This is it! Makikita ko na ulit si Jb. Inabangan ko talaga yung araw na 'to! Sa sobrang pagka-excited ko, maaga akong dumating sa set. Buti na lang sa school namin yung setting ng music video kaya mas mapapadali buhay ko.
"Anna! Ang aga mo ah." Bati sakin ni Eunice. Siya yung vocalist ng Gracenote.
"Nakakahiya naman kung ma-late ako. Bago lang ako dito tapos magpapaka-primadona ako? Magpapakabait na lang ako!" Sabi ko sa kanya.
"Naks naman! Very professional. That's a good start. Hindi katulad ni Jb."
"Bakit? Anong meron kay Jb?" Tanong ko.
"Nako, never yata naging maaga yun! Laging late dumarating sa tapings." Sagot niya sakin.
"Talaga?"
"Oo. Yung dalawang music video namin na siya rin yung bida, lagi siyang late. Kung hindi lang siya favorite ni Sir G, hindi na talaga namin siya kukunin eh." Nagulat ako sa sinabi ni Eunice. Ganun pala si Jb? Nakaka-turn off naman.
"Sorry kung nagrarant ako sa'yo. Nakakainis lang talaga." Sabi niya.
"Okay lang yun! Nagulat lang ako na ganun pala si Jb. Crush ko pa naman siya." Mahina kong sinabi.
"Eunice tara na sa tent!" Sigaw ni Pj. Siya naman yung bassist ng Gracenote at kapatid ni Eunice.
"Miss Anna, halika na po. Me-makeup-an na po kayo." Sabi sakin ng isang babae na naka-black. Lahat ng staff sa set naka-black tapos may ID silang nakasabit sa leeg nila. Ang cool dito, hindi ako makapaniwalang I'm actually part of this set.
Pagkatapos kong ma-makeup-an, lumabas na muna ako ng tent para magpahangin. 7:30am na, dapat nagsisimula na kami ng ganitong oras eh.
"Nasan na ba si Jb?? He's late!" Iritableng sinabi nung direktor.
"Hi direk! Nandito na ko." Pa-cool na sinabi ni Jb na sumulpot out of nowhere kasama yung assistant niya. Nilapitan niya si Direk Wen tapos kinindatan. Wow ah, bad boy na bad boy yung dating niya.
"Ano ka ba Jb! Mag-ayos ka na nang makapag-start na tayo." Wtf. Kinilig si direk. So ganun pala yung style niya? Magpapa-late tapos magpapa-cute para hindi mapagalitan. Ibang klase pala 'tong si Jb eh.
After 10 minutes, nagsimula na yung shooting kahit hindi pa ready si Jb. Inuna na lang i-shoot yung scenes ng Gracenote, behind schedule na kasi kami eh. Maya-maya, lumabas na si Jb galing sa tent niya. Sinalubong siya agad ni Sir G tapos naglakad sila papunta sa pwesto ko.
"Jb, this is Anna. She'll be your leading lady for this music video. I believe you've already met her nung audtion niya." Sabi ni Sir G kay Jb.
"Hindi ko matandaan, maraming babae nun eh. Walang nag-standout." Ayyy. Ang kapal ah. Ang galing ko kaya nung audition!
"Ikaw talaga, Jb! Masyado kang mapagbiro. O siya, you two get along well." Iniwan na kami ni Sir G. Tumabi sakin si Jb.
"Well, nice meeting you..." Hindi niya matuloy yung sentence niya.
"Anna. Anna Santos." Wasn't he paying attention? Grabe ah. Ang dali dali na ngang tandaan ng pangalan ko eh.
"Right, Anna. I'm Jb. You probably know me already." Wow. Taas ng tingin ni kuya sa sarili niya ah.
"Actually, I don't. First time kitang nakita nung audition ko." I just had to lie. Akala mo ha. Hmp!
"Talaga? Hindi ka ba nanunuod ng tv?!" Gulat niyang tinanong sakin.
"Hindi masyado eh. Bakit?"
"Ah. Wala, wala." Tumahimik na siya bigla. Hahaha! Gotcha, Jb Ledesma! Sakit ba sa pride? LOL.
Pagkalipas ng isang oras, nagsimula na rin mag-shoot ng scenes namin ni Jb. Medyo nagkakahiyaan pa kami. First time namin magsama eh. Pati lalo naman ako, first timer lang ako pagdating sa industriyang 'to.
Kapag on cam, nagbabago yung ugali ni Jb. Bigla siyang nagiging sweet, gentleman, lahat na! Para siyang nasaniban ng kung anumang anghel mula sa langit. Pati yung aura niya, nagbabago. Nagiging pala-ngiti siya kapag nagro-roll yung camera. Pero sa oras na tumigil yung shot, sa oras na sabihin ni direk na "cut!", naglalaho yung ngiti niya. Bumabalik sa pagiging mapungay yung mga mata niya. Grabe lang, ganito ba talaga ang mga artista? Bipolar much!
Nakaka-ilang scenes pa lang kami nang biglang bumuhos yung ulan. Mukhang hindi naging maayos yung weather prediction ngayon ah. Wala kaming nagawa kundi bumalik sa tents namin. Nawalan na ng gana mag-shoot si Direk Wen kaya napilitan na kaming mag-pack up.
Maya-maya, pumasok si Jb sa tent namin. "Anna, sa'yo yata 'to." Inabot niya sakin yung cellphone ko.
"Pano 'to napunta sa'yo?" Tanong ko sa kanya.
"Nagkaron yata ng mix-up kaya napunta sa gamit ko." Sagot ni Jb.
"Ahh okay. Thanks."
"By the way, itext mo ko. Sinave ko na diyan yung number ko." ANO DAW?!
"Ha??" Na-shock ako sa sinabi niya. Tama ba yung narinig ko? Nakakaloka!
"Wala. Sige, una na ko. Bye." Tapos bigla siyang nag-walkout.
Naiwan ako dung nakatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari. Anong problema ng lalaking yun??
YOU ARE READING
Summer Fling [ON HOLD]
Teen FictionSabi nga nila.. "In every girls life, there's a boy she'll never forget.. and a summer where it all began."