I dedicate this Chapter to NikkitaAllyCosme :">
Chapter 6
Sooyoung's POV
"So? Sa atin tong practice room na ito?" Tanong sakin ni Min-Ah at nilibot niya ang kanyang mga mata para tignan ang buong rehearsal room. Hindi naman siya sa amin na ibig sabihin ay kami ang may-ari, pero ang sabi sa amin ay, ito ang magiging rehearsal room namin sa dalawang taon na pag-aaral namin. Hindi ko akalain, na may ganito pala dito, ngayon alam ko na din kaya mahal ng tuition fee kasi kompleto sa rooms at facilities.
*Blaaaag*
Napatingin ako sa bagay na bumagsak, hala! Si Min-Ah pala yung bumagsak, lalapit na sana ako ng bigla siyang tumawa. "Hahahahaha. Sorry, masyado kong na-enjoy!" Sabi niyang ganun at umupo na siya, tapos napatingin ako kay Hyeri at kay Gayoon, na natawa din.
"Hay nako. O siya, dahil isa na tayong group, kilalin na natin ang isa't-isa." Sabi ko sakanila at dali-dali kaming nagkumpulan sa gitna at umupo.
"Ako si Sooyoung. Ako ang na-assign na leader!" Sabi ko sakanila.
"Ako naman si Min-Ah. I love to sing and sing and sing, mahilig ako gumala, pero minsan nabibitin kasi bigla ako pinapauwi ng parents ko for business problems." Sabi ni Min-Ah sakanilang dalawa.
"Sample naman dyan oh?" Sabi ni Hyeri sakanya at ngumiti siya.
"Sample? O sige, ehem..." Sabi ni Min-Ah at naghahanda na siyang kumanta pero umubo muna siya ng onti.
"Can't you see the hurt in me,
I feel so all alone,
I wanna run to you,
I wanna run to you,
woohooo~
Won't you hold me in your arms,
and keep me safe from harm,
I wanna run to you, woohooo~
But if I come to you, woohooo~
Tell me, will you stay?
Or will you,
run away?"
Pumalakpak si Hyeri at Gayoon. Ako naman ngumiti dahil mas lalo kong na-realize kung gaano kaganda talaga ang boses ni Min Ah. Nahiya si Min Ah kila Hyeri kaya nagtakip siya ng mukha pero natatawa padin. Kaya para hindi na mahiya si Min Ah, tinawag ko na si Hyeri.
"Hyeri. Ikaw naman ang magpakilala." Sabi ko sakanya at ngumiti siya.
"Ako si Hyeri, mahiyain talaga ako pero napakachildish ko, gusto ko lagi akong may kasama at matatratong ate~" Sabi niya sa amin at ngumiti ulit siya. Ang sarap niyang kausap, para bang walang problema ang buong mundo pagkausap mo siya, palagi kasing naka-ngiti eh.
"Ako, kami, ate mo kami." Sabi ko sakanya at nag group hug kami.
"Ikaw naman, Gayoon." Sabi ko at tumingin kami sakanya.
"I'm Gayoon. Laging awkward ang reaksyon ko, kasi hindi talaga ako malapitin sa tao kasi taong-bahay lang ako. Pero gusto ko din ng mga taong mapagkakatiwalaan ko at makakasama ko in good and bad times." Sabi niya samin at yumuko siya. May napansin ako sakanya, kahit anong reaksyon ng mukha ang ganda niya. Para siyang dyosa na hindi kumukupas ang ganda, magalit man o sobrang problemado man ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanficNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?