Rest House of Horror

1K 16 9
                                    

Tuwing sem break nga naman, ang mga college students ay magsisi-uwian sa kanilang mga lugar na pinanggalingan, ang iba naman ay simpleng magbabakasyon sa ibang lugar. May apat na magkakaibigan na napag-usapan na magbebeach sila ng sem break. Sila'y sina Mike, Willea, Lorelli, at Alden.

Si Alden ay may kakilala na may-ari ng isang rest house malapit sa beach na kanilang pinag-usapan. Pinakiusapan ni Alden ang kakilala niya na doon muna sila tutuloy ng ilang araw. Pumayag naman ang kakilala ni Mike at natuloy na silang pumunta sa beach.

Nakarating na sila sa beach at nakita nila ang rest house. Napakaganda at napakaluwang nga naman. Napagpasyahan nila ikutin muna ang bahay at tumingin-tingin sa loob. Nag-iikot silang lahat ng dumaan si Mike sa kitchen at may nakakuha ng atensyon niya. Sa may lababo ay may nakapatong na baso na may nakalagay na blue rose, pero hindi pa nalalanta o kahit isang petal man lang, hindi pa nahuhulog mula sa blue rose na iyon. Masyadong tinututukan ni Mike iyo at nagtataka kung bakit may blue rose doon. "Mike!" sigaw ni Willea sa kanya. "Asan ka na? Tara na, pupunta na tayo sa beach. Ikaw na lang naiwan jan sa loob ng bahay."

Bumalik na sa mundo si Mike at dali-daling pinuntahan sina Willea at ang kanyang mga kaibigan pero hindi na niya sinabi kahit kanino ang nakita niyang blue rose sa kitchen. Nagsiyahan silang lahat na magkakabarkada at kumagat na ng dilim ng sila'y nakabalik sa rest house. Mga 8:30 noon ng naalala ni Mike ang nakita niya, ngunit hindi pa rin niya sinasabi at ayaw pa muna niyang sabihin kahit kanino.

"Ilang buwan na uli bakante itong bahay, Alden?" tanong ni Lorelli. "Magthe-three months na daw sabi sa'kin. Bakit mo naman natanong?" sagot ni Alden.

"Wala lang. Siguro may multo na ditong nakatira noh dahil sa sobrang tagal na nabakante to?" Pa-joke na sagot ni Lorelli kay Alden. Tumawa silang magkakaibigan.

"Sa totoo lang, meron ata. Hindi ko lang sigurado dahil wala naman kasi akong naririnig na kwento na may nagpaparamdam o may nagpapakita rito. Basta meron kasing nangyari dito noon. Gusto niyong ikwento ko?" sabi ni Alden sa mga kasama niya. Pumayag naman silang lahat at sila'y nakinig sa kwento ni Alden.

"Yung unang owner kasi ng bahay na ito," simula ni Alden, "mag-asawa sila. Yung lalaki nag-abroad dahil may nahanap siyang trabaho dun. Syempre naiwan dito yung asawa niyang babae. Nung mga unang buwan, ok pa naman silang mag-asawa. May communication pa rin, nagpapadala pa rin ng pera yung lalaki. Pero habang tumatagal, unti-unting nawawalan sila ng connection at communication hanggang sa permanenteng wala na talaga. Ilang buwan pa ang lumipas ng nalaman ng babae na may ibang asawa at pamilya na pala yung asawa niya sa bansang kanyang pinagtratrabahuan. Sobrang nasaktan yung babae. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ng babae, ang ginawa niya ay, kinuha niya yung wedding gown niya at sinuot niya tapos kinuha yung frame na may picture nila nung asawa niya nung araw nung kasal nila at kanyang niyakap lang ng mahigpit. Nagkulong lang siya sa bahay at talagang hindi na siya lumalabas. Hanggang isang araw, may naaamoy na masangsang ang mga kapitbahay niya at nung pinasok nila ang bahay at ang kwartong pinagkulungan niya nandun lang siya na nakahiga suot pa rin yung gown at kayakap pa rin yung picture nila ng asawa niya. Pero bago raw nabaliw ang babae at nagkulong, mahilig daw siyang bumili ng white roses at gagawin itong blue. Yung tipong ilalagay niya sa baso na may tubig yung rose na may halong food coloring na blue then matapos ng ilang minuto magiging blue rose yun. Ganoon daw ang ginagawa kasi sa kanya ng asawa niya bago pa sila ikasal hanggang sa naging mag-asawa sila. Dun na natapos yung kwento. Pagkatapos nun, sinara yung kwarto kung saan natagpuan yung babae. Nilock na iyon at wala talagang ibang taong pwedeng makapasok dun sa loob."

"Saan 'yung kwarto ba niya?" tanong ni Lorelli kay Alden.

"Sa 2nd floor, makikita niyo na may tatlong kwarto dun; dalawa sa kanan, isa sa kaliwa. Yung pangalawang kwarto sa kanan, yun yung kwarto. Kaya hindi yun pwedeng pasukan." sagot ni Alden sa tanong ni Lorelli.

Kinilabutan ang lahat ng marinig ang kwentong iyon. Para mawala ang kanilang takot, kaya'y nagpasya sila na medyo magsaya muna.

Sabay-sabay silang natulog ng gabing iyon. Sila Lorelli at Willea ay natulog sa nag-iisang kwarto sa kaliwa at sa tapat ng kwarto nila ay ang kwartong pinagtutulugan nina Mike at Alden. Mga 2am, biglang nagising si Mike dahil may naririnig siyang kumikitkit sa pader. Tinignan niya si Alden sa kabilang kama kung siya ba yung gumagawa noon pero hindi naman dahil mahimbing na natutulog si Alden. Bumalik na lang sa tulog si Mike, iniisip na ang narinig niya ay baka sa labas lang. Nang malapit ng makuha ni Mike ang tulog niya, narinig niyang may kumikitkit uli sa pader at ngayon may kasamang iyak na, iyak ng isang babae. Lumabas si Mike, iniisip na baka ang umiiyak ay isa kina Lorelli o Willea. Pagkalabas niya ng kwarto at tumingin sa kanan niya, doon niya lang na-realize na ang katabing kwarto pala na kanilang tinutulugan ni Alden ay ang kwartong kinamatayan ng babaeng nakwento ni Alden bago sila matulog. Natakot si Mike at babalik na lamang sana siya sa kwarto pero mas lalo siyang natakot nang biglang gumagalaw yung pintuan doon sa kwarto mag-isa, na parang may gustong makalabas sa kwartong iyon. Narinig niya uli ang umiiyak na babae at naisip niya, "Boses ni Willea yun! Nasa loob siya!" Tumakbo si Mike pababa at kumuha ng kutsilyo at ginamit na panungkit para mabuksan ang pintuan. Hindi na niya inisip ang takot niya, ang iniisip niya lang ang mailabas si Willea sa kwarto.

Nabuksan niya ang pintuan, at pagkabukas ay nakikita lamang siya ng isang malinis na kwarto na nakabukas ang bintana, ngunit bumalik ang takot niya ng may nakita siyang babae na nakaupo malapit sa bintana na naka-wedding gown. Natakot ng natakot si Mike at iniisip na niya na nakikita na niya ang multo ng babaeng namatay sa kwartong iyon. Malapit na siyang tumakbo at halos mapasigaw ng biglang may nag-on ng ilaw at sabay sabi sa kanya, "Ayan kasi naniniwala ka kasi agad sa multo." Lumingon si Mike at nakita si Lorelli na hawak ang switch ng ilaw at nakapangiti sa kanya. "Magrelax ka lang pare. Grabe ka din kung matakot noh." Dagdag ni Alden. "Oo nga, Mike. Akala mo talaga ako na yung multo noh?" sabi ni Willea. Napatingin si Mike sa kanyang mga kasama na medyo nagagalit dahil joke lang pala yun, halos mamatay na siya sa takot tapos ganon pa siya asarin. Humingi ng tawad ang mga kaibigan niya at nangako sila na hindi na nila uulitin at sila'y bumalik na sa kanilang mga kama.

Nang sumunod na araw, maglalakwatsa silang magkakaibigan. Sabi ni Mike, "Grabe hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa niyo ha." "Ilang beses ba namin uulitin na hindi na namin uli gagawin iyon at ilang beses din ba namin kailangan mag-sorry sayo? Hahaha" patawang sagot ni Willea kay Mike.

"Haha. Pero hanga ako sa inyo ha. Talagang natakot niyo ako dun. Una pa lang. Kasi, paano niyo nailagay yung blue rose dun sa kitchen kahapon nung kararating natin? Bago pa tayo pumasok nailagay niyo na." Sabi ni Mike. Nagtinginan sina Alden, at Lorelli sa isa't isa at sabi ni Lorelli, "Anong blue rose? Wala kaming nilagay na blue rose sa kusina. Sabay-sabay nga tayong nakarating, paano naman namin yun ilalagay sa kitchen?" Nagtaka si Mike at sinabi, "Ayan nanaman, nagbibiro nanaman kayo. Pwede ba ayoko na. Masyado na akong natakot sa inyo kagabi. At pwede bang sabihin niyo kay Willea na bumaba na siya dun sa haunted kwarto na yun. Kanina ko pa siya napapansin na dumudungaw dito sa baba eh." "Mike, nandito lang ako sa loob ng sasakyan kanina pa. Inaantay ko kayong lahat na pumasok." Sabi ni Willea kay Mike. "Eh kung nandito ka na, sino yung......" Nilingon ni Mike ang bahay at diretsong tumingin sa kwarto, ng makita niya ang isang babaeng nakadungaw nga talaga na naka-wedding gown at may hawak na picture frame na nakitingin sa kanilang lahat.

- E N D -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rest House of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon