ate.

They met at their previous school. She was 3 years in that school already nang mapadpad ito doon at nag-apply.

They are both crazy. And she would agree na may kagandahan sila pareho. Shit! Kailangan ka pa natutong magbuhat ng sariling bangko George?

Althea is a doll. Kayumanggi ang balat nito, mahahaba at makakapal ang pilikmata na kina-iinggitan niya. Parang false eyelashes pero dahil totoo ay bagay na bagay ito sa deep-set eyes na mga mata ng kaibigan. She has narrow and pointed nose and slightly thin but pout lips. What's striking about her look is her natural brown kinky hair which she carries well. To make it short, may lahing banyaga ang bruha. Yes, she's half pinoy and half-God-knows-what. Walang may alam kung sino ang tatay niya.  She grew up in Olanggapo at lumaki kasama ang mga baklang tinuturing na mga magulang.

Naging swak sila dahil sa pareho silang kumakanta at sumasayaw, though, Althea is more of a natural singer and dancer.

Althea is taller than her at one or two inches the most. Her body is just like her, malaman but well, her friend's not blessed so much chest but with butt so pumped up.

She chuckled at that thought. Minsan tinutusok ng mga bata dahil sa pagtataka. It was too sexy not to notice.

"Alam mo bru, hindi sagot ang alak sa problema," rinig niyang pangaral sa kanya ng kaibigan.

"Pssshh."

"Ilang linggo ka nang ganito ah."

After that incident ay bumalik siya ng Maynila. Nagtext siya kay Mr. Delafuente tungkol sa event plan at nagpaalam na may emergency dito kaya napauwi siya agad. Makailang ulit na tumawag sa kanya ang matanda ngunit hindi niya sinasagot. Sa huli nag iba siya ng numero. She's so down kaya ayaw niya munang makausap ito. Parang siya pa kasi ang dahilan at nagkagulo ang pamilya nito. Sana hindi nalaman ni Mr. Delafuente ang issue dahil sobrang nakakahiya.



"Good morning," bati sa kanya ni Althea habang nakapikit na nagtitimpla ng kape.

"Hoy, mapaso ka diyan sa pinag-gagawa mo."

They both lived here in this apartment bago pa man siya lumuwas pa-Bukidnon. Dito pa rin pala ang balik niya.

"Saan ka mag-a-apply?" tanong nito ng makaupo na. May lutong itlog, hotdog at kanin na rin sa mesa.

"Hmm, maghahanap pa."

"Saan nga? Bakit di ka nalang bumalik doon sa school?"

"Sa iba na lang ako," tanggi niya. Ayaw na muna niyang magturo dahil parang wala pa siya sa sarili. Lutang pa rin hanggang ngayon.

"Magju-June na, may hiring pa ba ng ibang school?" Nagkibit balikat siya sa tanong ng kaibigan. She's planning to apply for office work, secretarial or administrative not teaching. Malamang may hiring pa ngayon.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon