Prologue

52 4 0
                                    

Libo libong  taon na ang nakaraan, isang palasyo ang matatag na nakatayo sa lugar ng Oro. Ang lugar ng Oro ay isang mahiwaga ngunit puno ng bangungot.

Lahat ng tao ay may mahika ngunit karamihan sa kanila ay mga alipin. Nagtatrabaho para mabuhay pa ng matagal. Noon, ang mga tao ay nagtatrabaho hindi para kumita kundi para magtagal pa ang buhay kumbaga oras ang kanilang sinusweldo.

Mahigpit ang patakaran. Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, triple naman ang balik nito sayo.

Para sa mga taong taga Oro ay maayos na ang ganitong pamumuhay. Ang ipanganak,maging alipin at mamatay.

Ngunit isang pangyayari ang di inaasahan.

Isang estranghero ang dumating sa palasyo ng hari at reyna.

Sinabi sa kanilang anumang araw mula ngayon ay magugunaw ang kanilang mundo at lahat ng buhay ay mamatay ngunit lilipas ang daang taon ang tao ay isisilang ulit nang wala ng kapangyarihan.

Umalis ang estranghero. Nabahala ang mga tagaOro sa nging babala nito. Ayaw pa nilang  mamatay lalo na ang Hari at Reyna lalo na't sila ay may anak. Wala pa sa wastong gulang ang kanilang anak na lalaki kaya hindi pa nito magagamit ng buo ang kapangyarihan nito para protektahan ang kanyang sarili.

Gumawa sila ng paraan na kung saan, mamatay man sila ay muli silang isisilang dahil ayaw nila na masayang ang lahat ng kanilang pinaghirapan.

Lahat ng mga nakaupo sa pinakamatataas na posisyon ay nagsama sama. Ginamit nila ang kanilang mahika o kapangyarihan para magawa ang kanilang nais.

.
.
.
.
.
Dumating ang araw ng kanilang kinatatakutan, lahat sila ay namatay. Ang kanilang mundo ay tuluyang nawasak.

Ngunit isang panibagong mundo naman ang muling nabuo at ito ang ating mundo. Ang Earth.

Tulad ng sinabi ng estranghero isang tao ang muling isisilang ngunit walang kapangyarihan. Normal.

Nagsimula sa isang tao at nadagdagan pa ng isa at ng lumaon dumami sila.

Thousand years later...

Present year:20##

Lahat ng tao ay normal na nabubuhay. Normal lahat ng bagay. Normal.

Hanggang sa dumating ang araw nang pagkabuhay muli ng mga tagaORO.

X-Magic~ Not Your Typical Fairytale StoryWhere stories live. Discover now