Someone's Watching Over Me

2.6K 36 11
                                    

SOMEONE'S WATCHING OVER ME

Lagi ko na lang ba siyang titignan mula sa malayo?

Iisipin ko na lang ba na imposible talagang mapansin niya ko dahil wala naman akong ibubuga, di naman ako kagandahan at di din naman ako mayaman?

Gagawa ba ako ng paraan para mapansin niya ko o magpapadala nalang ako sa mga panlalait ng ibang tao sa kin?

---------

Sa tatlong taon na tinagal ko dito sa prestigious school na ito, ngayon ko lang naisip na, bakit ba ako napunta dito? Di naman namin afford dito, mahirap lang kami, pero nagaaral ako sa mamahaling school..

Di normal na school na pinapasukan ko, isa tong prestigious music school.. Lahat ng mga tao dito musicians, iba't ibang instruments ang kaya nilang tugtugin, ako, ang kaya ko lang tugtugin ay piano at guitar.. Isa ako sa pinalad na makakuha ng scholarship. Nga pala, marunong din akong kumanta pero ako lang ang nakakaalam. Nahihiya kasi ako, masyadong magagaling yung ibang singers sa school na to.

"Hoy Annika pangit, kunin mo nga yung violin ko!! Bilis! Bagal bagal!"

"Annika!! Umalis ka nga dito! Naalibadbaran ako sayo e! Ang baduy mo kasi!"

"Ano ba yan Annika!! Sardinas baon mo? Eww!! Hahahaha."

Sa araw-araw na pagpasok ko dito sa school, hindi ako lalampas sa mapangmatang mga tao.. Edi sila na ang perfect!! Ako na ang hindi! Buisit. Kung di lang dahil sa pangarap ko na maging isang magaling na musician e lumayas na ko dito!

Pumasok na lang ako sa music room, buti pa doon tahimik. Walang manggulo.. Umupo ako sa harap ng grand piano at nagsimulang tumugtog..

So I won't give up
No I won't break down
Sooner than it seems life turns around
And I will be strong, even if it all goes wrong
When I'm standing in the dark I'll still believe
Someone's watching over me..

Dito sa music room na to, kung saan walang tao, dito ko nilalabas ang talent ko sa pagkanta.. Hay. Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam pag kumakanta ako.. Kaya kumanta pa ko ng iba.. After ko magconcert sa loob ng music room, sinara ko na yung piano pero parang may napansin akong anino dun sa may pader.

O__O Halaa.. Multo ba yun?!

Dahan dahan akong naglakad papunta dun sa may pader pero pagtingin ko, wala namang tao.. Halaa. Sino yun.. O__O Tumakbo na ko palabas ng music room at nagpunta na class ko..

Natapos na yung classes ko at umuwi na ko.. Loner pala ako.. Ayoko din naman makipagkaibigan kasi lahat naman sila mga anak mayaman, tska baka mamaya di naman sila totoong mga kaibigan.. Paglabas ko ng building, nakita ko dun si Ken..

Si Ken.. Siya yung lagi kong tinatanaw mula sa malayo, simula nung pumasok ako dito sa school, siya agad yung una kong napansin, siya ang pinakasikat dito hindi lang dahil gwapo siya kundi dahil talented din siya, at sa tingin ko mabait siya.. Ewan ko, pero di ko siya nakakausap kahit na classmate ko siya sa ibang kong class.

"Hi Annika, can I get your number?"

"Pare! Walang cellphone yan! Hahaha!"

"Ui Annika, saan mo nabili yang damit mo? Grabe! Idol na talaga kita pagdating sa fashion! haha!"

 

My One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon