Glaiza POV
Everyday iba iba ang trip sa buhay ni Rhian. I know I have to understand her kasi buntis sya at part lang ito ng pagbubuntis nya. Pero madalas kasi nakakapikon din.
Araw araw, hindi ko alam kung ano ang gagawin nya, sasabihin, hihingin. As in, sobrang unpredictable.
Nakahiga kami sa kama, tapos bigla akong tinulak ni Rhian that causes me na mahulog sa sahig. Masakit sa likod, pero hindi ako pwedeng magalit sa kanya. Kaya nagsalita ako in a sweet voice.
"Aray naman love. Bakit mo naman ako tinulak?" Tanong ko sa kanya habang tumatayo.
"Sorry, pero ang baho mo kasi eh. Pwede bang lumayo ka muna sakin. Doon ka sa sahig matulog." Sagot ni Rhian saka nagtakip ng ilong at tumakbo papunta sa banyo, saka sumuka ng sumuka doon.
I was hurt by what she said. Inamoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho. Mabango nga ako eh, from head to toe. Tapos ngayon mabaho ako para sa kanya. Napaka unfair naman noon.
Bumalik ako sa kama at doon nahiga, tapos lumabas naman si rhian mula sa banyo.
Nakapamiwang sya at nagtanong.
"Bakit nandyan ka? Diba sabi ko sa sahig ka matulog." Sabi niya sakin ng seryoso.
"Seryoso ka talaga?" Tanong ko sa kanya.
"Mukha ba akong nagjojoke?" Seryoso talaga ang mukha nya.
Nako! Nako!
"Oo na. Ito na. Sa baba na ako matutulog." Kumuha ako ng unan at kumot tapos naglatag ng foam sa sahig.
Hay nako, kung hindi lang buntis si Rhian. Ang gulo nya. Eh.
Nahiga na sya sa kama, kaya nahiga na rin ako sa sahig. Soon enough, nakatulog na kaagad ako.
I was sleeping nicely, nang may tumatawag sa pangalan ko habang niyuyugyog ako.
"Hmm?" I said while my eyes are still close.
"Love!" Sabi ni Rhian.
"Ano?" Sagot ko habang nakapikit parin ang mga mata ko.
"Lumipat ka dito sa tabi ko. Gusto ko hug mo ako." Sabi nya.
Napamulat ako ng mata sa sinabi niya. Ang gulo talaga ng isip ng asawa ko.
"Kanina, sabi mo dito ako. Tas ngayon, dyan na naman? Love naman, ano ba talaga?" I said.
"Gusto ko nga kasi dito ka sa tabi ko." Sagot niya tapos nag pout pa sya.
"Hay, sige na nga." Tumayo na ako at humiga sa tabi niya. Hindi ako masyado dumikit sa kanya baka kasi mabaho na naman ang amoy ko para sa kanya. Napansin naman nya ito kaya sya na ang lumapit at niyakap ako.
Sumiksik sya sa may kili kili ko at nakayakap sakin, tapos pumikit na sya para makatulog.
I kiss her forehead at pinikit ko na rin ang mga mata ko para makatulog na ulit.
_____________________________
Rhian POV
Kahit sa sarili ko hindi ko rin alam kung bakit paiba iba ang mood ko, pati ang mga gusto ko at ayaw ko.
Alam kong naguguluhan na sakin si Glaiza, at minsan naaasar na rin. Kahit hindi naman nya sabihin, halata naman kasi eh.
Katulad kagabi, hindi ko napigilan ang bibig ko. Napaka straight forward ng dila ko. Alam kong nainis sya eh, pero wala naman akong magawa. Hindi ko kayang kalabanin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfictionThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...