WARNING!
This story is not suitable for young readers as well as those not so young readers but have innocent minds. Always remember that you have to be open-minded if you read mature content stories that includes love/bed scenes just as this story of mine.
Be responsible enough for yourself.
Thank you!
PROLOGUE
"Vince, meet Aria, my girlfriend," pagpapakilala ni Henry sa nag-iisa niyang anak sa kasintahang si Aria.
Hindi inakala ni Aria na ganito pala kakisig ang anak ng kasintahan sa personal. Pinag-aralan niya ang anyo nito. May kakapalan ang mga kilay nito, mahahaba ang mga pilikmata. Captivating brown eyes, perfect pointed nose, sexy lips, and sharp jaws. He's mesmerizing.. Napaka-amo ng mukha nito na aakalin mong isang angel.
Not to mention, he has a body to die for. Nice height probably over 6 feet. He has a perfectly sculpted body. Hindi maiwasang matulala ni Aria sa angkin nitong kakisigan. He looks so manly and perfect. At bukod sa napakagwapo nito ay napakabango rin nito. Nanonoot sa ilong niya ang amoy nito kahit hindi naman sila ganoon kalapit sa isa't-isa.
Ang malaking problema lang ay matalim ang kulay tansong mga mata nito sa kanya.
"And honey, meet my son, Ravince," pagpapakilala naman ni Henry sa anak nito.
"Nice to meet you," puno ng sarkasmo na bati sa kanya ng binata. And there it goes, kompermadong hindi ito magiging boto sa kanya para sa ama nito.
"Vince, your tone," pagsaway ni Henry sa anak.
"Why? Do you expect me to be nice to your other woman? Fvck that! Wala pang isang taon na namatay si mom at pinalitan mo agad siya? And look at that woman, she is probably younger than me." Dinuro pa siya nito na ikinainis niya rito. Gwapo nga, masama naman ang ugali.
"Vince, tumigil sa pananalita mo. I love Aria. We love each other, at wala ka nang magagawa dun. Whether you like it or not, I'm marrying her," galit na pahayag ni Henry bago ako hinila paalis sa harap ng anak niya.
Matapos ang tagpo nilang iyon ay hindi na nakita ni Aria ang masungit na anak ng kasintahan sa bahay nito. Marahil ay lumayas na yun.
Hanggang kinagabihan. Bumaba si Aria ng kusina dahil makaramdam siya ng uhaw. Sandali niya munang iniwan ang tulog na kasintahan sa silid nila.
Papasok na siya ng kusina nang biglang may humila sa kanya mula sa madalim na bahagi ng bahay at marahas siyang isinandal nito sa dingding. Takot siyang nagpumiglas dito ngunit napakalakas nito. Hindi rin siya makasigaw dahil mahigpit ang pagkakatakip nito sa bibig niya. Shit! Napamura siya. Kilala niya ang mabangong amoy nito. It's Ravince!
"Hi, Aria? Kumusta naman ang unang gabi mo dito sa pamamahay namin?" mariin at mapang-uyam na tanong sa kanya ng pangahas na lalake. Her future step son.
Patuloy siyang nagpumiglas dito hanggang sa mapagod siya. Marahil ay ramdam nito ang panghihina niya ay inalis na nito ang pagkakatakip sa bibig niya.
"Don't you dare shout if you don't want trouble," pagbabanta ng binata sa kanya.
"Ano ba'ng problema mo?" Pinakalma ni Aria ang sarili pero sa totoo lang gusto niyang kalmutin ang gwapong mukha ng walang hiyang lalaki. Sino ito para bantaan siya ng ganito?
"How dare you threaten me like this. Can't you just be happy for your dad?" Nanggigigil siya sa inis dito.
Marahas nitong hinigit ang braso niya. Napasinghap siya sa sakit. Damn he!
"In your fvcking dreams, woman. I swear. I'll make your life a living hell in this house," tiim-bagang na banta nito.
Marahas niyang binawi ang braso mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Hindi ako takot," matalim niyang tugon sa banta nito. Pero sa totoo lang, nakakatakot ang mga titig nito sa kanya. Para siya nitong kakainin ng buhay. He's very intimidating but heck! Hindi hindi niya dapat ipakita rito na nasisindak siya.
"Matapang ka huh? Well see. Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo," tiim-bagang na sabi nito bago umalis sa harap niya.
Akala niya ay makakahinga na siya ng maluwang pero sa gulat niya ay bumalik ito at walang babalang hinapit siya sa baywang.
At hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Siniil siya ng mariin at nagbabagang halik sa mga labi ng mapangahas na lalake.
Nanlaki ang mga mata ni Aria sa gulat at nanigas siya sa mga bisig nito.
"Welcome to hell, baby.." hinihingal at paos na bulong nito sa mga labi niya bago ito nakangising tumalikod sa kanya. She was left dumbfounded.
Damn.. Hindi niya alam kung matatakot ba talaga siya o matutuwa. He promises hell, but his damn soft lips promises heaven.
Pakiramdam ni Aria mababaliw siya kapag nakasama ito ng matagal sa iisang bubong!
BINABASA MO ANG
Trap Series 1: Seduced By My Step Son
General FictionWARNING: R-18 Nagkaroon si Aria ng kasintahan na doble ang tanda sa kanya, si Henry. Naging masaya ang relasyon nila hanggang sa napagpasyahan ng nobyo na sa bahay na nito siya tumira dahil balak na rin naman nilang magpakasal. Ang dating maayos nil...