''Kuya Hezir pahiram ako mamaya nyang polo,'' sabi ni Michael.
Nagpaplantsa noon ng damit ang kuya Hezir nya. Paborito nilang pareho ng kanyang kuya ang ang asul na polong hinihiram nya rito. Halos magka size lng kasi sila ng kuya nya.
''Di ba kahihiram mo lng nito sakin?'' nakangiting sagot ni Hezir.'' saka mamimyesta kmi ng barkada ko kaya gagamitin ko to mamaya.''
''Kuya marami kapa nmn polo iba nlng kasi gamitin mo ako na gagamit ng asul na polo.''Gwapo daw kasi ako pag yan suot ko.''pabiro nito.'
''Kaya nga ako nmn gagamit nito pra ako naman ang Gwapo.''
'Ikaw muna gumamit nong isa kng polo . Okay ba?!''
''Sige na nga! ang kuya talaga!'' kahit medyo na disappoint si Michael hindi na nya iyon pinahalata sa kanyang kuya.
Gayong para silang tunay na magkapatid kung magturinga, hindi tunay na kapatid ni Michael ang kuya Hezir nya. Pinsan nya ito na panganay na anak ng nakakatandang kapatid ng kanyang nanay Teresa.
Hikahos sa buhay ang pamilya ni Hezir . Kubrador ng huweteng ang ama nito at ang nanay nmn nya ay naglalabada sa mga kapitbahay nito. Limang magkakapatid ang mga kuya Hezir nya. Ito ang Panganay. at sa hirap ng buhay , napilitan itong tumigil ng pag aaral sa High School.
Dahil maayos nmn ang stado ng buhay nila at upang matulungan ang pamilya ng kapatid hinikayat ng ina ni Michael ang kapatid nya na doon na sa kanila patirahin si Hezir at pag aralin na din nito. Napapayag naman ang mga magulang ni Hezir sa kagustuhan ng ina ni Michael.
Madaling nagkapalagayan ng loob ang magpinsan. kinalaunan ay nakasanayan na niya at ng nakababatang kapatid na si Mike na tawagin itong kuya Hezir. Masipag si Hezir lalo na sa mga gawaing bahay. Hindi na ito kailangan na utusan.
Sa pag-aaral ay wala ding maipintas ang mga magulang nya. Matataas ang grades nito sa lahat ng subjects, bagay na labis na ikinatuwa ng knyang mga magulang. Hindi kasi nagkamali ang mga ito na isang mabait at responsableng binata ang kanyang kuya Hezir.
KKKRRRRRRRRRRRIIIIINNNGGGG!!! KKKRRRIIINNNGGG!!! KKKRRRIIINNNGGG!!!!
''Hello"
''Hello Michael si Jasper ito.''pagpapakilala ng tumatawag sa telepono. ''May hihilingin sana akng pabor sayo.''
''ano yun?'' tanong nya. ''Excited kana no?'
''Sinabi mo pa,pwede kabang pumasyal sandali dt?!''
''tutulungan kita humanap ng isusuot mo.'' mabilis niyang putol sa pagsasalita ng kaibigan. '' Tama ba ako?''
''Tumpak! sige na ha hihintayin kita dito.
Napangiti sya habang kausap ang kaibigan ''oo na sige punta na ako dyan''
Kababata ni Michael si Jasper at matalik na kaibigan.
Birthday party ni Christine, kaibigan nila. Bisita kasi sa party na yun ang mga pumuporma sa knya. Naisip tuloy nya na hindi magpapahiram sa knya ng polo ang kanyang kuya Hezir.
'' Ano sa palagay mo ang isusuot ko'' tanong ni Jasper.''kanina pa nga ako nagsusukat eh''
''Teka...sabay kuya sa isang polong asul na long sleeves at black pants,.''ito kaya subukan mo!''