"Steven"
"Simple lang Steven.. NAG-SESELOS AKO!" Sigaw ni Mindy na ikinabigla ko!
Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na nagawa ni Mindy yun kay Hanna coz knowing Mindy, she's not a warfreak one! She's always act nicely and well mannered! Kaya naman ng madinig ko sa isa sa mga guest kanina ang pangalan niya na nakikilag away sa CR ay ganoon nalang ang aking kaba!
"Sa pag kakaalam ko kasi ay kahihiwalay lang natin tapos makikita ko ngayon na may iba kana? Hindi mo man lang ako inisip steven! Yung mararamdaman ko!" Umiiyak na sambit pa niya!
"Ano bang nangyayare sayo Mindy? Hindi ako makapaniwala sa kaharap ko ngayon! Kanina ay nakipag-away ka Kay Hanna at ngayon naman ay ini-enterrogate mo ako kung bakit bigla ay may kapalit kana? As far as I know mindy.. Your not affected anymore" sambit ko naman.
"Dahil akala mo manhid ako! Akala mo nag bago ako! Pero lahat ng yun ay akala mo lang Steven! Hindi ako kasing tigas ng inaasahan mo Steven.. Oo naging busy ako simula ng ako ang mamahala sa negosyo pero simula at sapul ay aware ka na mangyayare yun pero ano? Bumitaw ka! Tinapon mo ang ilang taon na pinag-samahan natin tapos agad-agad ay napalitan mo ako? Yun! Yun ang nag pasakit ng dibdib ko!" Mahabang turan niya kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng luha sa kanyang mga Mata.
"Hindi mo naiintindihan min--
"Then explain! Makikinig ako steven!" Pag-susumamo pa niya!
Huminga muna ako ng malalim..
"Honey!" Tinig ni Hanna na pumukaw samin ni Mindy! "I'm waiting for you so long and dad too" dagdag pa nito.
Wala akong nagawa kundi tingnan nalang si Mindy at talikuran ko siya! Isa lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Mindy.. I'm sorry" huling katagang aking iniwan bago tuluyan siyang talikuran at sumama Kay Hanna papasok muli sa loob ng hotel.
Wala akong magawa dahil wala naman akong choice! Sa pamilya niya nakasalalay ang negosyo namin kaya kaylangan Kong pakisamahan si Hanna sa ayaw ko man o sa gusto!
Tinapos lang namin ang party at nag yaya nading umuwe si Hanna kaya naman hinatid ko siya para makapag pahinga nadin ako!
Ngunit pag-uwe ko sa bahay ay si mindy padin ang laman ng isip ko!
Gusto ko si mindy at mahal ko talaga siya! Una ko palang siyang makita at ipakilala ni mama ay nagustuhan ko na siya! Inakala ko pa nga noon na ipag-kakasundo kaming dalawa para sa isat'isa pero isang araw bigla nalang akong pinag-bawalan ni daddy na makita at makipag mabutihan sa kanya!
Tinanong ko naman si mommy kung anong nangyare ay wala naman siyang maibigay na malinaw na sagot sakin hanggang sa nauwe kami ni Mindy sa palihim na relasyon!
Pero nag bago ang lahat ng siya na ang pumalit sa daddy niya para personal na hawakan ang kanilang negosyo at tuluyan na siyang nawalan ng oras para sa aming dalawa!
Hanggang dumating si Hanna...
Ang babaing ipinag-kasundo sakin ni daddy at ang susi para sa pag lago ng among negosyo!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Random"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...