Chapter 12

8 2 0
                                    

Josh

Nandito ako ngayon sa bahay namin nagpapahinga matapos ang nangyaring pagwawala ni Jai sa apartment nila. Grabe yung babaeng yun, napakaamazona talaga non. Nandito ako sa kwarto ko at nag-iisip kung paano ko sasabihin sa kanya at maipapaniwala sya na isa syang Anghel na may misyon dito sa lupa.

"Hayy. What to do? What to do?" bulong ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok.

It's her 20 days here on earth at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nasasabi o nababanggit man lang ang bagay na yon.

20 days? 80 days left. I need to talk to her ASAP.



Jaide

"Ano? Napagod ka noh?" sabi sa akin ni Margo na nanonood ng tv

"Whatever" I rolled my eyes and dialed the yellow cab pizza.

"Yes Ma'am? What can I do for you?" tanong ng kabilang linya "I want your family pizzas for two. We're at the apartment near your branch here at Makati. As soon as possible. Thank you"

"Noted Ma-" I hanged up the phone. Wala ako sa wisyong makipag usap ng matagal. Gutom ako.

Ilang minuto pa ang lumipas ng dumating ang order namin. Binayaran ko iyon sa delivery boy at agad sinarado ang pintuan.

Sumunod sa akin si Margo papunta sa kusina upang usisain ang ginagawa ko.

"What's that?" tanong nya sakin.

"Can't you see? It's pizza idiot" inirapan ko sya sabay kuha ng pizza. "Kumuha kana dyan. Alam kong gutom ka" dagdag ko pa

Busy kami ni Margo sa kakakain ng biglang may kumatok. Tsh. Istorbo.

*knock knock*

"Ugh. Wait!" kung sino man tong taong to sana mawala na sya. Tsk.

--

"Hi!"

"What are you doing here? At paano mo nalaman ang kung saan kme nakatira?" nandito lang naman kse sa apartment namin ang BOSS ko. Feel at home pa sya ah.

"Hey Ms. Sanchez. Para ipaalala ko sayo, ang boss mo ay isang model, at baka nakakalimutan mong sa akin kana nagtatrabaho ngayon? May papizza pizza kapang nalalaman. Pahingi nga" tinapik ko naman ang kamay nya nang kukuha sya ng pizza. "Mayaman ka diba? Go and get your pizza" inirapan ko siya "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"We will have our lunch since you are my secretary slash personal assistant. Go and fix yourself" utos nito sakin na parang wala lang sabay dumiretso sa sofa at humiga.

Tss. You're too annoying.

"What?" tanong nya ng mapansing nakatingin lang ako sa kanya

"Alam kong secretary slash personal assistant mo ako pero kelangan ba kasama rin ako pati sa pagkain mo?" taas kilay kong tanong sa kanya

"Well actually magpapasama ako sayo sa Mall. I have a lot of things to buy since ilang months na din akong hindi nakakapamili. Yung lunch na yon, don't get me wrong ah? Baka mag aassume ka masyado. Its just an employee and employer lunch break" ang kapal pa ng mukha ah? As if naman na nag aassume ako? Konting pasensya pa Jai. Konti pa.

"Kapal ng mukha neto" wala sa sariling bulong ko habang naglalakad papuntang kwarto

--

"So where are your parents?" kanina pa kami lakad ng lakad dito sa mall at kanina pa ko kinukulit ng taong to.

"I don't have parents" bored kong sabi

"What? Paano ka nandito ngayon kung wala kang magulang? Don't tell m-" di niya natuloy ang sinasabi niya nang batukan ko siya. "Aray! Bakit mo ginawa yon? BOSS mo ko! BOSS! Tapos babatukan mko?" nakasimangot niyang sabi

"What I mean BOSS don sa sinabi ko kanina ay wala na ang mga magulang ko. Patay na. Now gets mo na PO ba?" inemphasize ko talaga ang PO sa kanya bwisit eh.


"Ah. Di mo naman kse sinasabi agad. Ayan tuloy muntik nkong mapahiya" aba? Di pa ba sya pahiya ng lagay nayon? Dapat pala diko nalang siy- "Salamat sa pagbatok mo knina ah!" sabi niya sabay pasok sa isang resto. Napakuyom nalang talaga ako sa kamao habang sinusundan siya sa loob.

Geez. Abnormal!


--

Late update! -_- may bagyo pala. Ingat sa mga papasok. :) pati na rin ang mga nasa bahay lang. Enjoy reading! :*

- PearLenggay❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

100 days of living (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon