Ako nga pala si Karen. Incoming 2nd year high school na ako. May best friend ako, pangalan niya Mark. Bata palang kami mag best friend na kami. Grade 1 kami nagkakilala, 7 years old kami noon. Magkaklase kasi kami tapos mga parents namin nagkakausap din sa school. HIndi na maiiwasan syempre na maging close kami, bait niya kasi tapos sobrang may sense of humor kaya masaya kasama. Hanggang maging 1st year high school kami hindi padin kami pinaglayo ng tadhana kasi magkasection pa kami. Akalain mo yun? Mas naging close pa kami noon kasi syempre una palang sa high school. Sobrang dami ng problema. Daming issue. Ang hirap, pero masaya! At nagiging madali dahil nandyan siya para sakin.
Dumating yung araw na pumili kami ng mga clubs namin. Pinili ko yung Music Club kasi mahilig ako sa music at instruments. Hilig ko din kasi kumanta. Si Mark naman sumali sa basketball team sa school. Matagal na kasi nyang pangarap yun. Sobrang galing niya kasi sa paglalaro :"> nakakainlove siya lalo na kapag nag soshoot ng bola. hay.
Ilang weeks na kami nagjojoin sa club namin. Isang araw binigyan kami isa isa ng mga papers. Schedule daw yun ng party namin. May pag ka date daw yun so kailangan namin humanap ng partner. So syempre si Mark na nasa isip ko. Break time na, tinabihan ko si Mark sa upuan niya.
"Mark, ang saya siguro ng party no? Nakakaexcite."
"Oonga eh. Iniisip ko nga yayain sa date si Alysa."
Si Alysa yung una niyang nakita. Feel ko nga crush niya yun eh.
"HUH?! Diba dapat ako? Akala ko ba always together tayo?"
"Haha! Ikaw naman. Ilang years na tayo mag kasama. Gusto ko lang makilala si Alysa. Ang ganda ganda niya kasi. Mukha pang mabait."
"Ah ganun?! Sige! Magsama kayo!"
"Arte mo! Andami naman gwapo dyan na pwede mong maging date. Diba madami nag kakagusto sayo?"
"Pero ikaw ang best friend ko!"
"best friend mo ako. Forever. Pero hindi mo ako boyfriend."
Umalis ako. Iniwan ko siya. Pumunta ako sa canteen mag isa. Nag iisip. Bakit siya ganun? Ako kasama niya sa lahat. Akala ko ako yayayain niya eh. Kasi siya unang pumasok sa isip ko. Nakakainis! May Alysa na siya! Ang sakit pa na pinamukha niya sakin na mag best friend lang kami! Bakit ganito nararamdaman ko?! Kapag may crush naman siya ako pa gumagawa ng paraan para magkagustuhan sila. Pero ngayon?! ang sakit na. Naku! Hindi pwede to. Best friend ko siya hanggang dun lang yun!
Nag ring na yung bell. Tapos na break time. Naglalakad ako papuntang classroom, sinabayan ako ni John. Siya din yung una kong nakilala sa classroom. Usapan nga ng friends niya gusto daw ako, pero saakin joke lang nila. Bigla niya ako kinausap...
"Karen, may date ka na ba sa club party?"
"Wala pa eh. Di na siguro ako pupunta."
"eh si Mark? Hindi ka niyaya?"
"May iba siyang niyaya eh. Gusto daw niya makilala si Alysa."
"Ano?! Si Alysa? Hindi nyo ba alam? Sobrang dami ng naging boyfriend nun. Pinagpapasahan pa siya ng magbabarkada."
"TALAGA?! Naku! Dapat malaman to ni Mark. May gusto ata sya dun eh. Kaso nagtatampo pa ako sakanya. :( Sakit eh"
"Narinig ko nga kayo habang nag uusap eh. ahm. Karen. Pwede ba kita maging date?"
"Huh? Wala ka din date? Sige ayos lang. :) "
Nakarating na kami sa classroom. Nakita kami ni Mark na sabay. hmm. Nagselos kaya siya? Ano ba naman tong iniisip ko! Nakakainis. Best friend lang kami. Ayun dapat. Hindi padin kami nag uusap ni Mark. Ilang araw na. Di man lang niya ako nilalapitan. Sakit diba?! :(
Araw na ng party. Sinundo ako ni John sa bahay gabi na kasi. Pagdating namin sa party, ang ganda ng lugar. Lahat ang ganda ng suot. Ang sesexy ng mga babae nakamake up pa sila. Syempre ako din. :)) Napaka gentle man ni John. Sabi niya sakin humawak lang daw ako sa braso niya. Alam niya kasing kinakabahan ako. Hanggang umupo na kami sa table namin...
"Alam mo Karen, hindi ko to nasabi sayo kanina kasi nagulat talaga ako sa itsura mo."
"Bakit? Pangit ba? Naku nakakahiya naman :("
"Hindi hindi. Ano ka ba! Sobrang...."
"Ano nga? Pangit? Uuwi nalang ako"
"Sobrang ganda mo kasi. Hindi ko masabi. Nahihiya kasi ako."
"Akala ko ang pangit ko. :( Talaga? Salamat ha. Alam mo never akong sinabihan ni Mark ng ganyan."
"Wag na nga natin pag usapan si Mark. Dapat masaya tayo ngayon."
Dumating nadin sila Mark kasama si Alysa. Ang sweet sweet nila sa isa't isa. Ano ba tong nararamdaman ko. Mahal ko na ata siya. :( Hindi bilang kaibigan. :( Mahal na mahal. hay. Nagsimula na ang sayawan. Niyaya ako ni John sumayaw. Nakita ko din sila Mark nag sasayaw. Hanggang kainan na. Pinuntahan muna ni John mga kaibigan niya. Ako naman pinuntahan ko si Mark, nag iisa kasi siya.
"Mark pwede ba tayo mag usap?"
"Bakit? May problema ba? Mukha naman masaya kayo ni John ah"
"wow! Nagseselos ka ba?! :D haha! Naks naman."
"Kapal? Hindi nu! Wag ka ngang feeling. Bahala ka nga dyan"
Umalis siya. Ano na ba nangyari saamin? :( Ang sakit eh. Ilang years na kami lang lagi magkasama. Wala na kami tinatago pero bakit ganun siya ngayon? Hinabol ko siya. Umiiyak na ako nun dahil sa sobrang miss ko na siya at ang sakit sakit na.
"Mark ano ba! Hindi mo ba ramdam?! Ang sakit sakit na eh!"
"huh?! Ano ba! Wag ka nga gumagawa ng eksena dito! Nakakahiya! Isipin pa nila girlfriend kita!"
"Oo nga! Best friend mo lang pala ako! Dati naman hindi ka ganyan ha!"
"Lahat ng tao nagbabago! Best friend kita! DATI! Pero simula ngayon tinitigil ko na friendship natin! Nakakahiya ka!"
"MARK! PLEASE! :'( HINDI MO BA NARARAMDAMAN?! MAHAL KITA! HINDI LANG BILANG KAIBIGAN! MAHAL NA MAHAL KITA MARK"
Napatigil siya sa paglalakad. Pero umalis din siya. Iniwan niya ako. Iyak ako ng iyak. Wala ako magawa. Sobrang sakit. ANG SAKIT SAKIT! Lahat ng tao nakatingin sakin. Yung iba tawa pa ng tawa. Nakakahiya, pero naging totoo lang ako. :( Nilapitan ako ni John, umuwi nalang daw kami. Niyakap o siya ng sobrang higpit. Ang hirap magmahal.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
BINABASA MO ANG
Best Friend
Teen FictionHindi madali mabuhay ng mag isa ka lang diba? Minsan iisipin mo nakakahiya magkwento sa mga parents mo tungkol sa crush mo, dun sa taong nag aadmire sayo. Lalo na kapag iniyakan mo yung taong mahal mo. Sasabihin pa nila bata ka pa. Di naman pwedeng...