Maymay's POV
× × ×"I'm loving this thing so much." Sabi niya sakin at nasa sasakyan na kami papuntang school. Sa wakas, free na kami umuwi at pumunta ng magkasama.
"Oy, may mission pa tayo." Sagot ko naman, tulad ng napag-usapan namin kagabi, Level 2 na!
"I'd be more strict this time." Sabi niya. Ha? Pinagsasabi netong mokong na to?
"Luhh!? Bakit?" Tanong ko tuloy.
"You're doing a compromise eh. Let's be all out!" Sabay tawa niya, nahihiya pa daw kasi ako samantalang siya excited na masyado malaman ng lahat na kami na.
"Sus. Darating din tayo diyan. Arte!" Sabay tulak ko sakanya bahagya. Nasa school na kami, naglalakad papuntang room. Hindi na namin kailangan maging sobrang aga para makapag-moment ng konti. Hahaha Hooo!
"Hold my hand na." Hirit niya sabay ngiti niya ng sobra at hinihingi niya kamay ko.
"Ay ay ay!" Pagsuway ko, sabay pagtaas ng kilay.
"Sige na, please?" Pagpapacute niya.
"Uhm, no?" Sabi ko kahit pa nilalapit niya mukha niya sakin at kahit ako nacoconvince na rin talaga sa ka-kyutan niya at ang hirap niya tiisin, pero . . no.
"Okay." Sabi niya sabay naglungkot-lungkutan pa siya. Sus, pa-epek! "So, shall we start breaking rules for the day then?" Sabi niya rin naman agad sabay ngiti. Ang bilis magbago ng mood.
"Excited talaga oh!" Sabi ko at kinurot ko pisngi niya. Pogi ng boyfriend ko. Hayyy!
Level 2 na. Itong mga rules na to about sa friendship. Actually, nung sinusulat namin lahat tong mga rules na to, napaka-seryoso naming dalawa nun pero ngayon natatawa nalang kami kasi ang dami pala naming kaartehan. Enebe!
Level 2, Rule #1:
Know where your loyalty lies. Don't forget where you belong."May rule pala tayong ganto? Ikaw to no?" Sabi ko sakanya, nakaupo na kami sa classroom at syempre magkatabi parin. Hindi nanaman ako makakafocus nito sa kakatitig niya sakin. Kaloka!
"Yeah, it's just that I don't want you to never forget me. You know? Back then kasi, you were always with your other friends. I was worried you would forget me in a way. Plus, we can't break this rule pala. This is important." Sabi niya. Parang normal lang naman sakin to kasi. Gets ko naman pero sure naman ako na at the end of the day, alam ko naman na siya lang yung taong andyan talaga para sakin. Kaya nga nahulog ako eh. Ayeeeen.
"Never." Sagot ko sakanya kaya naglakbay yung kamay niya sa ilalim ng mesa ng armchair at hinawakan ang kamay ko. Haynako, dahil ba walang holding hands kanina kaya ganito?
"I won't, as well." Sabay unti-unti niya binuksan yung palad ko. Kinakabahan ako, kasi naman ang dami nang tao. Paano ba to? Pero ano ba!? Sino bang may ayaw neto ha?!
"Come on, please hold my hand. I didn't get to hug you yesterday night pa, have mercy." Sabay bumulong pa siya. Napaka-clingy niya pero ewan, dalang-dala naman ako sa drama niya. May mas ikaka-sweet pa pala siya kaya ayun, nakipagholding-hands na rin ako. Ewan ko ba kung bakit napapapayag niya ako sa kalokohan niya!
"Happy ka na?" Tanong ko sakanya.
"This is fine for now." Sabay kindat niya at bigla naman pumasok si João at dumeretso saamin kaya agad akong bumitaw kay Edward at sinara niya yung rule book na nasa mesa.
"Oh, sorry. Did I interrupt something or whatever?" Tanong ni João at tumabi siya sakin. Anong meron at kinakausap ako neto?
"Wala. Wala naman. Bakit?" Sagot ko. Naweweirdohan ako sakanya ulit.
BINABASA MO ANG
Broken Promises (MayWard) - Completed
FanficBasta ang sabi ni Edward sakin: "Sometimes, there's just more to life in breaking promises." 💖