Unang Round

5.1K 31 4
                                    

Mensahe ng mga May Panaka : Huwag kalimutang manalangin at humingi ng kapatawaran para sa kamunduhang nalilikha ng ating mga berdeng imahinasyon.

“Hhmm.” daing ko ng may malamig na dumampi sa aking tenga.
“Ugh!” ngayon naman ay sa aking leeg.
“Uhhmm.” dama ko na rin ito sa aking palapulsuhan.
“Aahhhh-!” at tuluyan nang sinakop ng init ang aking hubad na katawan.
“Binibining Roma, tapos na po kayong bihisan. Handa na po kayo para sa pagpupulong.” Sambit ng aking mga mutsatsa.
Imunulat ko ang aking gorgeous eyes at maging ako ay nahalina sa imaheng tumambad sa aking mirror-mirror-on-the-wall.
Nakataas ang aking malagintong buhok sa isang magulo ngunit eleganteng pang-Frances na pusod.
Isang pares naman ng boobs-designed earrings ang nakasabit sa magkabila kong tenga. Oo, boobs-designed. They are perfectly round with pink peaks, just like my very own grace.
Isang silver necklace naman ang suot ko na may pendant na nakasulat ay G Cup in pink letters. Oh, yes. Proud dapat ako dahil kailangan aware ang mga nodede na mas pinagpala ako sa kanila. G cup = Goddess.
Isang rose gold crown bangle naman ang suot ko sa aking kaliwang kamay. Sa ngayon, itong koronang ito muna. Darating din ang tamang panahon na maisusuot ko ang korona ng mga nodede.
At para sa aking desirable body, isang v-neck with long sheer lace sleeves in nude pink na dress and suot ko.
Uh-huh! Laban na laban na naman ang aking hinaharap.
Nag-stand na ako at nag-wave sa air. “Whisper!” tawag ko.
Agad namang dumapo sa aking balikat si Whisper, isang flying tampon.
Yes, flying tampon. Lumilipad na pasador.
Pasador, sanitary napkin. A bestfriend to every women.
“Napakaganda nyo talaga Binibining Roma.” Sabi nito sa maliit at matinis na boses.
And oh, I forgot. Nakakapagsalita din si Whisper. Isa syang flying and talking tampon.
“Lagi naman akong maganda Whisper. At ngayon ay oras na para i-showcase ko ang gandang ito.” Sabi ko habang naglalakad palabas ng aking room.
Paglabas ko sa pasilyo going to Mataas na Kautungan Room(MKR) ay mas lalo kong nafeel ang pagrampa. Paano ba naman ay kitang-kita ko ang pagkislap ng mga mata ng mga mutsatsa dito sa palasyo habang bagsak ang kanilang mga panga sa pagsaksi sa aking kadyosahan.
Nasira lamang ang aking magandang mood sa paligid noong narinig ko ang sigaw mula sa MKR.
“Nasaan na ba ang mapagmagandang si Roma?! Sa tuwina’y siya ang nahuhuli!” sigaw ng aking mapagmagaling na tiyahin.
Tinanguan ko ang mga mutsatsang nakabantay sa pinto at pinagbuksan nila ako.
“Here, Madam Jackikie.” Nakangiti kong sabi habang nakaraise ng hands na tila nagsasabi ng present kapag nagroroll call ang teacher.
Nag-taas sya ng kilay at mataray na nagsalita. “Mga bagay na kay hirap mabago. Napakakupad mo talagang kumilos.”
“Ahh-ahh-ahh!” Nakataas ang aking hintuturo, senyales ng pagkontra. “Mga bagay na kay hirap mabago. Dabest na halimbawa, napaka-inggitera mo pa rin. Madam, hindi mo ikakaganda ang ingit.”
“Aba! At talagang-!” sasagot pa sana ang tiyahin kong ampalaya ng sawayin sya ni Impong Seresa.
“Tama na, Jackikie!” puno ng awtoridad na boses niya ang nag-echo sa buong silid. Yan si Impong Seresa. Ang pinaka-old na nodede sa buong Dedehell. Sya ang aming tagapayo, taga-gabay at taga-awat na rin sa mga pagkakataong gaya nito.
“Thanks, Impong Seresa. Hindi talaga marunong magtanda si Madam Jackikie.” At nginitian ko siya.
Lalong kumunot ang puno na ng kulubot na noo ni Impong, “Roma, wala akong natatandaan na bininyagan ako sa pangalang “Seresa”. Impong Cherry. Ikaw ang hindi marunong magtanda.”
“Kasi naman, ang lakas maka-millenial ng pangalan nyo. Tinalo nyo pa akong nakababata sa inyo ng daang taon.” Sagot ko habang naka-cross arms.
Natawa naman sya at napailing. “Hindi ka talaga patalo’ng bata ka.”
“Hindi patalo at walang respeto sa nakatatanda sa kanya. Sa tingin ko ay kailangan talagang pag-isipang muli ang pagiging isa nya sa mga kandidata bilang susunod na reyna.” Sabat naman ng etchuserang si Madam Jackikie.
“Kaya tayo narito ay upang pagpulungan ang usaping iyan. Pati na rin ang paghahanda para sa gagawing paglusob kay Dedemon.” Mahinahong paliwanag ni Impong Seresa.
One-by-one nya kaming tiningnan saka sya nagspeech ulet.
“Nakasalalay sa misyon na ito ang kinabukasan ng buong kaharian ng Dedehell. Hindi tayo maaaring magpadalos-dalos at nais kong paghandaan ninyo itong mabuti. Magsanay kayo ng puspusan kung kinakailangan. Mga Dedemigoddess, kailangan nyong maging bihasa sa paggamit ng inyong mahika.” sabi nya habang may iniaabot sa aming mga libro.
Limampung Lilim ng Kamunduhan
“Marami kayong matututunang mga bagong orasyon para sa kanya-kanyang salamangka.” Muli nya akong tiningnan. “Roma, alam nating lahat na ang lakas nating mga nodede ay nasusukat sa laki ng ating mga hinaharap. At, hindi naman maipagkakaila na ikaw ang pinakamalakas sa inyong lahat. Nais kong pamunuan mo ang inyong pagsasanay.”
“I know right!” nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis bago ako tumayo. “Let’s go bitches!”
Tumayo na din ang aking mga pabebeng kapatid na hindi ko man lang naramdaman ang existence dito sa silid. On the way out na kami noong magsalita ang nagmamagaling ko na namang tiyahin.
“Sandali lang mga mapagmataas na binibini. Mukhang may nakalimutan kang sabihin sa kanila Impong Cherry.” Matiim syang nakatingin kay Impong Seresa.
Saglit na humuni ang mga kuliglig habang nag-a-eye-to-eye contact sina Impong Seresa at Madam Jackikie.
Sa huli ay nagbuntong hininga lamang si Impong Seresa saka tumingin sa amin at nagsalita.
“Si Jackikie ay isa na rin sa mga kandidata bilang reyna.”
“What?!” gulat kong tanong.
Maging ang aking mga kapatid na likas na mahiyain ay di napigilang ilabas ang kanilang pagkadismaya.
“Ngunit alam po nating lahat na hindi maaari iyon. Isa syang isinumpa!” may pagdidiin pang sabi ni Lory. Isang C Cup Dedemigoddess.
“Ako ang kapatid ng namayapang Inang Reyna Dede!” matigas ding pilit ni Madam Jackikie.
“Isa kang nakapandidiring nilalang na kahit ang Nunong Reyna Dede na inyong ina ay hindi ka kayang tanggapin.” Mababa ngunit mabalasik na wika naman ni Mariezon. D Cup Dedemigoddess naman sya.
“Sa tingin ko’y panahon na para isang tabi natin ang hindi makatarungang pagtingin natin kay Jackikie. Nasa panahon tayo ngayon ng kagipitan at kailangan natin ang lahat ng tulong na ating makukuha. Samantalahin natin ang kalakasan ng bawat isa. Gamitin natin ito upang mailigtas natin ang lahat.” Pagkukumbinsi sa amin ni Impong Seresa.
“Hindi makatarungang pagtingin? My Gahd! Cursed na nga sya! Ang Ultimate Mother Dede-Maker na ang nagcurse sa kanya. Her very soul is so masama kaya ipinanganak syang intersex! May dalawang kasarian! A vagina and a penis in one body. I mean, what the fuck?! Bakit need nating tanggapin ng open-arms ang isang disgusting creature na mismong creator nya ay nandidiri sa halang nyang bituka?”
Napasinghap ang lahat ng banggitin ko ang mga ipinagbabawal na salita sa isang litanya.
“Roma!” saway ni Impong Seresa.
“Why? Yun ang truth! Masakit sa pandinig at alam kong mas masakit sa damdamin mo, Madam Jackikie, pero wala akong pake. We don’t need your help.” Hindi ko mapigilang mailabas ang aking pagkadisgusto sa kanya.
“Sabihin nyo na ang lahat ng gusto nyong sabihin. Kung sino ang makakatalo kay Dedemon at makapagbabalik ng mahiwagang pormula ang syang nararapat na hirangin bilang reyna. At kung ako ang magtagumpay sa misyong ito ay wala na kayong magagawa kundi ang magsiluhod sa aking harapan.” Mayabang nitong sabi.
“Oh, please! Sa ngalan ng napakaputi at flawless kong kilikili, don’t spit out shits! Me, Cup G! And you? Cup B lang naman! Mas may ibubuga pa si Lory kesa sa’yo.” Nagroll eyes ako sa kanya.
“Sa’yo na rin nanggaling na isinumpa ako. Ako lang ang nakakaalam kung ano ang kayang gawin ng isinumpa at kung hanggang san ang makakaya ng isinumpa kong kapangyarihan.” Nakangiti pa sya ng nakaloloko habang sinasabi ito.
“Oo nga naman. Hindi namin knows kung hangang saan ba ng ikasasama ng super bad mo nang budhi. Malamang ay mayroon ka nang super-duper evil bad plan kaya napakalakas ng loob mong magmayabang ngayon.” Mapanuring tingin ang ibinigay ko sa kanya.
“Hahaha!” tawa ng bruhilda. “Gaya nga ng sabi ko ay maaaring nyong sabihin ang lahat ng gusto nyong sabihin. Sa huli ay magkaka-alaman rin tayo kung sino baa ng tunay na nararapat sa korona.” At akmang tatayo na sya sa kinauupuan nya.
“Opps! Huweyt! Ayoko talaga ng winowalk-out-an ako o tinatalikuran, kaya kami ang mauunang lumabas ng silid na ito.” Sinensyasan ko ang aking mga kapatid. “Girls, let’s get out ‘a here!”
Naunang lumabas ang dalawang kong kapatid. Bago naman ako tuluyang umalis ay nilingon kong muli ang tiyahin kong ambisyosa.
“Kung ano man ang iyong evil evil plan na kasing evil mo, sigurado akong malalaman at malalaman naming iyon. Duh? Masyadong umaasngaw ang baho ng nabubulok mong kepyas, Madam Jackikie.”
“Jackikie.. Jackikie.. Kiki? Kiki?” paulit-ulit na huni ni Whisper.
Naaninag ko pa ang galit na galit na mukha ni Madam Jackie bago ako ganap na makalabas.
“Serves you right.” Bulong ko habang nakangiti na muling rumampa sa pasilyo ng palasyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEDEHELL [WARNING: MATURED CONTENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon