(Isang araw buwan ng hulyo sa Bayan ng Baul Baryo ng Puting Bato sa bahay ng mag asawang Pipoy Lakbay at Bebeng Lakbay. Habang nagtataga ng kahoy si Pipoy ay naghahanda na ng Umagahan si Bebeng na kabuwanan na ng kanyang tiyan.)
-bebeng: sweetheart!!?sweetheart??? Kakain na tayo halina dito at nakahain na..
-pipoy: andyan na..wait lang.
(kumakain na ang magasawa ng biglang)
<> KNOCK!!knock!knock!
-pipoy: hus der?
<> hoy!!!Pipoy!!!pa englis englis ka pa!!leche kayong magasawa!magbayad na kayo ng upa niyo sa condo!aba limang buwan na kayong hindi nagbabayad ah!bibigyan ko kayo ng palugit!hangang katapusan pag hindi pa kayo nakapagbayad kahit tatlong buwan magimpake na kayo at lalayas na kayo sa tinitirahan niyo!!
-pipoy: e....aleng Tesie..
-aleng tesie: walang e e basta ang sinabi ay dapat na sundin niyo!! Jan na kayo!!
(agad na umalis si aleng tesie at binalibag ang pinto bago makaalis, habang sina pipoy at bebeng ay nagkatitigan nalang)
-bebeng: panu na ang gagawin natin nagkasabay sabay na ang problema natin. Manganganak pa ako tapos ganto na.
-pipoy: wag kang magalala..yung ipon natin yun ang gagamitin natin sa panganganak mo.
-bebeng: bakit ba ganto ang nangyayari saatin
(tinapos na nila ang kanilang pagkain ng malalim ang iniisip tungkol sa problema nila sa buhay at sa bahay.agad namang nagbihis na si manong pipoy para magtrabaho sa kumpanya ng SNB(Sabungan Ng Bayan) siya ay janitor dito na kulang na kulang ang kinikita at hindi pa sapat para sa pang upa ng bahay nila swerte nalang minsan kung may nambabalato sa kanya na kakilala pag nananalo ang manok nito. Ngunit madalas ay upos ng sigarilyo at kalat ang balato niya sa pagkat pagkayari ng sabong at uwian na ang mga tao siya naman ang bida sa loob ng arena siya lang magisa ang naglilinis nito at dapat ay malinis talaga dahil pag natanaw ng may ari ng arena ang lugar at madumi ay ipapaulit sa kanya ang gawain hindi na siya makatangi sapagkat dito lamang siya nakakapag hanap buhay sa hirap ng bayan ng Baul kahit basurero papatusin na ng mga taong walang trabaho mahirap na Bayan ang Bayan ng Baul. Naghirap dahil sa mga namamahala at mga nakaupo na puro's sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Masagana sana sa mineral ang bayan ng Baul ngunit sa tulong ng mga taong nakatira dito at sa kagagawan ng mga Pabrikang naglalakihan at naglalakihan din ang Usok at mga kalat na galing sa Pabrika ay unti unti ng nagiging itim ang dating ilog na pinamamahayan ng Isda ngayon ay Mga Basurang nagkalat na sa ilog ang nakatira dito ay tuluyang dumadami hindi sila nanganganak ngunit nadodoble sa tulong ulit ng mga taong trip na ang pagtapon sa ilog at kahit sa dagat. Ganun din ang gawain, at mas masahol pa ang nangyayari sa dagat sa pagkat pati ang mga bahay ng mga nananahimik na isda ay tuluyang sinisira ng mga mangingisdang sugapa sa huli na kapitpatalim na may mahuli lang at may maiuwi na pera sa kanilang pamilya kahit papanu. Sino ang dapat nating sisihin?ang taong bayan ba o ang mga taong nagbabayad sa bayan para sila ay maupo sa pwestong hindi naman sila nararapat. Nang matapos na ang paglilinis ni manong Pipoy ay ibinigay na ni manong bert ang 50pesos na sahod sa araw na yun kay manong pipoy agad namang tinangap ito ni manong pipoy at sinabakan ng uwi. Nang malapit na si manong pipoy sa bahay nila at mga dalawampung hakbang nalang ay bigla may nagsabi sa kanya na......)
<> Naku pipoy!!!buti at andito kana!ang asawa mo!?
-pipoy: ano ho ang nangyari??sa kanya?asan siya?
<> Manganganak na siya!! Dalian mo!!andun na si luz siya na ang magpapaanak sa asawa mo!!
(dalidaling nagtatakbo si manong pipoy sa kanilang bahay at halos masubsob na ang nguso sa tulin ng pagkakatakbo niya. At bumilis ang tibok ng puso nito..)