Chapter 6.1

240 14 0
                                    

Chapter 6.1

Sooyoung's POV

"Taecyeon?" Siya pala ang nakabunggo sa akin. Ibinigay sa akin ni Taecyeon ang kamay at hinila niya ako pataas. Ng makatayo na ako, tinignan niya ang mga maya ko pero hawak niya padin ang kamay ko.

"Sooyoung." Sabi niya sakin.

"Taecyeon ikaw pala, pasensya na." Sabi ko sakanya at bumitaw na agad ako sa kamay niya at lumayo ako ng onti.

Tinignan niya ko ng parang nagtataka, "Bakit ganyan tingin mo?" Sabi ko sakanya at patuloy padin siya sa pag tingin sakin.

"May nararamdaman ka bang kakaiba na-" Hindi siya natapos sa pagsasalita dahil may sumigaw ng sobrang lakas.

"LUHAN!" Napatingin ako sa EXO at biglang nagtilian ang mga babae.

Nakita kong natamaan ng bola si Luhan at nakita kong babagsak na siya. Kaya hindi na ko nag dalawang isip pa at tumakbo na agad ako papalapit. Pero bakit ganun? Bakit parang nag slow motion ang lahat? Sila Suho na papalapit kay Luhan, naka slow motion din. Hindi ko alam kung anong nangyari bakit ganito ang pakiramdam ko pero lumapit ako kay Luhan at pinaalis ko silang lahat kaya ako at si Luhan nalang natira ngayon. Kaya ako ang kaharap ni Luhan ngayon, sila nasa gilid lang...

"Luhan, ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya at inayos ko ang posisyon niya. Pinaupo ko siya at inalalayan ko ang likod niya.

"Luhan, sumagot ka." Nawalan ba siya ng malay? Nagulat ako ng bigla siyang dumilat at niyakap niya ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero naging kalmado ako nung niyakap niya na ako.

"Wag ka na ulit umalis sa tabi ko, p-please?" Sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya pero bigla akong nairita kasi parang may naamoy akong kakaiba. Humiwalay ako kay Luhan kasi parang gusto ko magwala sa naamoy ko, na parang ang sarap at hinahabol ng lalamunan ko ang amoy at lasa nun.

Tinignan ko ang kamay ko at may nakita akong dugo. Galing sa siko ni Luhan, bigla akong nahilo, "Luhan, kailangan mong pumunta sa clinic." Sinabi ko agad sakanya bago pa ko mahilo dito. Takot lang siguro ako sa dugo kaya nararamdaman ko 'to.

Pero bigla akong hinatak ni Suho, tinignan ko lang siya at nung nilalayo niya na ko bigla akong nahilo at parang may naalala ako... Deja vu na naman ba?

"Soo-jin, hawakan mo lang ako, wag kang sumama saka-"

"Luhaaaaan! Tulungan mo k-"

"Sehun wag ka-"

"Soo-jin takbo da-"

"Mahal kita, Soojin..."

"Mahal din kit-"

"Bakit siya pa? Lagi nalang ako naii-"

Hindi ko alam kung bakit may naiisip o naalala ko ang mga bagay na 'to. Pero nagtataka ako kasi, Soojin ang sinasabing pangalan. Siguro sa sobrang pagkakahilo ko nag-iisip ako ng mga bagay na hindi naman dapat isipin.

"Sooyoung! Tumingin ka sakin! Mag focus ka." Bigla umayos ang paningin ako at nakita ko si Suho, pawis na pawis akala mo tumakbo ng sobrang layo.

"Suho!" Yan lang ang nasabi ko at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Bakit? Hindi ko alam pero natakot kasi ako sa nakita ko sa utak ko. Hindi ko alam kung gawa-gawa lang ba ng utak ko 'yun dahil nahihilo ako, pero hindi ko din naman alam kung ala-ala ba 'yun kasi nga Soo-jin ang nasabing pangalan. Pero kahit na kasi sobrang nakakatakot yung nakita ko o naalala ko.

"Okay lang yan." Sabi niya sakin at hindi ko namalayan bigla nalang tumulo ang luha ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang takot na takot ako, kahit sa sarili ko.

"Suho, wag kang aalis. Dito ka lang muna sa tabi ko." Sabi ko sakanya, siguro nasabi ko sakanya yan dahil natatakot ako ng sobra ngayon. Pero maya-maya din, bumitaw na ko sa pagkaka-yakap ko sakanya at pinunasan ni Suho ang aking luha.

"Eonni-" Biglang may nagsalita sa gilid namin ni Suho kaya napatingin kami.

"Hyeri." Nakita ko si Hyeri, Gayoon at si Min Ah, kakababa lang sa hagdan at nakatingin saming dalawa ni Suho.

"Bumaba kami agad kasi sabi ni Taecyeon may nangyari daw kay Luhan?" Tanong sa akin ni Min Ah. Bigla kong naalala si Luhan at naalala ko nasa clinic pala siya. Tumakbo agad ako papunta sa clinic at sumunod lang sakin sila Suho.

Papasok na sana ako ng clinic ng biglang lumabas si Kris kasunod si Luhan at si Xiumin, "Luhan" Sabi ko at tumingin ako sakanya at nakatingin din siya sakin pero blangko lang.

"Okay na siya Soojin." Sabi ni Kris. Ano daw? Hindi ako si Soojin. Nababaliw na naman si Kris. Tinignan ko siya nga masama at para naman siyang nagulat.

"Kris." Sabi ni Suho.

"Tara na, Luhan. Suho, mabuti pa, dumistansya muna tayo sa isa't-isa. Hiwalay mag peperform ang K at M." Sabi ni Kris kay Suho, bakit?! Ano nangyari? Bakit parang biglang sobrang galit ni Kris.

"Pero-" Hindi na natuloy ni Suho ang sasabihin niya dahil bigla nalang umalis sila Luhan. Bakit ganun? Parang iniiwasan ako ni Luhan? Bakit parang bigla siyang nailang sakin?

"Suho bakit biglang-"

"Hayaan mo na muna sila." Sabi ni Suho sakin at ngumiti nalang siya sa akin at naglakad na papunta sa quadrangle para puntahan ang K-members.

Sumunod lang kaming apat kay Suho at nakita namin na naglalakad na papalayo ang EXO-M. "Hyung, bakit?" Tanong ni Chanyeol kay Suho.

"Dahil na naman sa babaeng yan, sab-" Hindi pinatapos ni Suho si Kai na magsalita.

"Kai, ano ba, tama na!" Biglang sumigaw si Suho at nagulat si Kai at napatayo siya.

"Bakit? Hahayaan mo na naman bang maghiwalay ang pack dahil sakanya?" Biglang inawat ni Chanyeol at D.O si Kai. Nag-iba ang aura ni Kai, para siyang galit na galit at para bang aawayin si Suho.

"Wala siyang kinalaman dito kaya tu-" Sabi ni Suho pero hindi rin siya pinatapos ni Kai.

"Wala?! Magising ka naman!" Sabi ni Kai at bigla siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Chanyeol at D.O. Naglakad na siya papalayo samin.

Napa-isip ako sa sinabi ni Kai. Babae? Ako? Bakit ako ang sinisisi ni Kai? May nagawa ba kong masam na hindi ko nalalaman? Litong-lito na ko.

"Suho, ako ba ang pinag aawayan niyo? Kung ganun aalis na-"

"Hindi, dito ka lang kasama ng mga ka-grupo mo." Sabi sakin ni Suho at pinipigilan niya ang kamay ko pero pumiglas ako sa pagkakahawak kay Suho.

"Gusto ko muna mapag-isa."

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon