(Harold's POV)
Hindi ako umimik nang sinampal niya ako. I don't care! Besides, gusto ko na rin naman kasi makipaghiwalay sa kanya eh.Nakita niya kasi akong may kahalikang babae dito sa bar. May gimik kasi kami ng mga kaibigan ko. Heto lang siya't umiiyak sa harapan ko. Hay, ayoko na sa kanya. She's not the same old Siara na nakilala ko dati. Ang losyang na niya. Nandidiri na ako sa kanya.Kinaladkad ko siya palabas ng bar.
"Ano bang gusto mo ha?! At may balak ka pang mag-iskandalo?" Tanong ko sa kanya.
"Ano na bang nangyayare sa'yo, Harold? Di ka naman ganyan dati nung sinagot kita ah!!!" Sabi niya. Tuloy-tuloy parin ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"People change, Siara. And this time, I don't want to be with you anymore." Sabi ko.
"What?! Sabihin mo, nagbibiro ka lang diba?" Sabi niya. Iyak parin ng iyak.
"Do I look like joking?" I said seriously. Hindi siya umimik. Pero tuloy parin siya sa pag-iyak.
"Nah! Let's break up. Boring ka nang kasama." Sabi ko at iniwan siya sa labas. Pumasok ulit ako sa bar. Lahat sila nakatingin lang sa akin.
"Oh, ano? Let's bring back the party!!!" Sigaw ko at nagpamusic ulit ang Dj. Nagsaya ulit kami. This is life! ~*~ Naka-uwi akong lasing sa bahay. Hay! Nagsaya talaga ako. Nakatikim pa nga ako kanina eh. Ang sarap niya mga chong!!
May narinig akong may nag-uusap sa loob ng bahay. Oy! May bisita ata. Haist! Ang sakit na nitong ulo ko. Doon na lamang ako dumaan sa backdoor, dumiretso na ako sa kwarto at natulog.
(Siara's POV)
"Masasapak ko talaga 'yang gagong yan eh." Sabi ni Daniella, na best friend ko.
"Wag naman, kahit pa gago 'yung taong yun, mahal ko parin yun." Sabi ko sa kanya sa gitna ng aking mga hikbi.
"So, ano balak mo ngayon?" Tanong niya sakin.
"Di ko alam. Di ko alam kung ano nang nangyayari kay Harold ngayon. Naging supportive naman ako sa kanya. Di naman ako naging pabaya. Alam ko nandodoon parin yung dating Harold na nakilala ko. Kaya hinding-hindi ko siya sisukuan." Sabi ko.
"That's the spirit!" Sabi ni niya.
(Harold's POV)
Papunta na ako sa dining room. Nang makarating ako dun.
"Oh, anak! Gising ka na pala. Andito yung girlfriend mong si Siara. Let's eat." Sabi ni Mama sakin.
Oh? at bumalik pa talaga siya. Ganun ba siya kadesperada? Pati mga magulang ko gagamitin na niya? She's been texting me lately na mamamatay daw siya 'pag naghiwalay kami. Ba't buhay pa siya?
"No thanks, mom. May pupuntahan ako." Sabi ko sabay punta sa labas.
"Teka lang, Harold!" Rinig kong sabi niya. Sinundan niya pa pala ako.
"Ano?" Tanong ko.
"N-natatanggap mo ba yung texts ko sayo?" Tanong niya.
"Nagtataka pa nga ako kung bakit buhay ka pa eh." Sabi ko.
"P-pwede pa naman nating ayusin yung tungkol sa atin, diba? A-alam mo, kaya pa natin 'tong ayusin. Please 'wag mo lang akong iwan." Sabi niya sakin at ayun, tumutulo na naman luha niya. Huh! Akala niya madadala niya ako sa mga luha niya? No way!
"Wala nang tayo, Siara. Diba nakipagbreak na ako sayo kagabi at tsaka pwede ba, lubayan mo nalang ako? Sawang-sawa na ako sayo eh. Sapat na ang Two years sa pagpapasensya ko sayo." Sabi ko.
"Ano bang nagawa kong mali? Please, para maayos ko." Sabi niya. Umiling nalang ako.
"Just leave." Sabi ko at sumakay sa kotse.
Sa mga sumunod na araw, di niya parin ako tinigilan. Tanga na nga talaga siya. Nakita na niya akong may katalikan na't lahat di parin siya tumitigil. Araw-araw siyang nagtetext ng 'sorry'.
Until, one day, ewan, bigla nalang akong nagkalagnat. Ang sakit ng ulo ko na para bang mabibiyak na ito. Pati ang katawan ko halos hindi ko maigalaw. Wala ang mga magulang ko kasi nasa condo ako ngayon wala sa bahay. Itinulog ko na lamang ang sakit. Nagising ako nang marinig kong nag-open ang pinto ng condo ko. Si Siara... Ayokong hawakan niya ako pero dahil sa sakin ng katawan ko. Wala akong magawa. Inilagay niya ang kamay niya sa noo ko. May sinabi siya na hindi ko narinig. Feeling ko pagod ako't di makagalaw kaya natulog nalang ako ulit.
Nang magising ako. Nagkita ko nang malinis na ang kwarto ko. Nakabihis ako ng maayos. Nabawasan yung sakit ng katawan ko. May bowl ng lugaw, may gamit at baso ng tubig sa beside table ko. Napatingin ako sa pinto ng may nagbukas nito.
"Oh, gising ka na pala. Uhm, kumain ka na para naman maka-inom ka na ng gamot mo. Ang taas kasi ng lagnat mo. Buti naagapan natin agad." Sabi niya.
Nang makita ko ang mga mata niya. Punong-puno ito ng pag-aalala. Ngayon ko lang narealize na ako pala yung tanga between sa aming dalawa. Naalala ko lahat ng pagsasama namin sa loob ng 2 years na 'yun. Kung paano siya umiyak sa tuwing namimiss niya yung mga magulang niya maaga kasi siyang na-ulila, kung paano niya hawakan yung kamay ko sa tuwing nanlalambing siya, sa pagpatong ulo niya sa balikat ko 'pag inaantok siya, yung mga yakap niya 'pag nalulungkot at depressed ako, yung pagiging maalaga at supportive niya. Ang tanga ko pala talaga.
"Bakit? May kailangan ka ba? Ano? Sabihin mo lang " Tanong niya. Napansin niya yatang lutang ako. Umiling lang ako at niyakap siya. Naramdaman ko naman na she hugged me back.
"Sssshhhh, okay na yun." Sabi niya. Umiiyak na pala ako.
Ang alam ko lang, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa at NEVER ko na siyang sasaktan at paiiyakin pa. I LOVE her and I'm so lucky to have her in my life. Ako pala yung mamamatay 'pag nawala siya. So heto ako ngayon, bumabawi sa kanya.
[After 2 years...]
"Hi!" Sabi niya.
"Hello!" Sabi ko at hinalikan niya ako sa pisngi.
"For you." Sabi ko sabay bigay ng isang bouquet ng bulaklak sa kanya.
"Salamat , Ang sweet naman nitong boyfriend ko." Sabi niya. Napakibit balikat na lamang ako. Sinigaw niya eh.
Nasa basketball court kami ngayon. May practice kasi ang team. Andito siya para magcheer. Siya yung pumunas ng pawis ko tsaka nagpa-inom sakin ng tubig.
"Ui, pwede ka nang maging asawa ko." Sabi ko sa kanya.
"Haha, baliw..." sabi niya habang natatawa at pa-iling iling pa.
"Well, malay natin." Sabi ko. Lumuhod ako sa harapan niya.
"Uy, tumayo ka nga dyan. Ano ba ginagawa mo?" Tanong niya
"Siara, I know I did really bad, noon. Pero papayag ka ba na makasama ko FOREVER?" Tanong ko. Anak ng tokwa naman oh. Kinakabahan ako eh.
Tumango siya. "Yes!" Sabi pa niya. May tumulong luha sa mga mata niya. Pinunasan ko ito at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Nang maghiwalay kami sa mga yakap namin...
"Yes! YES! NARINIG NIYO YUN? YES DAW! SALAMAT LORD!!" Sigaw ko. Natawa nalang siya at niyakap ko siya ulit.
"I love you..."
"I love you too..."
BINABASA MO ANG
The Antonym Of HATE
Short StoryIsang babaeng mahal na mahal ang kanyang boyfriend. Siya si Saira. Napakacommited niya sa minamahal niya, maaga mang na-ulila ay nahanap niya ng pagmamahal na tanging kailangan niya sa kanyang nobyo na si Harold na siya namang nagsawa na raw sa kany...