Kabanata 7

37 2 0
                                    

Kabanata 7

Kanina lang

Hindi ako nakapag salita buong byahe papunta sa event. 7:30 pm na ang sinasabi ng orasan ng sasakyan niya na nasa harapan ko. Napaka rami kong nais sabihin sa kanya ngayon pero wala ni isang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong mag sorry sa kanya dahil nakalimutan ko ang third anniversary namin at ang birthday niya, wala rin akong regalo kaya kahit sana makapag sorry nalang ako pero wala talaga.

Pinagsiklop ni Lance ang aming mga kamay pagkababa namin sa kanyang sasakyan. Kahit na hindi ko mahawakan ng maayos ang mga kamay niya dahil sa guilt na nararamdaman ay wala siyang reklamo at siya pa mismo ang kumapit sa akin ng mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na niya itong pakawalan kahit na nasasaktan na ito. Nasasaktan akong makitang pinipilit niyang gawing normal ang lahat samantalang ako, kahit isang tingin ay hindi ko siya magawaran.

Nang malapit na kami sa dressing room ay pinilit kong tanggalin ang kamay ko sakanya, pero lalo lang niya itong hinigpitan. Nilingon ko siya at kitang kita ko sakanyang mga mata ang sakit at pagod na nararamdaman. Hindi ko alam kung nakatulog ba siya kagabi o hindi. He looks very stressed and tired.

Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin. I don't deserve his unconditional love and this time, I think he deserve someone.. someone who is better than me. Dahil sa pagkakamali ko, nilamon ako ng sariling galit at hindi ko hahayaang pagsabayin ang pagmamahal ko sakanya habang nagagalit ako sa sarili ko. I want to forgive and love again myself first, para maiparamdam kong muli sakanya ang pagmamahal ko ng buong buo.

Bago ko pa man hawakan ang kanyang braso para bitiwan niya ang kamay ko ay dumating si Jude na gulat na gulat habang nakatingin sa aming mga kamay.

"Tyra! You're here! Oh my gosh, I thought hindi ka na makakarating because it's your anniversary?." Sambit ni Jude na parang manghang mangha na narito ako ngayon sa harap niya.

"Ahm, I'm sorry kung medyo late na ako dumating ha" sagot ko sakanya.

" Ah, no! It's fine! I'm so thankful nga e, dahil nakarating ka and with Lance! " ngumingisi pa siya habang nanunuya ang kanyang mga mata.

"Ay hindi, hindi rin siya magtatagal dito. Hinatid niya lang ako." sagot ko na biglang nakaramdam ng kanyang madilim na pagtitig.

"Ayy! Sayang naman, anyways, diretso ka nalang sa may dressing room mo para maayusan ka na. I'll just make an announce that you are here na! See you later!" Nag beso siya sa akin at kay Lance bago niya kami tinalikuran.

Nilingon ko naman ang naka pamewang na si Lance habang naka tikom ang bibig at tinitignan ako ng masama.

"What?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ako uuwi Tyra. Hihintayin kita." Pinal ang kanyang pagkakasabi kaya wala akong nagawa.

Pero hindi niya ako pwedeng marinig mamaya. Hindi niya ako pwedeng panoorin dahil hindi ko 'yon mabibigkas ng tama. Hindi niya pwedeng marinig ang aking tula dahil iyon ay ang pagpapaalam ko sakanya. Shit. Ayoko na.

Nagsimula na ang event and I'm the first performer. Nangangatog ako habang pinapakilala ako ng host. Lance is there, sitting in front of the wide stage and beside him is Zoe. Hindi ko sila matignan ng maayos lalo na ngayon na nakayuko na si Zoe at halatang kinikilig sa nangyayari samantalang si Lance ay diretso lang sa akin ang tingin.

"Again, ladies and gentlemen, bisexuals,transgenders, and all creatures here! Haha. Let's welcome Tyra Alcantara with her poem entitled Paalam!" Ang malakas na palakpakan at sigawan ng sobrang raming taong naroon ang naging signal ko sa aking pagpasok. Nakakalula silang tignang at nakakalungkot na ma di-disappoint ko silang lahat ngayong gabi.

"Magandang gabi po!" Hindi ko na halos madugtungan ang sasabihin ko nang magsigawan silang lahat.

"Ahm, itong piyesang binuo ko, para ito doon sa mga taong bulag, yung mga taong hindi ka makita kasi nakatuon lang ang pansin niya sa iisang tao na hindi naman siya mahal at parating nananakit lang." akala ko parang nabibingi na ako sa sobrang  hiyawan na naririnig ko pero mas malakas pala sa kanila ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako!

"Itong tula na 'to, hindi ito yung 'Paalam' na ginawa ko, kaya sana, patawarin niyo ako dahil ang bibigkasin ko ngayon ay pinamagatan kong 'Habang hindi pa.' Nabuo ko ito kanina lang, parang yung desisyon mo na kanina mo lang rin nabuo, yung desisyon na patuloy pa rin siyang mahalin kahit na masasaktan ka pa rin." Halatang gulat ang lahat, maging si Zoe at Jude pero nang makitang mas lalong nabuhay ang crowd, nag thumbs up lang si Jude na nangangahulugang magpatuloy ako.

I wrote this poem kanina habang inaayusan ako, hindi na ako nag abala pa na magsulat sa papel kaya cellphone ko ang ginamit ko. Mabilis ko lang din itong nakabisado dahil mula ito sa kaibuturan ng aking puso.

"Kaya ayun, para sa mga taong handang magmahal ng taong bulag na tanga pa, eto na.." ngumiti ako at agad kong dinala ang mata ko sa kawalan bago ako huminga ng malalim. Pagkarinig ko ng isang pamilyar na tono ay agad akong nagsimula na Ikina-hiyaw ng lahat.

"Habang hindi ka nakikinig, patuloy kong sasambitin,
Habang hindi ka nakatingin, patuloy akong titig sayo..
Sa mga mata mong, masihayin at nakakapag paligaya sa akin.
Habang hindi mo nararamdaman, patuloy akong iibig sayo, kahit na pantanga na lang kasi ako lang naman.. yung nakakakita ng halaga mo.
Habang hindi ka nakikinig, patuloy ko na lamang na ibubulong..mahal kita,
Hanggang sa iyo nang marinig,
Hanggang sa iyo nang makita,
Hanggang sa iyo nang maramdaman,
Na mahal nga kita,
Kahit na hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako napapansin at nakikilala,
Dahil parati kang nakatingin sakanya.
Habang hindi pa nga..
Hindi ko rin lilimutin ang aking damdamin,
Kahit pa parati ko na lamang na isigaw sa hangin.. na mahal kita..
Uulit ulitin ko iyon,
Hanggat hindi pa."  Dumilat ako nang muli akong nakatanggap nang matinding palakpakan at hiyawan. Ngayon ko lang narealize na sa buong piyesa ay nakapikit ako.

Ginala ko ang paningin ko bago ako mag bow subalit naestatwa ako sa aking nakita. Si Zoe ay umiiyak habang nakatingin sa bakanteng upuan ni Lance. Nasaan na kaya siya? Bakit umiiyak si Zoe? yan ang mga katanungang nabuo sa isip ko bago ako tuluyang tumalikod sa harap ng napakaraming tao at bumaba sa entablado.

Pasensya kana Zoe, hindi ko pwedeng pilitin ang hindi ko kayang gawin. It's our day at ayokong saktan pa lalo siya sa kanyang kaarawan. Wag kang mag alala, baka bukas o sa makalawa kayanin ko nang magpaalam sakanya.

Let's Not Fall In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon