Ang Pagkikita
"Babygirl please? Makipagkita ka na sa anak ni Mr. Salas please?" napapairap na lang ako sa muji ko na nasa harapan ko ngayon at nagpa-puppy eyes pa.
"Muji may party pa akong pupuntahan." sagot ko sakanya, bigla naman nalungkot ang mukha ng muji ko, Hays! Nagpapaawa ito.
"Anak naman e, please na? Pagtapos nito papayagan na kita sa lahat ng pupuntahan mo, pwede mong bilhin lahat ng gusto mo, sasabihin ko din sa puji mo na taasan ang baon mo sa darating na pasukan!" para namang may sumabog sa tainga ko nung narinig ko yon galing sa muji ko.
"Fine! Saan ba yon muji?" nanlaki naman ang mata niya at bigla akong niyakap.
"Anak! Yieeee! Omy!"
"Muji please, wag mo kong patayin!" yakap ko din siya at parang mamamatay nako sa sobrang higpit!
"Ay sorry anak, sige I'll send you the details, umakyat ka muna sa kwarto mo at mag-ayos." ang laki ng ngiti ng muji ko ah, hays kung di ko lang mahal ang ina kong parang bata.
Sinunod ko naman ang utos niya umakyat na ako at nag-shower ng ilang minuto tapos nag-bihis lang ako ng high waist jeans na faded, crop top na floral at sneakers. Onting suklay lang sa buhok kong mahaba na aabot hanggang bewang na mayroong natural na kulay brown, onti ring foundation, mascara at nude lipstick, and I'M READY!
Dinampot ko na agad ang aking sling bag sa couch ng aking kwarto at bumaba na. Agad ko ding chineck ang phone ko at nakita ko ang message ni muji.
From: Mother Muji
Sa Pavillion Mall, Parking Lot.
Napakamot na lang ako sa ulo ko, medyo malayo ang Pavillion Mall dito ah.
"Nay Lorraine! Aalis na ho ako" pumunta ako sa kusina at naabutan ko ang kasambahay namin na nag pupunas ng lamesa.
"Oh Van, saan naman ang tungo mo?" tanong niya saakin habang inaayos ang medyo maluwag niyang salamin.
"Diyan lang po sa Mall, may inuutos sakin si muji e, sila kuya po?"
"Ay nako! Iyang si Vandemir, madaling araw na umuwi, lasing na lasing pa," napatingin naman ako sa kwarto ng kuya ko sa itaas, nako talaga yon! Napakalasinggero!
"Si kuya Vanjo po?"
"Sabi saakin ng muji mo, hindi daw umuwi yon at doon daw natulog sa condo niya," tumango naman ako.
"Ang kuya Vandolf mo naman at Kuya Vanbert maagang lumabas at may laro daw sila ng basketball kasama ang mga kaibigan nila" tumango na lang ulit ako.
"Si muji at puji ho?" hindi ko kasi nakita si puji kaninang naguusap kami ni muji sa sala.
"Maaga ding umalis at may biglaang meeting daw"
Napatingin naman ako sa wall clock namin, 8:45 na. Makaalis na nga para makahabol pa ako sa party ni Kylie, one of my bestfriend.
"Sige po nay, aalis na po ako agad at nang makauwi na ng maaga"
"Hindi ka ba kakain Vanescka Euzyll Lovelis?" nako, ito ang pinaka ayaw ni nanay Lorraine, hindi kumakain bago umalis ng bahay at tinawag niya ako sa buong pangalan ko!