Ilang araw narin ang lumipas, unti-unti naring bumabalik ang dati at nasasanay na ako ulit sa presensya nya.
"Wala kana bang gustong bilhin?" Nangunot ang noo nya sa akin.
Umiling ako. Kontento na ako sa nabili kong pares ng underwear sa bench. Alam na that! Basta may sale, grab it!
Naisipan naming, mag-ikot ng mall puspusan kasi ang pag-aaral nya nitong huli, babawi raw sa mga absences nya. Gusto ko ring iparelax sya para magkabuhay naman kahit papano, pinasubokan ko rin sa kanya ang massage na ako ramdam ko parin ang mga titig nya sa akin. Bantay sarado parin ako.
Bumili ako ng pills panigurado, sa pagbibigay ko ng pagkakataon sa kanya na maging kami ulit, kasama narin ang kalayaan nya ulit na makuha ang anuman sa akin. Malaki ang respeto ko sa sarili ko pero mahal ko sya, ibibigay ko. Nakailang besis narin ulit may nangyari at kabado ako, wala kaming proteksyon.
Tumayo ako sa railings habang pinagmamasdan syang nakaupo at nagpapamasahe. Umikot ako at tinuon ang atensyon sa mga taong nasa baba at busy sa paglalakad.
Malaki ang mall, malapad at maraming tao lalo na't weekend ngayon.
"Betina?" napalingon ako sa pinggalingan ng boses.
"Betina!" halos mapasigaw siya nang nilingon ko sya. Si Dondie, ang bakla kong kaklase nong high school.
"Dondie!" napalo ko sya sa sobrang saya na kina aray nya naman. "Sorry! Nanggigil lang"
"Long time no see girl" bati nya at nakipagbeso-beso pa. "walang kupas ang ganda!"
"Ikaw kaya itong naglevel up oh!" agad kong agaw sa kanya. "Dati mukhang lalaki pero ngayon ang ganda oh!" napanguso ako. Para na kasi syang babae. Mahaba na may kulay ang buhok, payat at nakamake-up.
"Huwag insultudera ate, di porket pumuti ka at tumagkad lalo eh ikaw lang may karapatan gumanda" umirap sya. Natawa ako at niyakap ang braso nya. Si Dondie and mahilig mag-ayos sa mga buhok namin, mahilig maglagay ng mga make up sa mga kaklase ko. Kilala din syang matalinong bakla sa batch namin.
"San punta mo?" sinabayan ko sya sa paglalakad nya habang hawak parin ang braso nya.
"sa chowking, nandon ngayon sina Butch" nakangiti nyang sabi. "Halika samahan mo ako"
"Sige sige" nakangiti akong tumango. "Wait lang sasabihin ko muna sa kasama ko na sa chowking ako puntahan" iniwan ko sya at mabilis na nilapitan si Anton na nakaupo parin.
"Nasa chowking lang ako, nandon mga kaklase ko nong high school, magpapakita lang ako tapos sunod ka nalang ha?" bulong ko. Excited ako kaya nakangiti ako pero sya nakatitig lang sa akin.
Tumakbo ako palapit sa kaibigan kong busy sa phone nya. "San pala yung kaibigan mo?" nilingon nya ang pinanggalingan ko.
"Nandon lang, nakaupo pa" wala sa sarili kong sabi.
Excited kaming pumasok sa chowking, napahawak ako sa bunganga ko nang makita sila lima na nandon. Hindi ko inaakalang mararating nila ang city na ito.
"Its been three years tin!" Si Butch. Niyakap nya ako sa sobrang galak. He's my science lab partner. Always my science lab partner way back high school.
"Oo nga Butch, ang taba mo na!" Saway ko sabay kurot ng bilbil nya.
Tumatalon-talon akong nilapitan nina Claire and Clark. Long time sweethearts ng batch namin.
Sinunod ko sina Joyen at Ramon na magpinsan.
High school ko lang ata ang masasabi kong masayang parte ng buhay ko. Malaya kong naipapakita sa lahat kong sino ako.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomansaNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...