Chapter 5

729 24 1
                                    

"Kumain ka ng madami" sabi sakin ni Halimao na nakaupo sa harapan ko. Ano kayang trip neto. Ang aga ako ginising para lang kumain ng napakarami. Akala ko ba uutusan niya ako? Akala ko pa naman pagkagising ko, trabaho agad.

"Akala ko ba uutusan mo ko? Utusan mo na ako! Para naman matapos na ang utang na loob ko sayo." sabi ko sakanya pero nag smirked lang sya. Ang gulo talaga niya. 

"Mamaya pa, pasalamat ka at pinapakain pa muna kita bago kita pahirapan!" sagot niya sakin at tumayo na. Napalunok naman ako ng laway sa sinabi niya. Sumunod sakanya si Hada ngunit di pa siya nakaka layo nagsalita ulit siya.

"Hoy, bilisan mo, hihintayin kita sa labas." sabi niya sakin. Para mainis siya babagalan ko ang pag kain ko.

After kong kumain ng napakarami ay lumabas nadin ako, halos di na nga ako makatayo sa sobrang busog ko kanina e! Ang sarap kasi ng mga pagkain. I cant resist. Wow. Nose bleed. 

Lumipad papunta sa ulo ko Liyah at dun nagpahinga.

"Bakit ba ngayon ka lang ha!! Ang tagal mo kumain bilis suotin mo to!" pagsusungit sakin ni Zoren sabay may binato saking isang hood na mahaba! Ang cool. Color gold.

"Akin na ito?" tanong ko sakanya na kumikislap kislap ang mata.

"Uu na bilisan mo at may pupuntahan tayo!" pagsusungit niya nanaman. Wala na ata siya ginawa buong buhay kundi magsungit e.

"Si Lolo ba hindi sasama?" tanong ko sakanya.

"Hindi" tipid niyang sagot. Nagsimula naman siyang maglakad at ako si sunod.

"Nasaan siya? Di ba tayo magpapaalam sakanya?" tanong ko ulit kay Zoren

"Umalis na siya kanina pa! Ang bagal mo kasi!" sabi niya sakin. Napasimangot naman ako. So di namin makakasama ngayon si Lolo sayang naman! Anyway, mag eenjoy nalang ako sa gagawin niyang pagpapahirap sakin ngayong araw.

"San tayo pupunta Zoren?" tanong ko ulit. Pambagsak na din ng katahimikan naming dalawa. Bigla naman siyang huminto at humarap sakin.

"Pwede ba wag kang maingay! Nakakairita ang boses mo. Ayoko sa makulit!" iritableng sagot niya sakin. Ang sama talaga niya nagtatanong lang naman ako! Tss nagsimula na ulit siya maglakad.

"Psh sungit" bulong ko sa sarili ko sabay pout at cross arms. Sumunod naman ako sakanya agad, ayoko na maulit ang nangyari kahapon! Nakakatakot mga itsura ng enemigo.

Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang mga makukulay na halaman at mga kumikislap na lumilipad sa ere. Ang ganda. Hahawakan ko na sana ang isang pulang bulaklak pero binalaan ako ni Zoren dahil nakakalason daw ang tinik ng halaman na iyun. Di nakikita ng ating naked eye ang tinik nila sa sobrang liit.

Kaya sa bawat nakikita kong mga halaman, tinatanong ko kay Zoren kung pwede ko ba hawakan! Nagiging tourist guide ko siya sa mundong ito.

"Zoren pwede ko bang pitasin ito?" sabay turo ko sa yellow na rosas. Ang ganda ng pagkayellow niya gusto kong isabit sa tenga ko.

Magical Tale: Pure De Luxe (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon