Supermarket

315 20 6
                                    

Supermarket (ONE SHOT)

by: beyourbestself13

*******

Tambayan ko? no other than ang pinakamamahal kong supermarket. Why? kasi may foods, may libreng nood ng tv o kaya karaoke sa appliances section, may libreng merienda dahil sa free tastes nila, pampalamig.... kasi aircon hehe, pedeng mamili ng mga damit, may school supplies. Halos lahat ng pangangailangan mo andito na.San ka pa? tsaka walking distance lang naman yan sa bahay....

*RIIIINNNGGG *RIIIINNNGGG

"hello?"

(hoy John! asan ka nanaman?? tsaka yung pinapabili kong napkin na modess ah non wings!! tandaan mo yan ah! pag yan may wings, humanda ka sakin. Ipapasuot ko yun sayo.)

"Opo noona (older sister/ate)... andito lang naman ako sa supermarket."

(Bilisan mo na ah! Out of stock na ko dito! pag ako talaga natagusan!)

"*sigh* Oo na, oo na... tsk. bye-bye na."

(Oy ha! non-wi-)

CALL ENDED

Palagi nalang akong nagaganito. Nakakahiya kaya bumili ng napkin. Kalalaki mong tao, bibili ka ng

napkin?! tsk. Buti nalang at mahal ko yang noona ko, kundi bahala siya matagusan...

Nasa section nako ng mga napkin..

"modess... modess... modess" sabi ko habang hinahanap ko ang tatak na modess sa isang aisle na puro napkin. Pinagtitinginan na nga ako dito eh. Sabagay, sa gwapo kong to walang hindi makakapansin sakin.

"Ayun! haha." mahinang sigaw ko sa sarili ko. ano daw? haha

"Hmmm.... non-wings... non-wings... non-wi- ayun huli ka hahahaha"

Naglalakad nako pa-alis sa aisle ng napkin ng...

"Dan dan dan dalandan!~ Dan dan dan sarapo ng Real! Lasap na lasap Real na real! Real na real!~~ Dan dan dan daland-"

*BOOGSH!

"Aray! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" inis na bulyaw ko sa kanya. Tinetext ko na kasi si ate na pauwi nako nang nabangga ako ng babaeng dalandan na may push cart at masayang kumakanta habang patalon talon pa.

"S-sorry kuya eto nga pala oh... eh?" nanlaki ang mga mata niya sa napkin na kakapulot niya palang dahil sa nabitawan ko iyon noong nabunggo niya ako at napatingin siya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa at tinignan ulit ang napkin na hawak niya.

"Sayang, gwapo pa naman bakla pala... tsk. tsk. mga kabataan nga naman ngayon...." bulong niya pero rinig ko.

Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. "Bakla ka diyan?! pinapabili yan ng ate ko! Akin na nga yan!" sabay agaw ko sa napkin na hawak niya.

"Sorry ah! bakla!" sarcastic niyang sinabi.

"Heh! dalandan!" at lumayas nako. Baka ano pa magawa ko sa babaeng yan.

*******

Naglalakad nako pauwi. Malamang alam mo naman magteleport ako o kaya lumipad pauwi.

Na-BV tuloy ako sa supermarket. tsk. Huling araw ko nang tambay doon dahil may pasok na kinabukasan kaya bihira nalang uli ako makakatambay doon.

"Andito nako."

"Bat antagal mo?"

"Wala ka na dun..."

Supermarket (one-shot) (part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon