Tampo
"Guys, nasa seminar daw ngayon si Ma'am. Ayusin nalang daw muna natin 'yung by pair na research paper"
Agad ko namang inilagay na sa bag ang aking mga gamit matapos ang announcement na iyon ni Cris, classmate namin
Nilingon ko sa bandang likuran si Xander at nakitang abala pa rin siya sa pakikipagkwentuhan sa iba naming mga kaklaseng lalaki
Nagsuklay at nagpolbo muna ako ng kaunti bago pumunta sa kaniyang kinaroroonan
"Tara na" yaya ko sa kaniya
Tamad siyang lumingon sa akin at pinagtaasan lamang ako ng kilay
"Ayusin daw 'yung research paper diba?"
Pinasadahan niya ng dila ang kaniyang pang ibabang labi bago ito kagatin ng mariin
Ano namang problema ng isang 'to?
Nagulat kaming lahat ng biglaan siyang tumayo at lumabas ng walang pasabi dala ang kaniyang mga gamit
Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin at napapahiyang humingi ng paumanhin sa kaniyang mga naiwan
"Okay lang 'yun, Max. Kanina pa rin naman namin halata na mainit ang ulo ng isang 'yun eh" nakangiting sabi ni Jethro
Nginitian ko na lamang siya at mabilis na umalis upang masundan si Xander
Naabutan ko naman siyang nakatayo lang sa may hagdanan at bagot na nakatingin sa akin
"Anong problema mo?" inis kong salubong sa kaniya
Hindi naman niya ako pinansin at sa halip ay nauna nang bumaba
Bastos din 'tong isang 'to eh
Huminga ako ng malalim para pigilan ang aking inis dahil baka magkasagutan lamang kami dito ngayon
Tuloy tuloy lamang ang kaniyang mabilis na paglalakad na para bang wala siyang kasama
Napailing nalang ako sa lakas ng topak meron ang isang 'to
Lakad takbo ang aking ginagawa para lamang masabayan siya sa kaniyang paglalakad
"Uy Xander, kakain ba muna tayo? Libre kita oh" pang-uuto ko para naman mabawasan kahit kaunti ang init ng ulo niya
Hindi naman niya ako pinansin at derederetso pa ring naglalakad
Nakitang kong medyo pinagtitinginan na kami ngayon ng ibang mga estudyante
Pinanlakihan ko naman sila ng mata kaya agad silang nag-iwas ng tingin
Ano? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng naghahabol sa lalaki? Literally ha
"Bagalan mo naman lakad mo, hindi kita masabayan eh" pinilit ko talagang magtunog kawawa kahit medyo nakakaasiwa
Tinapunan niya lang ako ng malamig na tingin bago nagsimulang maglakad muli
Okay, easy ka lang Max. Wag kang maghuhubad ng sapatos ngayon ha
"Galit ka ba sakin?" wika ko habang nakahawak sa kaniyang braso. "Kung oo, sorry na naman oh"
Inihilamos niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha at deretsong tumingin sa akin
"Pwede bang wag mo muna ako kulitin? Naiinis kasi ako sayo" tahasan niyang sabi na nagpatigil sa akin
"Bakit naman?" mahina kong tanong matapos ang ilang segundo. "Anong ginawa ko sayo?"
Nginisian niya lamang ako bago ako iwanang muli sa gitna ng daan
Nagsorry naman na ako sa kaniya kagabi pagkacharge ko sa phone ko. Hindi naman na siya sumagot kaya akala ko okay na kami
Hirap pa namang suyuin nito kapag nagtatampo. Nakakainis
"Uy natikman mo na ba 'to? Tang ina sarap nito ah" manghang sabi ko habang tinuturo ang dinuguan sa aking harap
Kumakain na kami ngayon ni Xander dito sa U-mall. Mabuti nga't hindi na gaano kalakas ang topak niya at nagawa na niya akong sabayan kumain eh
Pero katulad kanina patuloy pa rin niya akong binibigyan ng cold treatment. Sa kabilang banda, ayos na rin naman 'yun kaysa sa hindi niya ako pansinin
"Wow! Ang sarap ng tubig dito. Manamis-namis" patuloy kong pagdaldal kahit alam kong mukha naman na akong tanga
"Yung kanin nila kakaiba din, 'no? Parang super kanin. Ang sarap kasi"
Tumigil sa pagkain si Xander at deretsong tumingin sa akin
"Gusto mong tikman 'tong pagkain ko? Hayop. Ang sarap talaga kasi" OA kong sabi habang nakangiti sa kaniya ng malaki
"Tigilan mo nga 'yan. Para kang tanga eh. Dito naman tayo araw-araw kumakain tapos maggagaganiyan ka" wika niya sabay iling
Napalabi naman ako at sinamaan siya ng tingin
Walanghiyang 'to. Siya na nga ang inuuto eh
"Xander naman kasi, bakit ka ba naman kasi nagtatampo pa sakin?"
"Hindi ko kasi alam na nang-iiwan ka pala kapag pinapaghintay" nakangisi niyang sabi sa akin
"Diba nga na-explain ko na sayo sa text kagabi? Hindi mo ba nabasa?"
Sumandal siya sa kaniyang upuan at humalukipkip
"Sige nga, sabihin mo sa akin kung gaano ka-importante yung pupuntahan niyo at hindi mo na ako nagawang hintayin para makapagpaalam ng maayos"
Hindi ako nakasagot agad dahil sa guilt na aking naramdaman. Oo nga naman, bakit nga ba hindi ko siya hinintay para makapagpaalam
"Sinabi ko naman sayong mabilis lang hindi ba? Kulang na nga lang ako na mismo ang humila ng bawat salitang lalabas sa bibig ni coach para matapos na agad 'yung sinasabi niya eh" ipinatong niya ang isa niyang braso sa lamesa at inilagay ang isang kamay sa kaniyang baba. "Pero ano? Iniwan mo pa rin ako"
Malungkot akong tumingin sa kaniya at pakiramdam ko ay hindi ko mauubos ang aking pagkain dahil sa ipinaparamdam niya
"Sorry na nga eh" mahina kong sabi habang nakayuko. "Wag ka na magalit sakin. Nagsisisi na ako"
"Tumingin ka nga sakin"
Mabilis ko namang itinunghay ang aking ulo upang matignan siya
"Uulit ka pa?" mataray niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata ng deretso
Tanging iling lamang ang aking naisagot dahil natatakot ako sa kaniya ng slight lang naman hehe
"Sige na, ubusin mo na 'yang pagkain mo at mag-uusap tayo pagkatapos"
"Ano pang pag-uusapan natin?" nakanguso kong sagot sa kaniya
"Kung sino si Sky at kung bakit nagawa mo akong ipagpalit sa kaniya"