chapter 17

491 13 0
                                    

"Mindy"





"Mindy... I'm sorry" huling katagang binitawan niya bago niya ako talikuran para sumama kay Hanna.













Tuluyan na niya akong iniwan ..











Lalong tumindi ang sakit ng nadarama ko kaya naman hindi ko napigil ng kumawala ang hikbi at ang mga luhang kanina pa umaagos sa mga Mata ko!














Napaka tanga ko para mag paka baba para lang sa kanya?! Bakit ko hiniya ang sarili ko para lang mas masaktan ng ganito?!














Halo-halo ang nadarama ko ngayon! Sakit at galit!













"Mam.. Ayos lang po kayo?" Pukaw sakin ng pamilyar na tono mula asking likuran! At ng mag taas ako ng mukha ay sumalubong sakin ang nag aalala niyang tingin! "Heto po gamitin niyo" abot pa nito ng panyo!














Ngunit imbis na kuhanin yon ay hindi ko napigil na yumakap sa kanya na alam kong ikinagulat niya!













"Ang sakit....akala ko kaya ko na siyang makita na may kasamang iba pero hindi ko pala kaya!" Hagulgol ko sa bisig niya! Naramdaman ko naman ang pag hagod niya saking likuran na nag paramdam sakin ng kaginhawahan!














"Ilabas niyo lang po ang nararamdaman niyo mam" alo pa nito sakin.











Hindi ko alam kung gaano katagal ako umiyak sa bisig niya ang alam ko lang at nararamdaman ko lang ay malaki ang naitulong nito sa akin.













"Kung gusto niyo po ay iuuwe ko muna po kayo?" Sambit pa niya! Humiwalay naman ako sa kanya at ginamit ang panyo na inabot niya para ayusin ang aking sarili.
















"Hindi mo dapat ako nakita sa ganitong sitwasyon" sambit ko.














"Wala naman po akong nakikitang Mali sa pag sasabi ng totoo... Ahh mam kung ayos lang sa into ay wag muna hoh tayong umuwi baka po kasi tanungin kayo ng daddy niyo kung bakit mugto ang mata niyo?" Tugon naman niya!













Naisip ko naman ang ibig niyang sabihin!

















"Kung saan mo gustong mag punta ay sasama ako" desidido namang tugon ko


















Iniiwasan ko lang ang mahabang usapan kapag nahalata ako ni daddy o ni manang belen!















"Talaga po mam? Papayag kayo!" Hindi makapaniwalang tanong niya pa!















Tango lang ang tinugon ko!















Ilang sandali pa ay bumyahe na kami! Hindi ko na Inabala ang akong sarili para tingnan ang daan na tinatahak namin dahil sa dami ng luhang nawala sakin ay masyado ng napagod ang aking mga Mata kung kayat kusa na itong sumara para tuluyan akong makatulog....


















"Mam Mindy! Nandito na po tayo!" Tinig na nag pamulat sakin! "Nandito na po tayo mam!" Muli ay sambit niya!















Nag-ayos muna ako bago bumaba ng sasakyan para magulat sa lugar na aming pinuntahan!
















"A-amusement park?!"



^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon