Ang kuwarto ay may kasikipan. May sirang folding bed sa gilid ng pintuan na pinamamahayahan ng ilang ipis kapag panahon ng tag-ulan. Pansin ang dalawang double deck na higaan na ang hagdan ay may karupukan na rin kaya't pinahigpit na lamang ng alambre ang ilang dugtungan nito.
Ang bintana ay walang rehas na bakal bagkos ay Jalousie lamang na kapag binuksan ay matatamaan ang isang pasong halaman sa labas na dinidiligan ng bubong kapag bumubuhos ang ulan. Ang sahig ay makalat din dahil sa ilang damit na hindi pa nilalabhan habang ang kaisa-isang laptop ay nakatago sa itaas ng maliit na kabinet na tinatakpan ng ilang mga libro upang hindi mahalata ng mga kawatan.
Mula sa unang palapag ng boarding house ay aakyat sa ikalawang palapag ang isang babaeng maagang naligo at gumising na may dalang supot ng pagkain at papasok sa masikip na kuwarto upang gisingin ang dalawang nahihimbing na kasama.
"Gising na po tayo!!!", banggit ng babaeng pagkasara ng pintuan ay ilalapag sa pandak na lamesa ang mga supot at kukuha ng mga plato't ilang kubyertos sa estante
"Haaaay... Umaga na pala!", wika ni Chela pagkamulat mula sa ibaba ng hinihigaan ng bakla. Kasama niya ang mga nakilala sa karinderya.
"Tara na Chela at mag-almusal na tayo!"
"Ha??? Eh, paano si Bj?", tanong ni Chela na pagpunta sa mesa ay makakaramdam ng kakaiba sa tiyan
"Hayaan mo na ang baklang iyan! Babangon na rin iyan maya-maya! Tara!",yaya ng babaeng kasama at magsisimula nang kumain. Ilang saglit pa ay gagalaw ang kamay ng natutulog pa mula sa itaas ng double deck at babagsak ang isang magasin
"Oh!", gulat na wika ni Chela at titignan ang magasin na ang cover ay halos hubad na lalaki, "Cosmo? A... ano???"
"Ah! Mga pinagpapantasyahan ni Bj iyan bago siya matulog! Hay naku! Alam mo naman kapag nasa city ka... marami talagang tukso!"
"O... okay!", wika ni Chela na ibabalik ang magasin sa higaan ng natutulog at ibabaling ang tingin sa isa pang kasama, "Loth... may tao ba sa CR kanina? Natata..."
"Alam ko na iyan!", mabilis na banggit ng babaeng kumakain ng pansit,"Naku, kumaripas ka na ng takbo at baka maunahan ka pa ng iba...Go!"
"Si... sige! Salamat!"
Paglisan ni Chela sa kuwarto ay siya namang pag-ring ng cellphone ng babae sa kaniyang higaan sa kabilang double deck at agad kukunin ito.Kakausapin ang tumawag.
"Hello?!", tanong ng babae sa kausap
"Friend... musta na you? Dito na me!", masayang salita ng babae mula sa kabilang linya
"Alice??? Alice Dicksan?", sunod ni Loth na ibabaling ang tingin sa pababang kasamang bakla mula sa higaan nito
"Oo Friend! Where ka ba now?"
"Na... nasa boarding house ako eh... teka? What you mean dito ka na?"
"Nandito ako sa SMU ngayon, nagpapa-enroll pa lang sa Senior High! Nagtransfer na rin ako galing province 'coz lumipat na rin kami ng house dito!"
"Ah... Ganun ba?", banggit ni Loth habang bubulong sa naka-kunot noong bakla ukol sa ngalan ng kausap sa cellphone
"Meet tayo friend... mahaba pa kasi pila sa cashier eh!", dugtong ni Alice
"Okay... tapusin ko lang yung almusal upang makadiretso ako diyan... teks teks na lang! Ingat ka diyan at ikaw lang ba mag-isa?"
"Yes! Hinatid lang ako ng company car ni tatay... Sige and I missed you Friend!"
"Okay... Miss you too! He he!", mga salita ni Loth bago ibaba ang cellphone at itago muli sa tabi ng unan ng higaan. Iihip ito sa bangs at liliko sa kabilang double deck upang saluhan ang kaibigan sa lamesa
BINABASA MO ANG
Ning Kalibutan
Werewolf"Mag-ingat ka sa mga ungol na maririnig mo... Baka ikaw na ang susunod na biktimahin nito"