Maine’s POV
“CAUSE WHEN YOU’RE FIFTEEEEEEEEEENNNNNNNNNNNNNNNN! SOMEBODY TELLS YOU THEY LOVE YAAAAAAAAAAAA. YAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH GOTTA BELIEVEEEEEEEEEEEE THEMMMMMMMMMMMMMMMM. CAUSE WHEN YOU’RE FIFTEEEEEEEEEEEEEEEEEE~”
“Pwede ba?! Nag-aaral ako oh? Pshhh.” Kainis hindi man lang marunong makiramdam ang mga tao dito. Ang ma-manhid. Nyeta. Kitang nag-aaral ako pero kung maka-concert wagas? Aba, okay lang sana kung maganda ang boses. Pero hindi eh, HINDING-HINDI!
“Paki-alam ko? Hmmpp. I’M FEEELLLLLLLLLIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGGG SEXYYYYYYYYYYYYY AND FREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE. LIKKKKKKKEEEEEEEEEEEEEEEE GLLLLLLLLLLLIIIIIIIIIIIITTTTTTEEEEEEEEEEEEEEEEERRRRRRRRRRRRRRRRSSSSSSSSSSSSSSS~”
Napatakip na lang ako sa tenga ko. Paano ba naman kasi, itong bruhildang kong kapatid eh mas linakasan pa yung amplifier at ang boses. Feeling ko nga anytime mababasag na ‘tong mga eardrums ko, pati na rin ‘tong mga glassdoors dito.
"Hindi talaga ako makaka-aral nito eh." sabi ko sa isip ko. Malapit pa naman yung entrance exam ko sa dream school ko. Haaaaayyyyy. Kung hindi ako mag-aaral eh paniguradong babagsak ako at kapag bumagsak ako eh hindi na ako makaka-aral sa dream school. Paano na lang ako? Kaya mas mabuti pa kung sa labas na lang ako mag-aaral. Mabuti pa nga. Lumabas na lang ako ng kwarto para walang gulo at WALANG ISTORBO. Nang pababa na ako ng hagdan eh may narinig ako na kalabog at sigaw. Galing yata yun sa kwarto ko eh.
“AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! *BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMMMMMMMM*” Nagtaka naman ako kung ano yun kaya sumilip ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Alam niyo ba kung ano yung nahulog? HAHAHAHAHA. Si Margaret lang naman, ang step-sister kong napaka-ewan. HAHAHAHAHAHA. Nahulog kasi siya sa kama kasi nga habang kumakanta eh tumatalon siya sa kama. At tingin ko nadulas siya kaya yan, nahulog.
“ARAAAAAAAAAAYYYYY! Ang sakit. Huhuhuhu, tulungan mo naman ako oh.” WOW! Marunong pala ‘tong humingi ng tulong? Wow ha! Ayaw ko nga. Buti nga sa kanya yan.
“Bahala ka sa buhay mo.” Sabi ko bago ako umalis. Baka kasi may mangyaring masama pa. Naabutan ko sa baba si Tita Leny, ang step-mom ko na nagma-majong kasama ang mga kampon niya. De joke lang! Mga kaibigan niya pala.
“At sa’n ka pupunta Maine? Tapos ka na bang mag-aral?” Mabait si Tita Leny kumpara sa kanyang anak na galling impyerno. Yun nga lang, sugarol si Tita.
“Ah opo. Labas lang po ako, bibili ng makakain.” Pagsisinungaling ko. Kung sasabihin ko naman na hindi pa, eh hindi ako papalabasin ng bahay nun. Kaya yan. At paglabas ko naman ng bahay, nakita ko ang aking napakadakilang ama. Nag-iinuman kasama ang tropa niya. Lalagpasan ko na lang sana sila ng tinawag niya ako. Ano ba kailangan nito sakin ha?
“Oh anakkkkkkk!” Lasing na talaga ‘to siya. Kaninang madaling araw pa yan nag-iinuman eh.
“Tay mano po. Lalabas lang po ako saglit.” At hindi ko na siya pinasalita pa at umalis na ako sa harapan niya. Hindi ko yata kayang magtagal dun eh. Naglakad-lakad lang ako dala ang backpack ko na may laptop at isang libro. Hahanap muna ako ng tambayan. At di nga ako nagkamali. May nakita akong café sa di-kalayuan at habang papalapit ako sa café na yun eh naaninag ko na ang pangalan nito at ito ay….
“True Love Café? Anong klaseng pangalan naman yan?” Tanong ko sa sarili ko. Kung kayo rin naman sa pwesto ko eh magtataka rin naman kayo. Pero wala akong choice, dito na lang ako mag-aaral. Mas peaceful. Nag-order muna ako bago umupo sa mga magagandang upuan sa labas ng café.
“Ang ganda dito.” Nakaka-relax kasi ang ambiance nila dito. Nakakawala ng stress. Ang daming mga bulaklak. Alam niyo po kasi, mahilig ako sa mga bulaklak. Ang nanay ko ang nagturo sakin kung paano magtanim at mag-alaga ng mga bulaklak. Ang saya nga namin noon eh. Noon nga lang yun. Hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako tulala kaya naman dali-dali akong umayos ng upo. At may napansin ako.