The Forgotten Prince

6.5K 315 354
                                    

A/N

Hope you'll enjoy this short story! 

----cold_deee

*Paki-play na lang din po ng nasa media kung gusto n'yo sabayan ang pagbabasa. (Song title: Anong Nangyari Sa Ating Dalawa by Aiza Seguerra)

----------

"Ah! Sh*t!" daing ko nang magising ako ng tanghali.

Nahirapan akong imulat ang mga mata ko dahil sa labis na sakit ng ulo. Naparami yata ako ng inom kagabi. Ang kukulit kasi ng mga katrabaho ko, masyadong sugapa sa alak.

Nang tuluyan kong mabuksan ang mga mata ko ay nakita kong nasa bahay na pala ako. Mabuti naman at nakauwi ako ng maayos.

Napalingon ako sa aking kanan at nakita kong nahihimbing din pala sa pagtulog si Angelo. Napansin ko rin ang kanyang isang kamay na nakapatong sa aking bewang.

Tanghaling tapat pero sinasabayan n'ya akong matulog.

Padabog kong tinanggal ang kamay n'yang iyon mula sa aking bewang. Sinadya ko iyon para magising s'ya.

Mukhang hindi naman ako nagkamali dahil mabilis din s'yang nagising. Tumayo ito mula sa pagkakahiga at pupungas-pungas pa.

"Gising ka na pala, Ian." sambit n'ya. "Sandali, ipaghahanda lang kita ng makakain." sunod n'yang pagsasalita at mabilis na kumilos patungo sa kusina.

Sapo ko ang aking ulo habang bumabangon. Sobrang sakit talaga.

"Heto, magsopas ka muna para mabawasan 'yang sakit ng ulo mo." wika n'yang nakangiti at inilapag sa harap ko ang niluto n'yang sopas.

Naririto kami sa maliit na kusina ng inuupahan naming bahay. Magkaharap kaming nakaupo. Siguro ay maaga na s'yang nagising kanina at tinabihan na lang ako sa pagtulog ng bandang tanghali. Hindi na kasi s'ya kumuha ng sarili n'yang pagkain.

Akmang isusubo ko na ang ibinigay n'yang sopas nang magsalita s'yang muli.

"Lasing na lasing ka na naman kagabi. Baka naman magkasakit ka na n'yan kung gabi-gabi kang nag-iinom?" pag-aalala n'ya.

Sa halip na matuwa ako ay nakaramdam ako ng inis.

"Kakagising ko lang Angelo. Ang aga mo naman manermon?!" buska ko sa kanya.

Muli kong nakita ang lungkot sa kanya dahil tinawag ko na naman s'yang Angelo. Dati kasi ay Prince ang tawag ko sa kanya na nagmula sa una n'yang pangalan. S'ya ang itinuturing kong prinsipe....

....noon.

"Hindi naman sa gano'n, Ian. Nag-aalala lang ako sa kalusugan mo." sagot n'ya.

Dahil sa sinabi n'ya ay lalong nag-init ang ulo ko. Malakas ang ginawa kong paghampas ng aking palad sa ibabaw ng mesa. Nakita ko ang kanyang pagkagulat dahil sa ginawa kong iyon.

"P'wes hindi ko kailangan ng pag-aalala mo! Ang dapat na inaatupag mo, 'yung makahanap ka ng bagong trabaho!" buska ko sa kanya.

Hindi s'ya nakapagsalita. Marunong din naman pala s'yang manahimik. Kailangan ko pa ba s'yang sigawan para lang maisara ko ang bibig n'ya?

"Ano ba kasing pumasok d'yan sa kokote mo at nagresign ka?! Ang ganda-ganda ng posisyon mo doon pero bigla kang nagresign!!" sunod kong pagtatanong.

Napayuko s'ya.

"S-sorry..." tangi n'yang sambit.

Ganyan naman s'ya, sa tuwing masisigawan ko s'ya ay tanging paghingi lang ng tawad ang nasasabi n'ya. Nakakasawa na.

The Forgotten PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon